Alam mo ba ang Great wall of China?
Eh ang kumaw?
ano konekta nito sa tulay?
Ang great wall of China ay ginawa ng maraming chino ngunit bakit madami ang nagbuwis ng buhay dito???
hindi mo ba napansin na sa pag coconstruct lng ng malaking pader ay libo-libo na ang namatay???
Hindi ito litteral na pagkamatay sa pagod kung hindi ay ang dugo ng mga Chino ang great wall dahil madami ang nagbuwis ng buhay upang ihalo sa pag gawa nito ang kanilang mga dugo
ang kumaw ay malawakang pagkuha ng mga bata, siguro ay naging panakot na ito nung bata kayo
pero wag kayo
dahil totoo ang mga ito
at ang kadahilanan ng kanilang pangunguha ay ang pag papatbay ng tulay gamit ang dugo ng mga bata
ito ay ang tulay sa tarlac kung saan ay centro ng atraksyon ang isang lugar kung saan marami ang naaaksidente
hindi maipaliwanag na dahilan ang ibat ibang misteryong nababalot sa lugar na ito
Isang araw si Vincent , isang estudyante sa (TSU) TArlac State University ay nagmomotor lamang kapag pumapasok at ang schedule niya ay 7:30am-4:pm kaya naman normal ang pagpasok niya at lagi pa niyang isinasabay ang bestfriend niyang si Maki
nadaan sila sa tulay ngunit wala silang nararamdaman na anumang takot kahit alam nila ang kwentong nababalot dito at syempre hindi naman sila natatakot dahil maliwanag pa naman at marami din ang dumadaan
isang araw alas kwatro ng uwian nila VIncent at Maki ay nagpasya muna silang maglibot libot (stroll) gamit ang mutor ni Vincent
kaya naman hindi nila namamalayan ang oras na alas sais na kaya naman nagpasya na silang magsi uwi at papadilim na
bandang 6:30 pm ay napadaan sila sa nasabing tulay
pare bumusina ka pag malapit na sa tulay ha? sabi ni Maki
hindi naman ako naniniwala doon eh, Pare hanggang ngayon takot ka pa din ba sa multo? ang tanda na natin pare nagpapaniwala pa tayo?
ah basta walang mawawala kung gagawin mo,
madilim na din dahil bandang december kaya almost 6:15 pa lang ay gmadilim na ang langit
kaya naman napadaan kame sa tulay
pare gumawi ka nga dito sa akin wag ka magpabigat.. sabi ni Vincent
ha? hindi ako nagpapabigat (sabay usog ni Maki papalapit kay Vincent)
Ramdam ni Vincent na parang may umangkas sa kaniyang motor, nanlamig siya at parang lumaki ang kaniyang ulo, kaya naman bumusina na siya
kinabukasan ay parang walang nangyari sa dalawa lalu na kay Maki dahil hindi niya naramdaman ang naramdaman ni Vincent
Hoy Vincent tara ulit mag Stroll mamaya ha??
Tumanggi naman si Vincent at parang ayaw na niyang magpagabi
BINABASA MO ANG
Urban Legend and Ghost Stories One Shot
HorrorIto ay koleksyon ng mga kabababalaghan, katatakutan at katakot takot na kwento sa ibat ibang panig ng ating bansa Author's Note: Ang tunay na lalake sa ganito nagbabasa hindi sa Romance hahaha!!!!! Open sa lahat pero bawal Duwag!!!! Wahahahah lagooo...