May tao po (one-shot)
7 o' clock am yung class ko.
Napaaga ako ng pasok, mga 6:30 palang nasa school na ko so I decided to use the comfort room muna para umihi at mag retouch para kabog pa rin ang lola niyo.
Galing ako sa north gate kaya ano pa ba naman yung pinakamalapit na CR na gamitin kundi yung sa comsci. Kumuha ako ng tissue sa bag,tapos sinilip ko yung pangalawang cubicle. Marumi, kaya pumunta ako sa pangatlo marumi din. Medyo badtrip na ko kase ang baho,di man lang ata naglinis yung janitress sa isip isip ko. Yung pang apat,nakasara yung pinto. Sinubukan kong buksan kasi baka nakatulak lang pero wala namang tao ganern,kayalang hindi ko mabuksan. Parang nakalock. Tapos biglang may nagsalita sa loob sabi "May tao po". Nagulat ako kasi akala ko ako lang nasa CR. Nagsorry ako after tapos lumipat ako sa kabilang cubicle. Nainis lang ako lalo kasi mas marumi pa. Kaya naisip ko mag retouch muna hihintayin ko nalang si ate girl na matapos kasi sa malamang naisa isa na rin niya yung mga cubicle at dun yung malinis linis. Habang nag popolbo ako dumating si ate janitress dala dala yung mop. Inuna ata niyang linisin yung corridor. Nagmamasid masid ako habang pinapalipitan niya yung mop. Tapos bigla nalang niya sinoli yung mop dun sa storage hindi niya nilampaso yung CR. Napakunot noo ko kasi ang dumi pa nung floor sa cubicles hindi man lang niya linisin. Tapos naglabas siya ng domex(sosyal ng wup,pero di naman ata talaga domex laman) pumunta siya sa 2nd cubicle then binuhusan ng domex yung toilet bowl. Ginawa din niya yun sa third. Tapos dun sa 4th na. Nakasara nga yung pinto diba kasi may tao sa loob. Wawarningan ko na siya, sabi ko "Ate may ta.." Nang bigla niyang nabuksan yung pinto...... At walang tao sa loob -____- Gulat na gulat ako kasi narinig ko dun talaga galing yung nagsalita. Pero, WALA TALAGA. Nagtaka si ate kasi sinisilip ko nga yung cubicle sabi niya "Gagamit ka ba pate? Yung sa kabila(pang 5th) muna gamitin mo. Nalinis ko naman na yan, hindi ko pa nga lang napapabanguhan" Kinikilabutan na ko nun,pero nagtaka ako kasi nalinis na daw niya? Katitingin ko lang kanina puro tapak yung floor tapos may mga basura pa nga sa gilid. So I checked it again, and shit. Malinis nga. Pakiramdam ko para akong namaligno na ewan. Yung 6th cubicle nakasara din yung pinto. Naisip ko baka dun naman nagCR si ate girl. Syempre kailangan kong lokohin sarili ko para hindi na ko matakot diba. Kayalang gusto talaga natin ng sinasampal tayo ng katotohanan kaya sinilip ko sa ilalim kung may tao. At may nakita naman akong sapatos. So medyo nakahinga na ko ng maluwag. Nag CR na ko dun sa 5th cubicle kasi naiihi na ko sa kaba haha. Binilisan ko lang kasi natatakot pa rin ako. Paglabas ko nakita ko si ate janitress na nililinis yung 6th cubicle -___- e hindi ko man lang narinig na lumabas yung babae o kaya nakita yung anino nya sa ilalim ng pinto o kahit anong bakas niya. Gulong gulo na ko kaya tinanong ko si ate janitress kung may babaeng lumabas. Sabi niya wala. WALA DAW MGA BES. Sabi ko "Ate sure ka ba,may nakita kasi ako na sapatos" Ngumiti siya tapos sabi niya "May pinaglaruan na naman siya" Tapos may biglang may tumawa na babae,pabungisngis pa na parang pinagtatawanan kami. Grabe gusto ko nang himatayin nung mga panahon na yun. "Wag mo nang pansinin, hindi ka naman niya sasaktan." sabay sabi ni ate janitress. Juiceko te,buti pa yung multo di ako sasaktan. Daig pa niya ex ko -___- Tapos natingin ako sa floor kasi ang hirap na mamiss. Napamura talaga ako. Nagtitili ako palabas ng CR. Kasi naman... may footprints galing dun sa 6th cubicle papunta dun sa 5th cubicle,DUN SA PINAG IHIAN KO MGA BES. SO PINAPANOOD NIYA KO HABANG UMIIHI -____-
BINABASA MO ANG
Urban Legend and Ghost Stories One Shot
HororIto ay koleksyon ng mga kabababalaghan, katatakutan at katakot takot na kwento sa ibat ibang panig ng ating bansa Author's Note: Ang tunay na lalake sa ganito nagbabasa hindi sa Romance hahaha!!!!! Open sa lahat pero bawal Duwag!!!! Wahahahah lagooo...