Chapter 22

230 19 3
                                    

hi, Elia here^^!
Please forgive my grammatical errors, tao lang.
LEARN TO SEPARATE FICTION FROM REALITY!!
kung AYAW mo sa gntvrs, aba anong ginagawa mo pa dito, layas. Chariz, enjoy reading!
~WHAT'S INSIDE WATTPAD STAYS INSIDE WATTPAD

Valkyrie's POV:

"Risa! Nasaan ang kapatid ko?!" Sigaw ko nang makapasok ako sa opisina ng senadora. Imposibleng hindi niya alam kung nasaan si Alice.
Agad namang tumayo ang senadora at pinaupo muna ako.
"Kumalma ka muna, Valkyrie." Sambit ng senadora at umupo na rin siya.

Naghihintay pa rin ako nang paliwanag niya tungkol sa kinaroroonan ng kapatid ko. O.. kambal.
"Have you seen the news?" Tanong ng senadora nang ikinairita ko. Malamang! Sinong tanga hindi manonood ng balita?!
"Oo, nakita ko. Ngayon, sabihin mo sakin kung nasaan si Alice!" Sabi ko habang hinampas ko ang lamesa ng senadora sa galit at kaba.

"Hindi ko alam, Valkyrie."

Napatayo naman ako sa kaniyang sinabi at huminga ng malalim. "Paanong hindi mo alam, Risa?! Ikaw ang nagtakas sa kapatid ko tapos ikaw din ang nagsulat ng letter sa NBI tungkol kay Alice tapos hindi mo alam kung nasaan siya?!"
Tinitigan lamang ako ng senadora, walang ka emo-emosyon ang pagmumukha. Kapal ng mukha!

Huminga ulit ako ng malalim at umupo na. "I'm sorry for that. Hindi ko lang talaga al—"
Hindi ako pinatapos ng senadora sa aking sasabihin nang bigla rin siyang nagsalita. "It's okay, Valkyrie. No worries." Pagsisigurado ng senadora.

Tumango na lamang ako at hinintay ang kaniyang explanation.
"Yes, ako nagtakas sa kapatid mo. Yes, ako rin ang nagsulat sa NBI tungkol kay Alice, pero.. Hindi nila ibibigay ang impormasyon tungkol kay Alice nang walang kapalit." Pagpapaliwanag ng senadora.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong kapalit?"
"Pera."
Tiningnan ko siya na para bang medyo nabigla sa sagot ng senadora, but it's expected. Pera ang laging kapalit.

Alright, that's enough explanation to me.
Tumayo naman na agad ako para magpaalam na. "Okay, Risa, I need to leave now. Thank you for the information."
Tumango na lamang ang senadora at umalis na ako.

Risa's POV:

Pagkaalis ng kapatid ni Alice, ay bigla naman akong ngumiti at tumawa. Inilabas ko ang isang dokumento na naglalaman ng impormasyon tungkol sa alkalde. "Kung kinakailangan na ipagkait ko ang kinaroroonan mo, gagawin ko. Kahit tatay mo pa 'yan o nanay."

You're mine, Mayora.

Itinago ko na agad ang dokumento at baka may makakita pa.
Nagdesisyon na akong umuwi para makapag pahinga, wala na rin naman gagawin sa senado. Walang drama, boring.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko at dumiretso sa parking lot.
At pagdating ko sa aking kotse, may nakita akong anino na para bang binabantayan ako.
"Punyeta naman, inaantok 'yung tao e." Bulong ko sa sarili ko at agad nang pumasok ng kotse at umalis.
Subukan mo 'kong patayin, Guo Jianzhong, pati si Alice mamamatay!




















































okay nayan...

unseriouslyguo yehey, nakatah na siya🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰

You're Mine, Mayora. Where stories live. Discover now