Ako nga pala si Camille
It was 2009 noong ako ay napadaan sa Lugar na hindi pamilyar dahil nga probinsya ang napuntahan ko kaya sa maniwala kayo o sa hindi ay hindi lang bakasyon ang nangyari sa akin.
Sabi nila ay hindi magpapakita sa iyo ang mga kababalaghan ng mga engkanto kung mahina ang iyong loob kaya naman panatag ako dahil nga isa akong duwag
Sa isang lugar sa barangay ng Cabanatuan ay kung hindi ko na babanggitin ay may nakilala akong matandang kapitbahay sa tinutuluyan kong apartment nila tita ngayong bakasyon sila ay naniniwala sa engkanto at maligno o ibat ibang klase ng pamahiin
Nakakatakot nga minsan dahil ang apartment ni tita ang daming antigo at mga dasal na latin, sa paligid naman ay madaming Krus hay nako nakakatakot talaga
Second day ng bakasyon ay naglakad ako palabas ng bahay nila tita upang maglibot libot dahil nakakabagot ang nakaupo ng mag isa at gaya ng dating gawi ay hinanap ko si Manong Isko siya yung matandang nakilala ko kahapon
Pagdating pa ng hapon ay binilinan pa ako na dapat nasa loob na ako ng bahay bago sumapit ang dilim dahil baka mapaglaruan ako ng engkanto
Dahil nga duwag ako ay agad naman akong sumusunod sa sinasabi ni Mang Isko kaya naman bago sumapit ang dilim ay nakauwi na agad ako sa apartment ni tita
Pag uwi ko ay puro kwento at pagbabawal na naman sa akin tungkol sa engkanto at maligno kaya naman medyo na uumay na ako at kahit madilim na ay maglalakad na lang ako mag isa ngayon papunta sa tindahan upang bumili ng bawang at sibuyas hindi na ko katulad kahapon na takot na takot lumabas at lagi akong pinasasamahan ni tita kay bunso
Kunyari ay hinanap ko si bunso pero tumakas ako para bumili kasi naman dagdag trabaho pa pag hinanap ko si bunso eh
Nakakapagtaka dahil nasa Modern na ang lugar na ito ay naniniwala pa sila sa kung ano anong kwentong engkanto na iyan siguro dahil naiinis na ako sa usapan ng engkanto ay nawalan na ako ng takot dahil hindi na ako naniniwala
Papunta na ako sa tindahan at may nasalubong akong babaeng nakabelo ng puti parang may kakaiba sa kilos niya at dahan dahan siyang maglakad
Hay nako iba talaga aura ng mga tao dito hindi naman kasi ako lumaki ditto kaya ang pinagkikilos ko ay kilos kanto
Pagdating sa tindahan ay bumili ako ng bawang at sibuyas bumili ako ng tig sampong piso kaya lang ganito pala kabili bawang dito hano? Kasi naman isa na lang naabutan ko yun daw kasi mabili eh
Unti unti nang dumidilim ang paligid kaya naman mabilis na akong lumakad pauwi sa takot ko ay ang lakad ko ay unti unting bumibilis at ng matapat sa parte kung saan madilim ay pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko at
PsssT!!!!
May tumawag sa akin agad akong lumingon
Tumakbo ako hanggang sa mapunta ako sa part ng may liwanag at lumingon ako ulit!!
WahhhhhhH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hahhahha!!!! Ikaw ate ah duwag ka pala sabi ni bunso!!!!
Pano naman akong di matatakot alam mo bang may nasalubong akong babaeng naka belo tapos nakayukong mag lakad
Ah!!! Si aling seling yon sagot ni bunso
Ah bakit ganoon yun? Ang weird niya manumit at magkikilos?
Napaglaruan kasi yon ng engkanto kaya ganon sagot ni bunso
Engkanto??? Is that Real???
Oo naman!
Nakakita ka na?
Maraming beses na!
Anung ginagawa mo pag nakakakita ka?
BINABASA MO ANG
Urban Legend and Ghost Stories One Shot
HorrorIto ay koleksyon ng mga kabababalaghan, katatakutan at katakot takot na kwento sa ibat ibang panig ng ating bansa Author's Note: Ang tunay na lalake sa ganito nagbabasa hindi sa Romance hahaha!!!!! Open sa lahat pero bawal Duwag!!!! Wahahahah lagooo...