Gumising akong mag-isa lang sa kama. It's only six thirty in the morning. It's saturday kaya wala kaming pasok sa university.
Napatulala pa ako bago pinilit na bumangon at hanapin si Kian. Nadatnan ko siya sa kusina. May kawali na nakasalang sa kalan.
Mukhang nagsisimula pa lang magluto. The kitchen was a bit messy. May mga ingredients at kung ano-ano pang mga pagkain na nasa counter top.
When he notice my presence he glance at me. Sumandal ako sa pinto ng kusina at ngiting-ngiti siyang pinagmasdan.
"Ang aga mo yatang bumangon at magluto."
Tipid lang siyang ngumiti. Hininaan niya ang apoy sa kalan bago inilang hakbang ang pagitan namin.
Hinalikan niya ako sa labi. "Sorry about last night. I came home late due to traffic," seryosong paliwanag niya. Tumango ako.
"It's okay. I just hope you have texted me. Your wife was so worried." Bumuntong hininga ako.
"Sorry..." He kiss me again. It last for few seconds dahil kung hindi pa siya titigil masusunog na ang kawali.
"While I'm cooking, mag-empake ka ng damit natin good for two days," aniya.
"Why?" kunot noong tanong ko.
"Mag-out of town tayo," sagot niya habang sinasalang ang bacon sa kawali.
Biglaan naman ata ang plano niya.
"Okay, mag-emapake lang ako."
Naiiling na lang akong umakyat sa taas para maihanda ang mga gamit namin.
——
Nagpunta kami ng Tagaytay. Naglibot maghapon at pagdating ng gabi ay walang kapaguran niya akong inangkin.Mag-uumaga na kaming natulog kaya naman tanghali na kaming bumangon kinaumagahan.
"Ilang buwan na lang magtatapos na tayo," sabi ko. Ang totoong hamon ng buhay ay magsisimula pa lang. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
Adulthood was a bit scary. Dahil ang mga matinding pagsubok ay nag-aabang para subukin ka. Will I be strong enough or will I falter.
Nilingon ko siya dahil hindi man lang siya nagsasalita. "You okay there?" tanong ko dahil hindi man lang napansin na nakatitig ako sa kaniya.
He was quiet and his mind was preoccupied.
"Huh. Yeah," tugon niya. Hinalikan niya ang aking pisngi at niyakap ako. Katatapos lang naming mag-breakfast. Nakaupo siya sa sofa na nakaharap sa malawak na balcony ng tinutuluyan naming hotel. Nakaupo naman ako sa kaniyang kandungan. Hindi ata siya nangangalay kasi kanina pa kami sa ganitong puwesto.
"I love you, Moo..." bulong niya.
Hindi naman sa ayaw ko ang sinasabi niya kaso mula kahapon puro I love you na yata ang lumalabas sa kaniyang bibig.
"I love you more... What are you thinking?" tanong ko sa kaniya.
He sighed and shook his head. And sighed again. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
"I was just thinking about our future. You and me. Our future with our children."
Ngumiti ako. "Gusto mo na bang magkaanak tayo?"
Plano naming mag-ipon muna. May trustfond naman kami parehas galing sa mga magulang namin. May kalakihan din iyon kaya sinasabi ng mga magulang namin na bigyan na namin sila ng apo after graduation. Pero nauna na naming napagplanuhan ni Kian na huwag muna.
Magtrabaho muna kami, mag-ipon, mag-travel bago magka-baby.
"Pakakasalan muna kita sa simbahan. Pag-iipunan ko iyon. I will give you a grand wedding. I will buy you the most beautiful and expensive wedding gown." Natawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/377549411-288-k770889.jpg)
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MY BULLY NEIGHBOR
RomansaTahimik lang si Beth at walang kaibigan. Halos lahat ng estudyante sa university na pinapasukan niya ay binu-bully siya. And his number one bully was no other than his oh-so-hot neighbor, Kian. One day, she found herself in a dreadful situation...