Iniwang ala-ala

1.2K 20 6
                                    

Ang pilipino ay may likas na ugaling hindi mapapantayan ng kahit sino mang lahi sa buong mundo..... ito ay ang pag aalaga sa mga kagamitan na may Sentimental Value kung Pilipino ka for sure pamilyar ka oh may karanasan ka sa kaugaliang ito.

may mga dahilan kung bakit natin pinapahalagahan ang isang bagay

hindi ito dahil sa halaga at ganda ng gamit kundi sa mga ala-ala, istorya at tao sa likod ng kagamitang matagal na natin iniingatan

About me and story?

Im AxL kakalipat lang sa bagong bahay namin na matatagpuan sa Cabanatuan City Nueva Ecija, NPA kasi ang magulang ko, No permanent Adress aHHH baka isipin nyo bandido...

NPA kami dahil isang pastor ang aking butihing ama at ang aking ina ay pumanaw na nung akoy isang musmos pa lamang

Bawat lipat ko ng lugar ay hindi ako nakikisalamuha masyado sa iba't ibang tao, hindi dahil sa hindi ako pala kaibigan , ngunit sa kadahilangang ayaw kong nalulungkot sa tuwing lumilipat ako

ngunit sa kaso ko ngayon ay tila naging suplado na ko sa bago kong nilipatan...

This is the story....

kasalukuyang nagbababa ako ng aking mga gamit sa aming bagong tirahan.. maailiwalas ang aming nadatnan dahil sa dinami dami ng na destinuhan namin ay ngayon ko lang naranasang madistino sa probinsya

masarap lumanghap ng hangin, maraming puno at higit sa lahat ay hindi maingay kaya feeling ko ay relax ako palagi

isang umaga 5:30 am ay naglalakad-lakad ako sa kalapitang kalsada upang mag masid masid at maging pamilyar sa paligid at napadaan ako sa isang napaka gandang pwesto kung saan nakikita ang pag sikat ng araw,

Grabe.. first time ko naka saksi ng sunrise na tanaw mula sa bundok,

maya-maya pa ay may dumating na tatlong bata, dalawang babae at isang lalake

ayy naunahan tayo sa pwesto natin  / / / ay oo nga!

diba sya yung bagong lipat??? tara makipagkilala

ng marinig kong makikipag kilala sila ay nagsimula na kong maglakad palayo

siguro gaya ng pagkakasabi ko kanina ay isa kong suplado

habang papalayo ay may isang babae ang sumusunod sa akin kaya naman binilisan ko ang lakad ko

at nagsimula din siyang maglakad ng mabilis

maya - maya ay tumatakbo na pala ko ng hindi ko namamalayan... siguro hindi ako masyadong nakakatakbo sa syudad kaya pakiramdam ko napaka inusente ko

ng malayo layo na ko sa sumusunod sa akin ay dumiretcho na ko pauwi... napagod kasi ko sa mga pinag gagawa ko dahil may kahinaan ako sa stamina

pero hindi na alis sa isipan ko yung babaeng sumunod sa akin

pag dating ko sa bagong bahay namin mga 6:00 am ay kinausap agad ako ng aking tatay at sinabing gumayak na ko at malelate na daw ako sa unang araw ng klase ko

mabilis ko naman sinunod si tatay at afad akong naligo at nagsuot ng semi formal na damit at dahil nga unang araw ko pa lang kaya naman wala pa kong uniporme

pagkatapos maligo ay nagtungo ako sa salamin.... ako yung tipo ng lalaking ligong uwak.. kasi 10min. lang ako naliligo

pero kung anu yung bilis kong maligo ay siya namang bagal kong mag ayos ng buhok

pag naka gatsbi wax kasi... kahit naka taas na.. magdaan lang ang ilang minutong paglalakad bagsak na naman

pag gel naman masyadong awkward dahil sobrang tigas... at pag mainit yung panahon magiging oily pa yug noo ko

Urban Legend and Ghost Stories One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon