08

15 4 0
                                    

"Ayun kaya late si Jonathan!"

Nakataas ang kilay ko habang papalapit kami ngayon sa kinauupuan ni Cass at Kristy

"Ano!"

Turan ko sa mga to dahil nakatitig ang mga to sakin

"Di na kami nag taka kaya late si Jonathan kasama ka e haha!"

Saad ni Kristy na kinakunot ng noo ko

"Luh! wag nyo ko sisihin, dapat ako lang naman ang late, di ko naman sya inobliga na sunduin ako!"

Kita ko ang gulat na pagharap sakin ni Jonathan, humawak pa to sa dibdib nya na animoy gulat na gukat ang loko

"Wow so kasalanan ko pa pala?"

Gulat na tanong nito, tiningnan ko to at tumango

"Hmm Exactly , malay ba naman ako diba?"

Nang iinis ko pang turan sa kanya dahilan para mapailing sya at kwestyunin ang sarili.

"Hayst babae nga na-"

Hindi na tapos ni Jonathan ang sinasabi ng sumabat si Cassandra

"Hoy!"

Turan nito sabay turo kay Jonathan na kinalaki ng mata nito

"Anong mga babae! wag mo kaming idamay! yang kaibigan mo lang yun!"

Sabay duro sakin nito, nangunot ang noo ko!

Aba bat ako!

"Luh bat napunta na naman sakin!"

Reklamo ko

"E totoo naman talaga"

Irao pa sakin ni Cass

"Luh di naman e!"

"E bat ba ayaw mo pa magpatalo nalang!"

"Ede sigi ede sorry!"

"Oh ayan , okay na"

Sabay apir namin sa isat isa at umaktong wakang nangyari

"Para kayong mga tanga"

Bulalas ni Kristy na kinatawa namin ni Cass

"Nga pala, dapat di na kayo nag talo kase may pinaka late pa may isa pa!"

Napatingin kaming tatlo kay Kristy

Isa pa?, so may kasama pa kami?

"Sino yan yung jowa ni Jo?"

Nanlalaki ang mata kong turan

Kita ko na napalingin sakin si Jonathan kaya bigla akong natawa at kurutin ako nito sa tagiliran

Joke lang naman e!

"Sinong Jowa?"

Takang tanong ni Kristy

"Si kim haha!"

Tatawa tawang sagot dito ni Cass, ang janinang pagtataka sa muka ni Kristy ay nauwi sa halakhak

Kita ko ang mas inis na muka ni Jonathan kaya tinapik tapik ko pa to sa balikat para mas mainis hehe

pasensya na ikaw ang trip for todays review

"Tumigil na nga kayo! sakalin ko kayo! sabihin nyo pa kung sino ang dadating ng may masabi naman kayong tama!"

Hindi ko mapigilan ang lalong matawa dahil kita ko ang kapikunan sa muka ni Jonathan Haha

"Si nicky haha sasali daw sya ng review"

Natigil ako sa pagtawa sa sinabing yun ni Kristy

Si nicky?, wow isang taon at mahigit ko na rin din nakikita ang lalaking yun huh!

Goodbye YesterdayWhere stories live. Discover now