Ang Masamang Kaluluwa(9)

9 4 1
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 9:
Ang Masamang Kaluluwa

Bago Niya matuloy Ang kaniyang sasasabihin, biglang nahimatay si Majery. Narinig nila na natumba si Majery.

Inimulat nila Ang kanilang mga mata.

"Hala!" Sinigaw ni Xianmei

Tumayo si Manong Josh

"Bilis, kunin mo Ang pulang halaman sa aking hardin!" Wika ni Manong Josh

Tumakbo si Xianmei sa labas at kinuha Ang pinaka unang pulang halaman na Nakita niya. Ngunit, dahil sa pag mamadali, Mali Ang halaman na nakuha Niya. Bumalik Siya sa loob Ng Bahay ni Manong Josh at ibinigay na ito sa kaniya.

Dali-daling piniga ito ni Manong Josh na hindi tinitignan Ang halaman at pinainom ito Kay Majery.

Biglang lumutang si Majery.

"Anong nangyayari?!" Sinigaw ni Manong Josh

Tinignan Niya Ang halaman na dinala sa kaniya ni Xianmei

"Maling halaman Ang kinuha mo!" Wika ni Manong Josh Kay Xianmei

"Ha?!" Sinigaw ni Xianmei

"Kunin mo Ang pulang halaman na may kulay dilaw sa may sentro nito!" Sinigaw ni Manong Josh

Dali daling bumalik sa Xianmei sa Hardin at kinuha Ang halaman na tinutukoy ni Manong Josh. Dali dali siyang bumalik sa Bahay ni Manong Josh

**ibang eksena**

Naglalakad si Chelah papunta sa Bahay nila at dinaanan Ang Bahay ni manong Josh. Mukhang umiilaw ito

"Ano kayang nangyayari dun?" Wika ni Chelah

""Habang Sina Xianmei**

"Eto po ba?" Tanong ni Xianmei

Nag mamadaling kinuha ito ni Manong Josh, piniga Hanggang sa lumabas Ang duga nito at pinainom sa lumulutang na katawan ni Majery

Biglang lumutang pababa Ang katawan ni Majery Hanggang sa Hindi na Siya lumulutang

"Sana Hindi ito nakapasok sa katawan Niya.." wika ni Manong Josh

"Ang ano?" Tanong ni Xianmei

"Ang masamang kaluluwa na naramdaman ko kanina.." Sagot ni Manong Josh

"Ha?-" wika ni Xianmei

Biglang inimulat ni Majery Ang kaniyang mata

Tinignan nila Ang kaliwang mata ni Majery, at ito ay kulay itim, ngunit Ang kanan niyang mata ay maayos Naman

"Hala.. lumaban ka, Majery! Kaya mong talunin Ang kaluluwang Yan!" Wika ni Manong Josh

Biglang lumutang si Majery ulit, mukhang nahihirapan siyang labanan Ang masamang kaluluwa. Naging normal na Ang KALAHATI Ng kaniyang kaliwang mata ngunit lumutang na Siya pababa.

"Jusko.." wika ni Xianmei

"Ano po bang nangyari?.." Tanong ni Xianmei Kay Manong Josh

"Ipapaliwanag ko nalang saiyo kapag naggising na Siya.." wika ni Manong Josh

**Makatapos Ang Isang oras**

"Salamat sa Panginoon na gising ka na. May nararamdaman ka ba?" Tanong ni Manong Josh

"Masakit Ang aking Ulo.." wika ni Majery habang hinahawakan Ang kaniyang noo

"Xianmei, kumuha ka Ng Isang basong tubig sa aking kusina.." wika ni Manong Josh

Tumakbo si Xianmei patungong kusina ni Manong Josh at kumuha Ng Isang basong tubig. Bumalik Siya kung nasaan Sina Majery at pinainom Niya ito Ng tubig.

"Mas umayos ba Ang iyong pakiramdam, Majery?" Tanong ni Manong Josh

"Hindi! Matanda!" Wika ni Majery, parang nag iba Ang kaniyang Boses na para bang sinapian. Sinampal ni Majery Ang kaniyang sarili

"Paumanhin, manong Josh.. Hindi ko alam Kung bakit ko yun sinabi.." wika ni Majery

"Mukhang Hindi tuluyang umalis Ang kaluluwa sa iyong katawan, Majery.." wika ni Manong Josh

Biglang nag tinginan Sina Majery at Xianmei

"Manong Josh.. pano po ba paalisin ang masamang kaluluwa?" Tanong ni Majery

"Paumanhin, ngunit Hindi ko Rin alam.." paliwanag ni Manong Josh

"Pano po ba ito nakapasok sa aking katawan?" Tanong ni Majery

"Nahimatay ka kanina, at maling katas Ng maling halaman Ang napainom namin saiyo.." Paliwanag ni Manong Josh

"Bakit po ba pumasok sa aking katawan Ang kaluluwa ng pinainom niyo Yung katas?" Tanong ni Majery

"Dahil Ang halaman na 'yon ay makapangyarihan at kahit kaunting katas lamang nito, ay maaari nang masaniban Ang Isang tao. Ginagamit lamang ito sa paghihiganti sa tao ngunit di sinasadyang ito Ang nakuha ni Xianmei..." Paliwanag ni Manong

"..ah.. aalis na po kami, Manong Josh.." wika ni Majery

"Sige.." wika ni Manong Josh

Pumunta na Sila sa labas Ng Bahay ni Manong Josh at Nakita nila si Chelah

"Kumusta, Chelah-" wika ni Majery

" 'wag mo akong kukumustahin kung kaibigan mo pa yang babaeng 'yan!" Sinigaw ni Chelah habang tinuro Niya si Xianmei

"Bakit?" Tanong ni Majery

"Nag away kami kanina.." wika ni Xianmei

Ipinikit ni Majery Ang kaniyang mga mata at sa kaniyang pagmulat ay ito ay nag kulay itim. Tumakbo Siya papunta sa likod ni Chelah Ng napakabilis na Hindi nila Nakita na tumakbo Siya.

"ego praecipio tibi om te vergeet wat gebeur het A nosotras hace un tiempo" binulong ni Majery Kay Chelah. (Inuutusan kitang kalimutan Ang nangyari sainyong dalawa kanina)

Biglang nahimatay si Chelah

Ipinikit ulit ni Majery Ang kaniyang mga mata at naging normal na Ang kaniyang mga mata.

"A-.. Anong nangyari?" Tanong ni Majery

"Hindi ko alam... May ibinulong ka sa kaniya at bigla siyang nahimatay.." paliwanag ni Xianmei

Hindi nalang nagsalita si Majery at umalis na Sila roon

Biglang naggising si Chelah

"Bakit.. bakit ako NASA lupa?" Wika ni Chelah sa kaniyang sarili

Ipagpapatuloy..

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now