"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 2:
Ang kasinungalingan ni LindsayNaggising ng Maaga si Xianmei dahil may klase Siya ngayon. Kumain Siya at nag bihis na.
"Nay, pupunta na po ako sa paaralan.." wika ni Xianmei
"Sige, anak. Ingat palagi.." wika ni Aling Eva
Nag lakad si Xianmei papuntang paaralan.
"At eto na Ang mag sasaka na tumulak saakin kahapon.." wika ni Lindsay
"Kalimutan mo na yun, Lindsay..." Wika ni Xianmei at Dali daling tumakbo
"Hoy, Hindi pa Tayo tapos, indio!" Sinigaw ni Lindsay habang hinila Niya Ang buhok ni Xianmei
"Bitawan mo ako, Lindsay...!" Pakiusap ni Xianmei
"Hinding Hindi Kita bibitawan Hanggang Hindi ka humihingi Ng paumanhin!" Sinigaw ni Lindsay at mas lalong hinila Ang buhok ni Xianmei
"Paumanhin, Lindsay! Paumanhin dahil tinulak kita!" Sinigaw ni Xianmei
"Akala mo totoo Ang sinabi ko, ah?! Puwes, Hindi ako ganyan! Hindi Kita bibitawan hangga't may buhok pa sa Ulo mong ala-indio!" sigaw ni Lindsay
"Sabing bitawan mo ako!" Sinigaw si Xianmei at tinulak si Lindsay. Nadapa si Lindsay sa sahig
"Lindsay, tinitiis Kita! Ngunit sobra SOBRA na Ang ginagawa mo saakin!" Sinigaw ni Xianmei at Dali daling tumakbo sa silid aralan niya
Nakarating na Siya sa silid aralan
"Xianmei, isalaysay mo nga saamin kung bakit Hindi ka dumating sa tamang oras?" Wika ni Binibining Michaela, Ang kanilang guro
"Paumanhin po, gurong Michaela. Hindi na po mauulit.." wika ni Xianmei
"Anong nangyari sa buhok mo, Xianmei?" Wika ni bb. Michaela
"Wala lang po, gurong Michaela. Na....nakasabit po Kasi Ang buhok ko sa Isang bagay.." wika ni Xianmei
Umupo si Xianmei sa kaniyang upuan at nakinig na lamang Kay bb. Michaela
"Mga mag aaral, Hindi ako tumatanggap Ng ganitong ugali sa klase! alas 7 na oh!" Sigaw ni Bb. Michaela
Ilang minuto Ang lumipas at dumating Sila Lindsay sa klase
"At ano ito, Binibining Lindsay? Bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ni bb. Michaela
"Paumanhin po, bb. Michaela. Si Xianmei po Kasi, ginulo Niya Ang aking damit!" Sigaw ni Lindsay
"At ano to, Xianmei?" Wika ni bb. Michaela
"Guro, Siya po Ang nau-" wika ni Xianmei, ngunit Hindi Niya na tapos Ang kaniyang pangungusap
"Tumahimik ka, Xianmei. Dapat Wala na akong naririnig na nga ganito! Ano kayo, mga Bata sa ika-unang baitang?! Pvñeta!" Sigaw ni bb. Michaela
Natapos din Ang araw. Naglakad na si Xianmei papuntang Bahay nila.
Pumasok si Xianmei sa Bahay nila at nag Mano Kay Aling Eva
"Anak, kumusta Ang pag klase mo?" Tanong ni Aling Eva
"Maganda Naman po, nay.." wika ni Xianmei, ngunit Hindi ito Ang sinasabi Ng kaniyang mga mata. Ang mga mata ni Xianmei ay parang basa.
"Nak, Alam Kong Hindi 'yan totoo. May nangyari ba?" Tanong ni Aling Eva
"Si Lindsay po Kasi, nay... Sinabunutan Niya ako at sinabi Niya sa guro namin na ako daw Ang nauna... Ako tuloy Ang napagalitan..." Wika ni Xianmei habang Ang kaniyang luha ay tumulo sa kaniyang mga pisngi
"Tahan na, anak... Pag pasensyahan mo na si Lindsay... Balang Araw, mag babago din yun..." Wika ni Aling Eva
Ipagpapatuloy...
YOU ARE READING
Ang Ginintuang Orasan
FantasyGinintuang Orasan, featuring Xianmei as a binibini from the past that stole the golden hourglass to go to the past cause her mother has an incurable disease. But her travel using the golden hourglass malfunctioned and brought her to the modern day w...