Ang Bathaluman(12)

2 1 0
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 12:
Ang Bathaluman

"Nais niyo bang makuha Ang mahiwagang Ginintuang Orasan?" Wika ni ???

"Sino ka?" Tinanong ni Majery

Lumingon Siya kung saan nanggagaling Ang Boses, Nakita Niya Ang Isang babae na may ginintuan na kasuotan.

"Xianmei, lumuhod ka, Siya ang Bathalumang Joi!" Wika ni Majery at lumuhod Silang dalawa

"Opo, gusto po namin na makuha Ang Ginintuang Orasan.." wika ni Xianmei

"At ano Ang rason Ng pangangailangan niyo rito?" Wika ng Bathalumang Joi

"Kailangan po namin ito dahil Ang nanay ni Xianmei ay nagkasakit, kailangan namin makuha Ang ravenum galing sa nakaraan para maggamot Siya. At para Maka punta kami sa nakaraan, kailangan po namin ng iyong mahiwagang Orasan.." wika ni Majery

"At bakit niyo Naman gustong mabuhay pa Ang babae?" Wika Ng bathalumang Joi

"Dahil nanay ko Siya at gagawin ko Ang lahat para mabuhay Siya dahil mahal ko Siya!" Sinigaw ni Xianmei

"Xianmei, 'wag mong sigawan ang bathalumang Joi!" Wika ni Majery

Tinignan na lamang ni Xianmei si Majery

"May Punto ka, ngunit bakit Hindi niyo na lamang tanggapin Ang tinakdang kapalaran Ng iyong Ina. Ang mahal na Bathala mismo Ang nag takda nito." Wika ng Bathalumang Joi

"Ngunit Bathalumang Joi, mahal ko Ang aking nanay at Hindi kong hahayaan na mamatay Siya.." wika ni Xianmei

"Pag iisipan ko, tumira muna kayo saaking tahanan para sa gabi.." wika ng Bathalumang Joi

Pinalakpak Ng Bathaluman Ang kaniyang kamay Ng Isang beses at naglaho Sila. Lumitaw Sila sa Isang Lugar na napakaganda, Ang kapaligiran ay luntian at Ang mga puno rito ay puno Ng bunga.

"Bibigyan ko kayo Ng Tatlong pag subok at pag nakapasa kayo sa mga ito, maaari na niyong makuha ang mahiwagang Orasan." Wika Ng Bathalumang Joi

Nag tinginan Ang si Majery at Xianmei

"Dito muna kayo, ngunit huwag kayong pipitas Ng mga bunga maliban lang kung ibinigay ko ito sa inyo" wika ng Bathalumang Joi

"Maliwanag?" Dagdag Niya

"Opo" wika Nina Xianmei at Majery

"Matulog na kayo, bukas Tayo magsisimula Ng mga pagsubok." Wika Ng Bathaluman

Naglaho si Bathalumang Joi at natulog na Ang dalawa

**1 sa umaga**

Ginising ni Majery si Xianmei

"Ano po, ate Kai?" Tanong ni Xianmei

"Xianmei, naggugutom ako!.." wika ni Majery

"Teka lang, tignan ko kung may pagkain Tayo sa ating mga bag.." wika ni Xianmei

Tinignan Niya Ang kanilang bag ngunit inaantok pa Siya kaya mabagal Siya kumilos

"Xianmei, bilis, naggugutom na ako.." wika ni Majery

Tinignan ulit ni Xianmei

"Wala akong nakita na pagkain" wika ni Xianmei

"Siguro pwede namang pumitas Ng prutas rito.. Diba may rason Naman ako kung bakit.. naggugutom na talaga ako.." wika ni Majery

Pipitas na si Majery Ng prutas, ngunit pinigilan Siya ni Xianmei

"Ate Kai, wag! Sinabihan Tayo Ng bathalumang Joi na wag pumitas Ng bunga galing sa mga puno.." wika ni Xianmei

"Ngunit naggugutom na ako!.." wika ni Majery

"Hindi mo ba kayang tiisin 'yan?" Wika ni Xianmei

"Oo!" Wika ni Majery

"Matulog ka nalang, lilipas Rin 'yan.." wika ni Xianmei

Humiga na sila sa Damo at malipas Ang ilang minuto, nakatulog na si Majery

"Paumanhin ate Kai dahil Ang maggutom lamang Ang mapagpipilian mo... Bawal raw Kasi pumitas Ng bunga.." wika ni Xianmei

**Umaga na**

Naggising na Silang dalawa at namataan nila na NASA tabi lang nila Ang Bathalumang Joi

"Binabati ko kayo" wika ng Bathalumang Joi na nakangiti

"Para saan po?" Tanong ni Majery

"Dahil nalagpasan ninyo Ang unang pagsubok" wika ng Bathalumang Joi

" 'yon po Ang unang pagsubok?" Tanong ni Xianmei

"Oo, dahil sinusubok nito Kung nararapat bang pagkatiwalaan ko kayo o hindi.. maraming mga mortal na pinatuloy ko rito ay Hindi nakalagpas sa pagsubok na 'yon" wika Ng Bathaluman

Pinalakpak ng Bathaluman Ang kaniyang mga kamay Ng dalawang beses at may lumitaw na Isang basket Ng mansanas sa lupa

"Majery, batid Kong naggugutom ka. Pinanood ko kayo kaggabi at narinig Kong naggugutom ka" wika Ng Bathaluman

Namula si Majery

"Salamat po.." wika ni Majery

"Kumain muna kayo, mahirap Ang dalawa pang pagsubok" wika Ng Bathaluman

Naglaho na Siya. Kumain na Ang dalawa at naubos na nila ito.

Makatapos Ang ilang minuto, lumitaw ulit roon Ang Bathaluman

"Dadalhin ko na kayo sa ikalawang pagsubok"wika Ng Bathaluman

Pinalakpak Niya Ang kaniyang mga kamay Ng Isang beses at naglaho Sila. Lumitaw Sila sa Isang Lugar na puno Ng mga patibong

"Isa lamang Ang maaaring gumawa Ng pagsubok na ito" wika Ng Bathaluman

"Ako-" wika ni Xianmei

"Ako na Ang gagawa" wika ni Majery

"Ngunit ate Kai, mapanganib ito!" Wika ni Xianmei

"Iniinsulto mo ba ako na Hindi ko ito kaya?" Tanong ni Majery

"Hindi Naman.." Sagot ni Xianmei

"Pwes, hayaan mo na ako Ang gumawa nito. Iniisip ko lamang Ang iyong kapakanan, at Isa pa nalimutan mo na bang kaya Kong mag ganito?" Wika ni Majery

Ipinikit Niya Ang kaniyang mga mata at ito ay naging kulay itim sa pagmulat Niya

"Sige.." wika ni Xianmei

"Ano Ang dapat Kong Gawin, Bathalumang Joi?" Wika ni Majery

"Ang pagsubok na ito ay nangangailangan Ng liksi, at kailangan mong tumakbo papunta sa makina nito para masira ito." Wika Ng Bathaluman

"Sige, naiintindihan ko" wika ni Majery

"Pag bilang Kong tatlo, bubuksan ko Ang makina at sisimulan mo na Ang Pag takbo" wika Ng Bathaluman

Naghanda na si Majery

"Isa...dalawa..." Wika Ng Bathaluman

"Tatlo! Takbo na!" Sinigaw Ng Bathalumang Joi habang binubuksan Ang makina...

Ipagpapatuloy...

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now