Berdugo

1.5K 23 3
                                    

it was year 1999 ng maganap ang pangako

Ito ay isang kwento ng magkasintahang sina Katrina at Ruel, Isang pangako ang naganap sa isa't isa sa pamamagitang ng isang sulat sa pinakamalaking puno ng mangga sa lugar na kung tawagin ay gubat

Ito ay matatagpuan sa Brgy. Kabulihan General Natividad Nueva Ecija na ngayon ang isang sibilisado nang lugar

Si Ruel ay isang sundalo na kilalang berdugo dahil sa kilabot at karumal-dumal nitong pagpaslang sa mga N.P.A (new people's army)

Bali-balita sa lugar na ang berdugong sundalo ay pumapatay gamit ang maraming pako at sa noo ito ibinabaon

minsan naman ay sinusugatan at pinapakain sa mga abuhos kung tawagin ay antik na langgam

at ang pinaka matindi ay ababaon ng buhay

nasaan ba ang hustisya?

nasa N.P.A. na tago ng tago ngunit nagrerebelde sa gobyerno

oh sa gobyerno na pinapapatay kahit wala ng laban at nahahantong pa sa karumal dumal na krimen

Isang insidente ang nangyari na nangbabae si Ruel at nahuli ni Katrina,

Dahil mahal na mahal ni Katrina ay siya naman ang umintindi sapagkat ganoon ang kadalasang gawain ng mga lalakeng sundalo aminin man natin oh hindi

 hindi maitago ni na naiilang siya noong nakita niya si Katrina na pumasok sa Bar na kung saan ay may naka kandong na babahe sa kaniyang hita

ng papalabas na si Katrina ay tumayo si Ruel at hinabol niya ito agad at hinigit sa kamay

Saan ka pupunta?? sabi ni Ruel

UUwi na lang ako sagot naman ni Katrina

bakit ka na pumunta dito? tanong ni Ruel

sumagot si katrina, wala sabi kasi nila may babae ka daw dito kaya naman para makasigurado pinuntahan ko baka naman kasi chismis lang nila aling bebang yun

sabi naman ni Ruel ay wag ka mag alala babe di naman kita ipagpapalit halika na nga umuwi na tayo..

Sabay umuwi ang magkasintahan ngunit hirap na hirap na si katrina dahil bukod sa napakabigat ni Ruel ay amoy alak pa siya

at habang nasa daanan ay

psst...

narinig mo yun? (katrina)

ang alin?(Ruel)

May sumitsit satin (katrina)

nako guni guni mo lang yun!(ruel)

madilim ang paligid at andito pa kami sa kalagitnaan ng gubat kaya naman kahit mabigat si Ruel ay binuhat ni katrina at lumakad ng mabilis at pagdating sa Dulo ng gubat ay nalantad sa kanila ang duguang sundalo

napasigaw si katrina at si ruel naman ay agad nagtago sa puno at inilabas ang kaniyang baril upang makasigurong ligtas sa mga N.P.A.

ang kinagulat ni Ruel ay nawala ang sugatang sundalo

tumawa si Ruel HAHAHAHAHAHA! anu ba yan lasing na lasing na pala ko..

nakisakay na lang si katrina na malikmata ni Ruel yon dahil lasing siya

pero kitang kita din ng kaniyang mga mata ang isang sugatang sundalo

pagdating sa bahay nila ruel ay binasa ni katrina ang isang puting bimpo at pinigaan upang ipunas sa maduungis na mukha ni Ruel at isa pa ay mahimasmasan siya sa kalasingan... maya maya ay nakatulog si Ruel

Urban Legend and Ghost Stories One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon