Nang mangyari ang malakas na paglindol sa Japan noong March 11, 2011 na sinundan pa ng malakas na Tsunami, agad nag-alala ang mga anak ko na sina Ace at Rel at ang pinsan nilang si Cherub.
Hindi pa nag-iisang buwan ng magpunta ang kaibigan naming si Trisha sa Tokyo,
kasama ang mga magulang nito. Inalok kasi si Trish ng kanyang kapatid na doon magtrabaho. Kaya nang pumutok ang malagim na balitang iyon dito sa Pinas ay agad ding nakatanggap ng text message si Ace mula sa kaibigan nilang si Linden.
"Trish is so devastated! Her family members are dead!" Gumapang ang kilabot sa braso ko't batok! Sa nangyaring malakas na paglindol, nakita ko sa mga news report na wala talagang bubuhayin ang trahedyang iyon.. Nalungkot ang lahat. Pero sa kabila nu'n, ay natutuwa din kami na hindi nadamay si Trisha na mismo ang nagparating kay Linden na patay na ang pamilya nya. Nag-isip tuloy kami kung nasaan na si Trisha.
Kung nasa Japan pa ba ito, o kung umuwi na ba ng Pinas. Wala kasing nabanggit si Linden kung nasaan si Trisha. At laging mahirap kontakin si Linden sa kanyang cellphone.
April 9, 2011, bandang alas-syete ng gabi na nagpaalam sa akin si Cherub na magsisimba. Si Ace ay wala pa, nasa bahay ng kanyang barkada.
Si Rel naman ay nagaayos ng sirang laptop ni Trisha, na iniwan ito sa kanya bago pumunta sa Japan.
Ang dating kompanya daw ni Trisha ang magbabayad ng services nito. Inayos ni Rel ang laptop at ng maayos na ang laptop ay sumunod ito kay Cherub sa simbahan.
Maya-maya, may kumatok sa pinto. Bahagya lang. Binuksan ko ang pinto. Si Trisha ang nabungaran ko! "Ohhh, Trish!" sabik kong salubong sa kanya. "Akala ko nsa Japan ka?!"
Hindi sumagot si Trisha. Malungkot. "Salamat sa Diyos at nandito ka!"
masayang-masaya na sabi ko. Malungkot pa rin si Trisha. "Halika, tuloy ka Trish, namimiss kna namin! Tamang-tamang gumawa ako ng espestal na bukayo.
Alam mo naman ako hindi nwawalan ng bukayo sa ref! Halika dali, kumain tayo," alok ko. Sa kabila ng saya at sigla ko ay malungkot pa rin na pumasok sa loob ng bahay ko si Trish, parang wala sa sarili.
"Nasa simbahan pa sina Cherub at Rel. Si Ace nasa barkada nya. Umupo ka." Umupo si Trish at agad akong naglabas ng refreshments, kabilang na nga ang ginawa kong espesyal na bukayo. "Kain ka, heto sa'yo," inabot ko ang
pagkain kay Trisha.
Tinanggap ni Trisha ang pagkain pero alinlangan syang kumain. Nang sumubo sya ng bukayo, dahan-dahan at pakonti- konti ang subo nya. Dahan-dahan at matamlay din ang nguya nya. "Nakapagtataka! Hindi ganito ang Trisha na kilala ko!" Sa loob-loob ni Tita Louella. Nang magsalita si Trisha ay kinalabutan ako. Parang boses na galing sa ilalim ng lupa!
"T-tita Louella, k-kukunin k-ko l-lang p-po
a-ang l-laptop n-na p-pinapaayos k-ko k-
kay R-Rel," sabi ng mahina at mukhang pagod na pagod na boses ni Trisha.
Bumalot ang kilabot sa buong katauhan ko at pinanlamigan ako ng buong katawan! Parang may dalang kung anong ubod ng lamig na hangin si Trisha.!
"A e, pwede mo ba syang hintayin?" kabado kong tanong. Parang ayaw hintayin ni Trisha sina Rel at Cherub. Takang-taka ako dahil parang ibang Trisha ang kaharap ko.
Hindi pala kwento at ayaw magsalita ng tungkol sa nangyari sa kanila sa Japan. Maging ang asawa kong si Mateo ay takang-taka dahil ibang-iba ang kilos ni Trisha. Dumating sina Ace at Rel. Wala pa si Cherub.
Hindi makapaniwala ang mga ito na si Trisha ang kaharap nila. Gustong-
gusto nila makipagkwentuhan kay Trisha pero si Trisha naman ay nagmamadaling kinuha ang laptop. Inilapag na ito ang kinakain sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Urban Legend and Ghost Stories One Shot
HorrorIto ay koleksyon ng mga kabababalaghan, katatakutan at katakot takot na kwento sa ibat ibang panig ng ating bansa Author's Note: Ang tunay na lalake sa ganito nagbabasa hindi sa Romance hahaha!!!!! Open sa lahat pero bawal Duwag!!!! Wahahahah lagooo...