IKAAPATNAPU'T ANIM

89 7 2
                                    

Smithsonian Fest

___________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___________________________________

Every moment in our lives is a miracle we should enjoy instead of ignoring.

Yoko Ono
___________________________________

Yoko Ono___________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⋆⁺。˚⋆˙‧₊☽ ◯ ☾₊‧˙⋆˚。⁺⋆

➻❥ Master Ayden's POV

Nakaupo lang kami ni Ashtyn sa telang bench habang inaantay si mama na bumili ng cotton candy sa hindi kalayuan. Gusto kong puntahan si mama para masulit ang kahit maliit na segundong kasama namin siya. Bihira lang kaming makapunta sa labas at sa ganito pang  kakulay na lugar kaya hindi na ako makapagantay na libutin ito.

Pagpasok pa lang namin ingay kaagad ng sari saring palaro sa mga booth ang nakita ko. Batuhan ng espada sa isang dart board, pamimingwit gamit ang sinulid na tinalian ng pagkain ng isda, panghuhula ng kulay upang mabigyan ng perang papremyo, darts para batuhin at putukin ang lobo at kung anu anu pa. Hindi lamang iyon, kahit gabi ay maliwanag ang paligid dahil sa naglalakihan at iba't ibang kulay ng lampara na nakasabit sa bawat bubuong ng estante.

Pero hindi kami makalapit kay mama dahil bantay sarado kami ni Ate Sandra at Sir Constantine. Ngunit parehas kaming nahihilo ni Ashtyn kakalingon sa kung sino ang susunod na magsasalita sa kanila.

"Nagtaka lang ako bakit wala sa Lieutenant Agustus, crush agad?! Lahat nalang binigyan mo ng meaning!"

"Weh! Talo pikon! Dati hindi ka naman nagtatanong tungkol sa kanya ah... pero ngayon.. 'Bat kaya wala si Lieutenant Agustus'" Asar naman ni Sir Constantine habang iniipot boses niya upang gayahin ang paraan ng pananalita ni Ate Sandra.

Kaagad naming tinakpan ni Ashtyn bibig namin upang hindi niya marinig tawa namin upang hindi umapoy ang away.

"Hindi tunog butiki boses ko!"

Uranophile Dutchess Had Twins From a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon