Passenger- Wag kang iiwas

2K 28 10
                                    

It was november 2, pagkatapos lang ng undas ang mga pangyayaring ito kaya medyo bago lamang sa mga nakakabasa

Mahilig ka ba sa Secondhand???

Mura lang !!!

as in Mapapamura !!!

Dahil ang binili mo gamit ng namatay na

Si Mang Terong ay hindi isang relihiyosong tao pero pag sumakay ka sa kanyang jeep ay mapapadasal ka dahil sa pagkaskas ng jeep nito na naging dahilan din ng biglaang pagkamatay niya kasama ang labing apat na pasahero at isang konduktor

Si Mang Terong ay may ari ng jeep na binenta kama kailan lang dahil hindi naman ito pakikinabangan ni aling Rossita at wala naman silang anak at isa pa ay hindi naman siya marunong magmaneho

Si Abe naman ang nakabili ng murang Jeep na gamit ni mang terong sapagkat harap lang naman ang aayusin at hindi naman kalumaan ang jeep

Ito ang kwento,

Isang gabi habang nasa pagawaan si Abe sa pagpapaayos nang kaniyang jip ay may napansin siyang anino mula sa jeep na gumagalaw pero nilapitan niya ito at wala naman baka siguro napa isip isip niyang guni guni lang o kaya naman ay may nadaang pusa

isang linggo din bago natapos ang pagpapagawa ni Abe sa kaniyang ipampapasadang Jeep kaya naman hindi na ito agad nagpapigil na ipila agad upang mabawi naman ang ginastos sa jeep na na ito

unang araw ng pasada ay hindi naman bago sapagkat maraming pasahero ang sumasakay at marami din namang pasada pero ang maghapong pasada ay kulang pa dahil sa pambawi ng ginastos na pambayad sa jeep kaya naman kahit gabi pa ay kumayod si Abe

Sabi ng nasalubong ni Abe aba pare gabi na ah! ang dami pa ding pasahero, naku ala nga eh! sabi ni Abe sabay lingon pa sa mga upuan ng Jeep

Ang pinagtataka ni abe ay halos lahat ng nasasalubong niya ay iisa lang ang binabanggit angdami daw ng kanyang pasahero kahit dalawa lang naman talaga ang laman nito

ng sumunod na araw ay ganun din ang mga pangyayari at halos naulit lamang sapagkat tuwing gabi na lang ay may nagsasabi na angswerte ko daw sapagkat ang dami kong sakay

pero nung ikatlong gabi ang medyo kakaiba sapagkat gabi na ay maraming pumapara sa kanya at tuwang tuwa naman si Abe dahil totoo nang may sakay siya

Nagtataka ang mga pasahero sapagkat parang may isinasakay si Abe kahit wala naman kaya napagbulong bulungan siya ng apat na pasahero na may saltik sapagkat huminto siya at nagsasalita ng maluwag pa ho

nagsimula na ang kilabot ni Abe sapagkat ng pumara na ang Apat na estudyante ay wala naman siyang pasahero

ang pagkakabilang ni Abe ay labing walo at may sabit pa siyang isa ngunit pagbaba ng apat ay hindi man lamang niya namalayan na nakababa yung iba

sinundan ito sa ikaapat na pasada niya na paulit ulit ang pasahero at bigla lang nawawala ang mga sakay nito pagtapat sa lampas ng tulay

Isang gabi ay namamasada si Abe ng nakarinig siya ng pigil na sigaw ng kaniyang pasahero kaya naman agad nitong nilingon

sa pagkakataong iyon ay anim ang kaniyang pasahero at lahat nagtinginan sa babaeng pigil ang pagsigaw

ng bumaba ang apat sa ikalimang poste ay natira na lamang ang dalawang babae na pasahero ni Abe at sa ikalawang pagkakataon ay sumigaw na talaga ang babae ng sobrang lakas

tinanong ni Abe kung ano ang nangyari

noong una daw ay may nkita siyang kamay ng tao sa ilalim papalapit sa kaniyang paa at sa ikalawa naman ay nasa upuan na ito at gumagapang papalapit sa kanya

Urban Legend and Ghost Stories One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon