Sinulit namin ang buong araw namin sa resort. Halos lahat ng activities na offer ng resort ay ginawa namin.
I enjoyed a lot. This is our first date together. He promised that he will take me out on a date often.
Sunday ng hapon kami bumiyahe pabalik ng Metro. Back to reality ika nga. Pansamantala kong nakalimutan na mga estudyante pa lang pala kami.
Nawala sa isip ko iyon. Akala ko adults na talaga kami. We are in a legal age now but still we needed to finish our studies for our future.
———
Nagtanggal siya ng sapatos at hinubad ang kaniyang tshirt bago siya nagpatibuwal sa kama.Ako naman ay pumasok na muna ng banyo para makapaghilamos at makapagpunas ng basang bimpo sa aking katawan.
Nanlalagkit kasi ang pakiramdam ko. Nagsuot ako ng komportable damit bago ko siya tinabihan sa kama.
Umunan ako sa kaniyang dibdib. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa aking noo. Napangiti ako.
Didn't know that I could feel so happy being in his arms. Him beside me.
——
Maaga akong gumising kinaumagahan para maghanda ng almusal namin.
May stock pa naman kami ng pagkain. Titignan ko mamayang hapon ang stocks sa bahay para ma-defrost ko na ang refrigerator doon. Umalis na din kasi sina mama kahapon. Bumalik na sila ng province, dahil nandoon ang business nila. Tatapusin ko lang dapat ang semester at susunod na ako sa kanila doon, pero mukhang hindi na iyon mangyayari ngayon dahil may asawa na ako.Madaming bilin si Mama kahapon. Hanggang sa mga text messages na pinadala niya ngayong umaga ay puro pangaral ang nabasa ko.
"Call us if there's a problem." 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi niya. Para bang inaasahan nila na magkakaproblema ako.
Hmmm. Sana wala naman. Masaya kami ni Kian. Ngayon lang akong naging masaya sa tanang buhay ko. Sa wakas hindi na ako uuwi sa bahay na walang kasama. Hindi na ako kakain mag-isa. Hindi na matutulog ng mag-isa.
Nandiyan na si Kian na kasama ko hanggang sa umabot kami sa pagtanda. Napangiti ako sa aking naiisip.
Sabay kaming nag-almusal ni Kian. Pinagtulungan din namin ang mga hugasin bago kami naligo para makapasok na sa university.
Malaki na ang pinagbago ng buhay ko mula nang may nangyari sa amin ni Kian at lalo na ngayon na kasal kami.
Dati, wala akong ganang pumasok sa eskwela dahil sa pambu-bully nila. Pero ngayon, wala ng kahit isa ang nagtatangka pang mam-bully sa akin.
Bakit hindi. Ang pasimuno ay asawa ko na ngayon. Iyon nga lang, kapalit ng pagiging asawa niya ay ang mga matang matalas na nakatingin sa akin.
Magkahawak kami ng kamay ni Kian habang naglalakad papunta sa unang klase ko.
Hinatid niya ako hanggang sa labas ng classroom. Bago ako pumasok ay kinintalan muna niya ako ng halik sa aking pisngi.
"Sabay tayong mag-lunch mamaya. I love you, Moo..." bulong niya sa aking tenga. Napangiti ako sa tawag niya sa akin at sa lambing ng kaniyang boses.
"Goodluck sa klase," that's the only thing I could say. I don't know if I should answer his I love you. I know I like him, that he is special to me but I am not that sure if my feelings for him was as deep as his love for me.
Sa mga susunod na araw malalaman ko din kung ano man ito. Kung gaano na kalalim ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Ganado akong mag-aral. Naging active ako sa buong klase. May mga ilan din akong mga kaklase na lumalapit sa akin para makipagkaibigan.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MY BULLY NEIGHBOR
RomanceTahimik lang si Beth at walang kaibigan. Halos lahat ng estudyante sa university na pinapasukan niya ay binu-bully siya. And his number one bully was no other than his oh-so-hot neighbor, Kian. One day, she found herself in a dreadful situation...