ELEVEN

37 5 0
                                    

Tumaas ang kilay ko sa kaibigan ni Kian. Na naman?

Napatingin ako kay Kian. "It's okay if you don't want me to go," aniya.

Samantalang ang kaibigan niya ay nagpa-puppy eyes sa akin habang pinagpapaalam si Kian na um-attend ng birthday party niya.

"Sino naman ang mag-birthday next month?" tanong ko sa kanila. Halos sabay-sabay pa silang napakamot ng ulo.

Last year, hindi naman nila pinagpapaalam ng ganito si Kian. And Kian refused to go last year. Bumuntong hininga ako.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko. Naalala ko ang birthday ni Raul nang nakaraan, ang sabi sa bahay lang nila pero malaman-laman ko kina Macy na sa bar pala sila nagpunta.

"Sa bahay lang. All boys gaya lang din sa birthday ni Raul," tugon niya habang ang mata'y hindi mapirmi. Hindi siya makatitig sa akin na mariing nakatingin sa kaniya.

Liar! I know where you guys went.

"Please, payagan mo na. Huling taon na natin ngayon sa kolehiyo. Kapag nakapagtapos na tayo baka hindi na kami magkita-kita."

Bumuntong hininga ako. "Okay. Make sure na hindi niyo dinadala kung saan ang asawa ko. No girls and please, don't get him drunk."

"No girls. And we won't let him get drunk," they assure me. Well, hindi ako tiwala sa kanila. Pero may tiwala ako sa asawa ko.

"He should be home at ten pm," seryosong sabi ko. Tumango-tango sila. The smirk in their eyes make me feel uncomfortable.

Tumingin ako kay Kian. He weakly smile. "Thanks, Moo," aniya bago ako hinalikan sa aking pisngi.

Pagkatapos ng klase ko ng hapon, nagpunta muna ako ng restroom bago umuwi.

Pagpasok ko ng restroom ay naroon ang grupo ang mga cheerleader. They were busy doing their make ups.

Hindi ko man sadya ay nakikinig na naman ako sa usapan nila.

"Sure ba na pupunta siya?" tanong ng isa sa kanila.

"Oo. Umalis na nga sila, e. Kasama nila si —" Natigil sa pagsasalita ang cheerleader ng mapansin ako.

She manage to smirk at me again. Which I just ignored like I always do.

"Hi, Beth," nakangiti niyang bati. I know its fake. Peke din akong ngumiti sa kaniya.

"Hello," masigla kong bati gaya ng tono na ginawa niya.

"We're going on a party," sambit niya na para bang may pakialam ako. We're not even friends for her to tell me that. Why need to inform me about her activities. Like I care and like she care.

I shrugged. "Enjoy," walang gana kong sambit.

Pumasok na ako sa cubicle at dinig ko pa din ang usapan at hagikgikan nila.

"Poor her. Walang kaalam-alam. Tatanga-tanga."

Napailing-iling na lang ako.

——
Nagising ako at agad kong tinignan ang oras. It's already nine pm in the evening.

Alam kong pauwi na si Kian kaya naman nag-send ako sa mensahe sa kaniya, saying that if he's drunk, mag-taxi na lang siya.

Lumabas din ako sa kuwarto para hintayin siya sa sala. Alam kong pauwi na siya ngayon gaya noong nakaraan.

It was quarter to ten at hindi pa din siya umuuwi. Nakaramdam ako ng kaba. Baka mamaya nagpakalasing pala siya.

Yari talaga sa akin ang mga kaibigan niya. Makakatikim sila sa akin bukas.

MARRIED TO MY BULLY NEIGHBORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon