SEVEN

41 3 0
                                    

Hindi ako gaano nakatulog sa magdamag dahil sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Kian. Ni hindi man lang kami dumaan sa ligawan or boyfriend-girlfriend stage.

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Gusto ko lang matulog sa maghapon. Weekends naman ngayon kaya wala kaming pasok sa university.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ni Kian pero nanatili pa din akong nakapikit.

Dinig ko ang paglapag niya ng kung anumang bagay sa bedside table at sunod kong naramdaman ay ang paglundo ng kama.

Naupo siya sa aking tabi. Hindi ko sana siya papansinin ng maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang mga daliri sa aking pisngi.

"I know you're awake," aniya. Kailan kaya ako masasanay na gumising sa umaga na mukha niya ang unang makikita ko? At boses niya ang unang maririnig ko.

Nagmulat ako ng mata at ang labi niyang may mga ngiti ang nasilayan ko. Nakakahawa ang ngiti niya.

He bit his lower lip. 'Tapos ay dumukwang siya para halikan ako sa aking ulo. Napapikit ako sa kaniyang ginawa. Sunod naman ay hinalikan niya ang aking ilong.

Nang akmang hahalikan na niya ako sa aking mga labi ay hinarang ko ang aking mga palad.

"Why?" he asked.

"Hindi pa ako nagtu-toothbrush," sabi ko habang nakatakip ang aking mga palad. Pumalatak siya at ngumisi.

"I don't care," aniya. Tssss. Eh, ayaw ko nga. Ngumuso siya. His eyes are smiling.
Ngumuso din ako at napatingin sa may bed side table. May nakalapag na tray doon. May hinanda siyang breakfast; mga slice fruits, pancakes at hot choco para sa akin. And coffee for him.

Hindi ba't dapat duty ko bilang asawa niya ang maghanda ng almusal namimg dalawa? Lumamlam ang aking mga mata.

"Breakfast in bed," nakangiting sambit ni Kian.

I can't help but smile. Inalalayan pa niya akong bumangon. Nakapapanibago pero hindi ko maitatangging nagugustuhan ko ang ginagawa ni Kian para sa akin.

"Ako na," sabi ko nang akmang susubuan pa niya ako.

"Let me do it, please," he said in a very sweet voice. Hindi ko mapigilang pulahan ng mukha ng ma-realize ko ang ginagawa niya sa akin. Sa aking sistema.

"You're blushing," he said. Ang buong atensyon niya ay nasa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya.

Mahina siyang tumawa. "Kinikilig ka ba?" tanong niya na mas lalo pa atang kinapula ng mukha ko.

"Kian..." anas ko. He chuckled again and then pinch the tip of my nose.

"I am glad..." He uttered. "Masaya ako'ng may talab ako sa'yo."

"Kian!" bulalas ko nang basta na lang akong hinalikan sa labi. Ang kulit, sabi nang hindi pa ako nag-toothbrush, e.

"Let's eat. May pupuntahan tayo," sabi niya habang sinimulang hiwain ang pancake na nasa plato.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko naman bago kinuha ang mug na may lamang hot choco.

"Kahit saan. Saan mo ba gusto?"

"Ikaw bahala..."

"Hmmm... Parang masarap sa langit magpunta," mapaglarong sambit niya na may mga ngiti sa labi.

Ngumuso ako sabay irap sa kaniya. Loko-loko talaga, e.

Inabot ata kami ng kalahating oras bago natapos ang pagkain. Nauna na akong naligo kahit pa kinukulit niya ako na sabay daw kami.

MARRIED TO MY BULLY NEIGHBORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon