THIRTEEN

43 3 0
                                    

Hindi kami nakapag-usap ni Kian pagdating ng umaga dahil mas maaga ng isang oras ang klase ko kaysa sa kaniya.

Ininit ko na lang ang niluto kong pagkain kagabi. Ang cake na b-in-ake ko ay nasa ref lang.

Pagkatapos kong magbihis ay sakto namang gising na siya. Tahimik siya at alam kong pinagmamasdan ako.

Madami akong gustong sabihin at may mga bagay ako na gustong itanong sa kaniya pero ayaw kong simulan ang araw na ito sa away. Sa inis na naramdaman ko kagabi at hanggang ngayon ay natitiyak kong pagmumulan lang ng away.

Hangga't maari gusto kong maging kalmado. Ayaw kong magulo ang aking isip lalo na at may mga quizes kami na dapat kong paghandaan this week.

Naninikip ang dibdib ko. Wala akong halos tulog. Inis na inis ako habang nakikinig sa kaniyang paghilik. May impluwensya siya ng alak kaya naman himbing na himbing ang tulog.

Walang kaalam-alam o mas tamang sabihin na walang pakialam sa asawa na inis na inis at masama ang loob sa kaniya.

"I'm going," malamig kong paalam sa kaniya. Tumayo siya at agad akong nilapitan. Hinalikan niya ang ulo ko.

"Ingat, Moo... I love you. See you later..."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Tumalikod na ako at umalis na ng bahay.

Dumiretso ako sa classroom nang hindi tumitingin sa mga nasa paligid. I am too mad to entertain anyone.

Huminga ako nang malalim at bumuntong hininga. I drink some water from my tumbler to lessen the lump that in my throat.

Alam kong nakatingin sa akin si Macy na nakaupo sa kaliwang bahagi pero hindi ko siya nilingon.

Hindi ko kayang ngumiti. Kahit na plastik lang dahil hindi naman ako plastik.

Our morning class was finish. Agad na akong tumayo para magpunta ng canteen. May text message si Kian na nagsasabing nandu'n na daw siya. Madaming tao sa canteen kaya hindi na lang niya ako sinundo dito para makapag-order siya ng pagkain namin.

Hindi ako nag-reply. I just hope that he knew what do I feel about last night. It's not about the surprise that I prepared.

"Beth," tawag sa akin ni Macy. I am not really in a mood right now kaya nagpanggap akong hindi siya narinig.

But knowing Macy, she is really determined. Hinawakan niya ang aking braso. Bumuntong hininga ako bago ko siya nilingon.

Ang kaniyang ngiti ay iba habang nakatingin sa kaniya. May bahid ito ng lungkot at pag-aalala. Kumunot ang noo ko.

"Yes? Something's wrong?" tanong ko. Did she have a problem? Bakit hindi ang mga kaibigan niya ang lapitan niya?

"Are you okay?" she asked me. Kumunot lalo ang noo ko. Nilapitan niya lang ako para doon?

"O-Oo naman," sagot ko. I manage to plaster a smile. Bumuntong hininga siya. Ngumiti. Kahit ano'ng pilit niyang ngumiti still the sadness and worry was evident in her face.

"Ikaw, ayos ka lang ba?" tanong ko. Saan ba patungo ang usapan na 'to?

Tumango siya at ngumiti. Hindi ako gaano nakakain kaninang umaga kaya ramdam ko na ang gutom.

Tumango siya. "Nagugutom na ako kaya mauna na ako, ha," sabi ko at tinapik siya sa kaniyang braso. She nodded her head and didn't said anything again.

Tumigil ako sa paghakbang nang mula dito sa pintuan ng canteen ay nakita ko ang cheer leader na nakaupo sa tapat ng kinauupuan ni Kian.

She has this sweet and flirty smile in her lips while looking at Kian. Hindi ko makita ang reaksyon ni Kian. Mula dito ay likod lang niya ang nakikita ko.

MARRIED TO MY BULLY NEIGHBORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon