Ang Lugar(10)

3 1 0
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 10:
Ang Lugar

"Bakit.. bakit ako nasa lupa?" Wika ni Chelah sa kaniyang sarili

Tumayo Siya at nag lakad na pauwi

**Umaga na**

Pinakain na ni Xianmei si Aling Eva Ng agahan at pakatapos ni Aling Eva Kumain, natulog Siya ulit

" 'wag Kang mag alala, 'nay. Pangako, matatagpuan Rin namin Ang Ginintuang Orasan para maggamot na kayo..." Wika ni Xianmei sa natutulog niyang Ina.

May bigla siyang naalala

"Oo nga pala, Hindi pa saamin sinasabi ni Manong Josh kung asan Ang Lugar na Nakita ko... Teka lang, 'nay, pupuntahan ko lang si ate Kai.." wika ni Xianmei

Pumunta Siya sa Bahay ni Majery at kumatok sa kaniyang pintuan

"Ate Kai?.." wika ni Xianmei

Bumukas Ang pintuan

"Oh, Xianmei. Ba't ka nandito?" Tanong ni Majery

"Hindi pa Kasi saatin nasasabi ni Manong Josh kung nasaan Ang Ginintuang Orasan.." Sagot ni Xianmei

"Hala... Oo nga.. Tara puntahan natin Siya!.." wika ni Majery

Pumunta na Sila sa Bahay ni Manong Josh at hinanap Siya dun.

"Manong Josh?" Wika ni Xianmei

Hinanap nila si Manong Josh sa Bahay Niya ngunit Hindi nila Siya Nakita

"Tara, puntahan natin Ang kaniyang Hardin!" Wika ni Majery

Pumunta Sila sa Hardin ni Manong Josh at namataan siyang nakaupo sa sahig habang nakapikit Ang kaniyang mga mata at Ang kaniyang kamay ay nakatutok sa kanila

"May tao ba riyan? May nararamdaman ako!" Wika ni Manong Josh

"Manong Josh, kami lang po ito" wika ni Majery

Iminulat Niya Ang kaniyang mga mata at tinitignan Ang dalawa.

"Oh, iha. Ba't kayo naririto?" Wika ni Manong Josh

"Hindi mo pa po Kasi saamin nasasalaysay kung nasaan Ang Lugar na aking nakita.." wika ni Xianmei

"Umupo kayo.." wika ni Manong Josh

Umupo Sila Xianmei sa tabi ni Manong Josh

"Xianmei, ilarawan mo nga ulit saakin kung ano Ang mukha ng Lugar?" Wika ni Manong Josh

"Isang Bundok, may maliit na babae.. maganda Siya, Kulot Ang kaniyang buhok at Ang kasuotan Niya ay kulay ginto Nasa taas May Isang Orasan na ginto, At may kuweba sa katabi nito. Ang hugis Ng bundok ay bilog at may syudad sa katabi nito. Ngunit, parang Wala nang mga tao sa mga Bahay sa syudad na ito" wika ni Xianmei

"Ah.. alam ko Ang pangalan Ng syudad na 'yan. ito ay Ang syudad Calurtis.. Wala Ng tao rito sapagkat pinatay na Sila lahat Ng mga español.." wika ni Manong Josh

"Ngunit saan po ba ito matatagpuan?" Tanong ni Majery

"Galing sa bahay ko, pumunta ka pa silangan at dumiretso ka lang Hanggang sa nakarating ka sa syudad Ng Magnus. Malalaman niyo kung nasa Magnus na kayo kapag may Nakita kayong bundok na may napakalaki na puno sa taas nito sa may hilaga Ng Magnus. At Yung bundok na 'yon ay ang maaaring tinutukoy ni Xianmei." wika ni Manong Josh

"Sige po.. salamat... Aayusin na po namin Ang gamit na dadalhin namin at pupunta na kami roon.." wika ni Xianmei

"Ngunit bago kayo pumunta roon, kumuha kayo Ng sandata sa aking kwarto sapagkat may mga kulto roon sa may Magnus na pinapatay Ang sino man na nakikita nila at maaari ka nilang patayin kapag Hindi mo ipinagtanggol Ang iyong mga sarili.." wika ni Manong Josh

Pumunta na Sila Xianmei sa kwarto ni Manong Josh at kumuha Ng dalawang espada. Pumunta Rin Sila sa kanilang mga Bahay para maghanda Ng tig-Isang bag na may lamang gamit para sa paglalakbay. Bago Sila umalis, pumunta muna Sila sa Bahay ni Manong Josh

"Manong Josh, maaari bang Ikaw muna Ang magbabantay sa aking Ina habang ako'y Wala pa?"
Tanong ni Xianmei

"Oo naman.." Sagot ni Manong Josh

"Salamat. Tara na, ate Kai" wika ni Xianmei

Sinimulan na nila Ang paglalakbay. 30 minutos na Ang lumipas ngunit Hindi parin nila ito nakikita

"Ate Kai.. Hanggang kailan pa ba Tayo rito.." wika ni Xianmei, mukhang pagod na siya

"Mag tiis ka muna, Xianmei. Mukhang malayo pa Ang ating lalakbayin bago natin mahanap Ang Ginintuang Orasan.." wika ni Majery

"Mag kuwentuhan na lamang Tayo habang naglalakad para maging distraksyon sa pagod.." wika ni Majery

Nag kuwentuhan Sila Ng 20 minutos Hanggang sa may Nakita si Majery na grupo Ng tao

"Xianmei, tignan mo oh!" Binulong ni Majery Kay Xianmei

May paparating na grupo Ng mga tao

"Halika, Ate Kai. Mag tago Tayo!" Wika ni Xianmei

Nagtago Sila sa likod Ng puno at pinakinggan kung Anong pinag uusapan Ng mga tao sa grupo na Nakita ni Majery. Mukhang Ang iba sa kanila ay Hindi maiintindihan dahil sa kanilang wika.

"May namataan o napatay na ba kayong tao na pwedeng Ipang alay?" Wika Ng Isang myembro

Dahil sa pagkatakot, biglang napagalaw si Xianmei at may naapakan na kahoy. Narinig ito Ng kulto

"Sinong nariyan?" Sinigaw Ng Isang myembro sa kulto

May Isang myembro na pumunta sa likod Ng puno at hinila sina Xianmei papunta sa iba pang myembro Ng kulto

"Itong dalawa, pwede pang alay" wika Ng myembro

Binunot nina Majery Ang kanilang espada

"Mukhang mapapalaban Tayo, ate Kai.." wika ni Xianmei

"Mga myembro, sugurin Sila!" Sinigaw Ng pinuno Ng kulto

Ipinikit ni Majery Ang kaniyang mga mata at Ang mga ito ay naging kulay itim

Isa Isa niyang pinatumba Ang mga myembro ng kulto

Ipagpapatuloy...

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now