YEARS LATER........
"Mano po, manang," pang-aasar ng mga kaklase ko. Unang araw ngayon ng klase. Second year college na ako pero hindi pa din sila nagbabago sa pakikitungo sa akin.
Wala na silang kasawa-sawa sa pam-bu-bully na ginagawa nila sa akin na kinalakihan at kinasanayan na nila, ginagawa na nila ito sa akin mula pa ng mga high school kami.
Nasanay na din ako sa pang-aasar nila. Noong una ay umiiyak pa ako kapag nagsisimula na silang mang-asar pero kalaunan ay pinag-walang bahala ko na lang.
Hanggang sa mag-first year college na kami ay doon ako napuno, natuto na din akong lumaban sa kanila. Hindi naman ako nakikipag-away o nakikipag-sabunutan pero pinapakita ko sa kanila na hindi ako natutuwa sa ginagawa nila. Iniirapan ko sila kapag ganiyan na sinimulan na akong asarin. Pinupukulan ko sila ng masamang tingin.
At ang pasimuno? Si Kian. Hindi na yata nakokompleto ang araw niya kapag hindi niya ako inasar o kaya'y pintasan.
Parang kulang siya sa aruga sa mga inaasta niya. Akala mo walang nanay o kaya'y kapatid na babae dahil babae na walang kalaban-laban ang puntirya niya.
At ang nakakainis pa ay ako lang ang ang bukod tanging napagkakatuwaan niya. Guwapo siya, oo, at pantasya siya ng mga kababaihan.
Hindi siya nakikipagrelasyon pero madami siyang kalandian. Magkaklase kami mula elementarya. Noon pa man hindi kami naging close, at hindi din kami nagpapansinan.
Pero ng tumuntong kami ng high school ay nagsimula na siya sa pambu-bully sa akin.
Kaya naman sa pinakadulong upuan ng classroom lagi ako umuupo, para maiwasan ang pambu-bully nila sa akin. Madalas kasi kapag sa harap ay binabato nila ako ng mga papel o kung ano-ano pa.
PASALAMPAK akong umupo sa sofa ng makarating ng bahay. As usual mag-isa na naman ako. Nasa probinsiya sina mama at papa para asikasuhin ang poultry business nila.
Nasa ilang minuto akong nakapikit ng tumunog ang celphone ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang caller.
"Dave," masigla kong sambit ng sagutin ko ang tawag.
"Hey," sagot niya. Ang guwapo talaga ng boses niya. Nasa limang buwan ko ng ka-chat at katawagan si Dave. Nakilala ko siya noong minsang mapasama ako sa party na dinaluhan ng pinsan ko.
"What are you doing?" tanong niya.
"Nakaupo, just got home from school. Alone and bored," tamad kong sagot sabay buntong hininga.
"Mind if I join you there?"
Napangiti ako sa sinabi niya."Hmmm," tanging sambit ko.
"Be there in fifteen minutes." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Seryoso?" Napatayo ako at nakaramdam ng excitement.
"Yeah, if you want me too."
"O-Oo naman. You are welcome here," kinakabahan kong sagot.
Nang binaba niya ang tawag ay mabilis akong pumasok ng banyo para maligo.
Sakto namang paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng damit. Agad kong tinungo ang pinto upang pagbuksan si Dave.
"Hi," bati niya sabay angat ang bitbit niyang pagkain at alak. Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto para makapasok siya.
Nang malapag niya sa center table ang bitbit niya ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Napangiti ako at agad tinugunan ang mga halik niya.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MY BULLY NEIGHBOR
RomanceTahimik lang si Beth at walang kaibigan. Halos lahat ng estudyante sa university na pinapasukan niya ay binu-bully siya. And his number one bully was no other than his oh-so-hot neighbor, Kian. One day, she found herself in a dreadful situation...