04

33 6 0
                                    

"Holly Molly!" Bungad ko pag pasok sa air bnb na binook nila.

Maliit lang ito pero kasya na sa apat na tao.

Dalawang palapag pero maliit ang espasyo.

Pagpasok mo ay bubungad ang Sala sa baba na may sofa bed, maliit na table na may vase at isang smart tv, sa kaliwa nun ay mini kitchen at Rest room,pag akyat mo naman sa pangalawang palapag ay isang kwarto lamang na may malaking bed at  maliit na study table.

Pumasok ako sa kwarto at di ko inaasahan na may maliit na beranda ito dun dahilan para makita mo ang view ng dagat sa likod!

"Wow!" Yun nalamang ang nasabi ko, habang manghang mangha sa tanawin

Hindi ko kasi inaasahan na ganto kaganda, hindi naman kasi ako tumulong sa pag hahanap at sa pagplano!, ang sabi ko sakanila sigi sasama ako pero wala akong alam sa ganto, kaya nag bigay nalang ako ng perang parte ko at sila na ang bahala!.

were in Zambales, para malapit lapit lang

"Grabe mas maganda pala talaga to sa personal" Turan ni Cas at inilapag na nito sa sofa ang dalang gamit.

"Grabe nice one jonathan!" Puri ni Kristy dito, di naman na ko nagulat dun dahil nung naghahanap din kami ng ganto para sa company outing ay sya din ang nakahanap ng air bnb na talaga namang sulit na sulit.

I now facing them "So whats the plan?" Tanong ko sa mga to habang pababa ng hagdan, sa pagkakatanda ki kasi ay si Cassandra at Jonathan ang nag asikaso ng mga gagawin namin at si Kristy ang tinagurian naming mapa.

Madami kasing alam to sa lugar at mahilig mag outing at maglalabas , ultimo ata tiktok nito ay travel vlog na.

Nakita kong lumapit si Cassandra kay Jonatahan na may dalang notebook, plaplanuhin palang ata nila! kaya naman nakigulo nalang ako kay Kristy na syang nakaupo sa sofa at nag gagantsilyo na

"Ayus huh pati dito ot ka haha?" Tanong ko sa kanya

"Gaga may order kasi na limang bucket hat at ilang miniture!"

Pinanuod ko lamang to habang nag gagantsilyo, grabe ang galing ng ginagawa nya!, hindi kasi ako marunong nito.

"Gusto mo try ?" Tanong sakin ni Kristy, napansin siguro nito na tutok na tutok ako sa panonood sa kanya.

Tumango ako dahil matagal ko na din tong gustong gawin, wala lang panahon, mas nakahiligan ko kasi ang pag babake.

Ibinigay sakin nito ang sobra nyang hook, at itiniro step by step ang dapat gawin.

Nang unti unti ko ng makuha ang pag gawa at mukang nag kaka progress naman ang ginagawa ko ay syang ngisi ko.

"Ayusin mo yan Alli, ididkit ko yan dito sa ginagawa ko!" Nanlaki ang mga mata ko! at napangisi, wow hahaha kaya pala ako tinuruan hahaha!

Nakita ko na natawa din ito

Putcha talino ng babaeng to kaya pala ako tinuruan para gamitin lang ako! hahaha

"Guys game let me tell you, what are we gonna do sa loob ng tatlong araw" Napaangat kami ng tingin ni Kristy sa nag salitang si Jonathan.

Tumango ako dito habang patuloy sa ginagawa.

"Ok dahil ngayon ay hapon na, lets just order food and some soju and lets just do random chismisan hahaha!" Turan ni Cassandra

We just laugh , talagang di pwedeng mawala sa ganto ang chismisan

Inilapag ni Jonathan.sa mini tble ang ballpen at notebook , he look at us "Bukas, we sched it to 12 kasi di ko alam kung ano oras tayo magigising kung mag wawalwal tayo today, so 12 labas tayo to do something!, swimming ?, Sports , anything"

Goodbye YesterdayWhere stories live. Discover now