"Beth, sasama ka ba?" tanong ng kaklase kong si Macy. I smiled weakly at her. I know she understand what I mean with it.
The hope in her eyes fade. She sighed and nod her head later on.
Ang grupo namin ang may pinakamataas na score kaya nag-aya silang mag-celebrate. May Ktv bar malapit dito at doon nila planong pumunta.
Hindi naman ako mahilig na maglalabas kaya tinanggihan ko. And besides, may asawa na akong tao. Hindi maganda tignan na nasa labas ako at nagsasaya samantalang may asawa akong naghihintay sa bahay.
Lumabas na ako ng room para magpuntang canteen. Kian texted me that he's already there.
Pagdating ko ng canteen ay agaw pansin ang grupo nila. Nagkakatuwaan.
Nang mapansin ako ni Kian ay agad siyang tumayo. Inakbayan ako at hinalikan sa aking pisngi.
His friends are eyes are on us. Tinaasan ko sila ng kilay. Giniya na din ako ni Kian na maupo sa tabi niya. He already ordered food for us.
Nakapagtataka ang katahimikan nila. Hanggang sa makalahati ko ang pagkain ay nagsipagtikhiman sila.
"Beth." Isa sa kaniyang kaibigan ang tumawag ng aking atensyon. It's Raul, ang isa sa pinakababaero sa university.
"Yes?" tanong ko. Tinignan ko siya at hinintay ang sasabihin.
Napansin ko ang pagtinginan nilang lahat. Including Kian who was silent the whole time.
"Birthday ko ngayon..." panimula n Raul. Malaki ang kaniyang pagkakangiti.
"Happy birthday," bati ko sa kaniya.
Nagkamot siya ng batok. I think I know what he wanted to say. Napatingin ako kay Kian na nakatingin din sa akin. He shrugged.
"Baka puwede mong payagan si Kian na makapunta..." Alanganin ang ngiti sa kaniyang labi. Tila isang bata na nagpapaalam sa kaniyang ina na pupunta sa labas kasama ang mga kaibigan.
Bumuntong hininga ako.
"Sige na..." Pangungulit pa din ng kaibigan niya.
"Okay... But..." Tinignan ko siya ng seryoso bago ko binaling ang tingin kay Kian na nakakunot ang noo.
"He needs to be home before 10 pm sharp."
May klase pa kami bukas. And I don't want him to get so drunk. I don't want him to skip class just because of a hang over.
His friends has this satisfying smile in their faces.
"Sino-sino ang mga kasama?" tanong ko. Naisip ko lang na bakit hindi yata ako imbitado. Not that I am interested. Nakapagtataka lang kasi.
"Kami-kami lang..." Nagkatinginan sila.
"A-all boys..."
"Okay. Parang nautal ka pa, a," I said. Nagkamot siya ng batok.
"All boys nga..." Sabad ng isa.
"Pumapayag ka? Pinapayagan mo siya?"
I rolled my eyes. "Oo nga. Basta huwag niyo siyang lalasingin. Uuwi siya bago mag-ten."
"Yes!" Tuwang-tuwa na sila. Kala mo mga bata. Para namang hindi sila nagkasama araw-araw dito sa school.
"Thanks, Moo..." Nginitian ko si Kian. He kiss me on my cheeks again.
"Huwag magpakalasing. Dapat ten nasa bahay ka na..." Muli kong paalala sa kaniya.
Tumango-tango siya.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MY BULLY NEIGHBOR
Любовные романыTahimik lang si Beth at walang kaibigan. Halos lahat ng estudyante sa university na pinapasukan niya ay binu-bully siya. And his number one bully was no other than his oh-so-hot neighbor, Kian. One day, she found herself in a dreadful situation...