"He-hello?"
Pipikit pikit akong nag salita, ni di ko na nagawang abalahin ang sarili ko upang tingnan kung sino ang nasa kabilang linya.
"Hoy luka tumingin ka na ng email?"
Rinig kong tanong ni Kristy sa kabilang linya.
"Anong email?"
"Gaga yung mga pinasahan nating firm?, may nag email naba sayo ?"
Napadilat ako ng husto at nagising ang buong sistema ko.
Huh!, nakalimutan ko na yun huh!
"Wag mong sabihin na nakalimutan mo?, hoy dalawang araw palang lumilipas luka luka ka!"
Natatawa nalamang ako sa reaksyon nito sa kabila, kahit kasi sa tawag lang ito ay ramdam na ramdam ko ang kaba at taranta nito.
"Wala akong gana mamaya na, natutulog e!"
Pagrereklamo ko pa dito sabay dapa at nagkunwaring humihilik.
Pero sa totoo lang ay nabuhay nito ang buong sistema ko!
hindi dahil sa excitement kung matatangap ba ako?
Hindi dahil sa kaba na hindi ako matanggap
Kundi pakiramdam ko ay hindi pa ko handa!
Paano kung matangap ako pero ma dissapoint ko naman ang papasukan ko dahil sa baka mawalan ako ng interest agad? dahilan para di ko magawa ng ayos ang trabaho?.
Pano kung hindi naman pala ito para sakin?
Pano kung-!
"Hoy wag mo sabihin nakatulog ka aba?"
Natigil ako sa pag iisip ng mga negative na bagay dahil sa ginawang pagsigaw na yun ni kristy
"Oo na titingnan na, ibaba ko muna tawagan nalang kita!"
"Bat ibaba mo pa-"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kristy at ibinaba na ito
lalo lang ako kinakabahan dahil sa kanya e.
Umupo ako mula sa pagkakahiga
Lumingon ako sa maliit na lamesa kung saan nakalagay ang laptop ko.
Dahan dahan ako lumapit dito at binuksan ang email.
4 unread mail
Nanlaki ang mga mata ko 4 out of 6 firm na pinasahan namin ang nag responce.
Bigla akong nakaramdaman ng saya mula sa puso ko
I feel proud?.
Napaisip naman ako at tinapik tapik ang sarili
Huh kaya ko to !
Baka kailangan ko lang talaga ng konting push para maibalik ulit ang joy ko sa architecture.
Baka sa huli ay mauwi parin ako sa first dream ko.
I immediately dial kristy number
"Meron?"
Panimulang tanong nito
"Oo kayo ba?"
Tanong ko pabalik dito
"Tig dadalawa kami ni Cassandra at shaina, si lizel isa , si nicky wala pa"
Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Huh?"
"Uulitin ko pa narinig mo naman!"
YOU ARE READING
Goodbye Yesterday
RandomYesterday's Series #1 The problem is that I pretend to be strong at all times , even when im actually not I need to be strong for my mom, Im the only source of her strenght Another Day Another Survival, Will I survive ? Two different kind of person...