FOURTEEN

20 7 2
                                    

Hanggang mag-lunch break ay hindi na kami ulit nakapag-usap ni Macy. Alam kong maya't maya siyang tumitingin sa akin pero dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko, sinikap kong iignora siya.

Baka kapag makita ko ang awa sa kaniyang mga mata ay maiyak lang ako. Saksi siya sa nangyari. Saksi siya sa pagsunggab ni Kian sa tukso.

Ayaw kong umiyak. Kahit sabihin pa na halik lang iyon o make out masakit, e.

Pero paano kung hindi lang iyon halik? Paano kung mas higit pa doon?

No. Kahit smack o ano pa man yan, it is still an act of cheating.

Nang mag-lunch break sinundo ako ni Kian sa labas ng room ko. Nakangiti siya at agad akong niyakap at hinalikan.

Bumuntong hininga ako at tamad siyang nginitian. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Nag-aalboroto na ang damdamin ko. Kanina pa ako hindi pinapatahimik ng aking puso. Pero nasa university kami. Hindi kami dapat nakikita ng iba na nag-aaway. Ayaw kong makita o malaman ni Jewel na may hindi kami pagkakaunawaan. It will satisfy her, and that was the last thing I don't want to happen.

"Beth..." Tinanguan ako ng mga kaibigan niya. Hindi tulad kahapon maingay na naman sila. Nagkakatuwaan at nagakakasiyahan.

Tumango lang ako sa kanila. Umupo ako at tinignan ang pagkain sa aking tapat. Sila siguro ang inutusan ni Kian na bumili ng pagkain namin.

Bumuntong hininga ako bago ko hinawakan ang kutsara at tinidor. Nakatingin lang sa akin si Kian.

"Ayaw mo ba, Moo?" tanong niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi na ako sumagot dahil sinimulan ko nang kumain.

Tahimik ang mga kaibigan niya. Ang kabilang mesa kung nasaan nakapwesto sina Jewel at mga kaibigan niya ay nag-iingay.

Pero hindi ko inabalang pansinin. Walang pakialam sa pinag-uusapan nila.

Tumikhim ang isang kaibigan ni Kian. Mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin nila.

"Beth, may night swimming kami ngayon..." May pag-aalangan sa kaniyang tono.

"School activity ba 'yan? Per group? Para sa subject?" matabang kong tanong ng hindi sila tinitignan.

"Hindi naman..."

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain.

Tumikhim uli sila. "Aayain sana—"

"No..." Agap ko.

"Ano, e." Umiling ako at marahas na huminga.

Tumingin ako kay Kian na kunot ang noo at nakatingin sa akin.

Malamig ko siyang tinignan dahilan para matigilan siya.

"Gusto mong sumama?" tanong ko sa kaniya. Alanganin siyang umiling.

"No..." tugon niya kaya naman nilingon ko ang mga kaibigan niya at tinaasan ng kilay.

Wala na kaming imikan. Tahimik ang lahat na kumain. Mabilis kong naubos ang pagkain ko kaya nauna na akong tumayo.

Agad ding tumayo si Kian kahit hindi pa niya nauubos ang kinakain niya.

"Pupunta pa ako sa library. Ubusin mo na lang ang pagkain mo," sabi ko at naglakad na pero pinigilan niya ako.

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Wala akong naging imik. Umalis ako ng canteen at dumiretso sa restroom.

Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Kanina pa ako nagtitimpi ng inis at galit. Gusto kong sumabog pero pinigilan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED TO MY BULLY NEIGHBORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon