"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 14:
Ang Pagkamatay Ng Isang Matalik na KaibiganNASA gitna nila Ang halimaw at aatakihin na ito ni Xianmei biglang naglaho Ang halimaw nung sasaksakin ito ni Xianmei. Hindi sinasadyang nasaksak ni Xianmei si Majery
"Ate Kai?!" Sinigaw ni Xianmei, hinugot Niya Ang kaniyang sandata galing sa katawan ni Majery
Biglang bumagsak si Majery sa lupa at sinalo Siya ni Xianmei
"Paumanhin ate Kai! Hindi... Hindi ko sinasadya!... Nag laho Kasi Ang halimaw!..." Paumanhin ni Xianmei habang umiiyak
"Hindi Ikaw Ang may kasalanan, Xianmei... 'wag mo akong intindihin, Xianmei.. Kailangan mong talunin Ang halimaw... Para... Para magamot mo Ang iyong Ina.. salamat dahil naging kaibigan Kita.." wika ni Majery, nahihirapan siyang magsalita dahil sa kaniyang sugat
"Ate Kai.. wag Kang mag salita Ng ganyan!... Hindi ka pa mamamatay!.." isinigaw ni Xianmei
"Paumanhin, Xianmei... Ngunit Hindi ko na kaya.. mahal Kita.. bilang... Isang.. kaibigan.." wika ni Majery
Ngumiti Siya Ng Ika-huling beses bago mag hiwalay Ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan, may maitim Rin na kaluluwa na lumabas ngunit ito ay naging abo.
"Ate Kai!!" Sinigaw ni Xianmei at umiyak habang hinahawakan Ang P@t@y na kataw@n ni Majery
"N-nasan ako?.. nabuhay ako?.. Xianmei, bakit ka tumatangis? Nandito ako!" Wika ni Majery. Lumingon si Majery sa paligid, at Nakita Niya Ang kaniyang Pat@y na katawan sa lupa.
"N.. namat@y na ako?" Wika ni Majery, tinabihan Niya si Xianmei
" 'wag Kang mag-alala, Xianmei.. gagabayan Kita.." wika ni Majery, ngunit bigla siyang nakakita Ng liwanag. May tao na lumalabas galing dito
"S-sino ka?!" Sinigaw ni Majery
"Anak.. ako ito.." wika Ng nanay ni Majery(si Aling Patricia)
" 'nay? Ikaw ba talaga 'yan?" Wika ni Majery, at tinignan Niya Ang wangis nito mabuti
"Nay!" Sinigaw ni Majery, tumakbo Siya Kay Aling Patricia at niyakap Siya
"Nay, Anong nangyari, Diba Buhay pa Naman kayo noon pag alis namin?" Tanong ni Majery
"May trahedyang nangyari.. sumama ka na saakin anak.." wika ni Aling Patricia
"Ngunit si Xianmei.." wika ni Majery
"Pwede mo Naman siyang gabayan mula sa itaas, anak.." wika ni Aling Patricia
"Sige po.. Xianmei, paalam, sasama na ako sa aking nanay.." wika ni Majery
Sumama na Siya sa liwanag
Matapos Ang ilang minuto, tumigil na sa pag iyak si Xianmei. Tumayo Siya at kinuha Ang kaniyang sandata
"Nasaan ka nang halimaw ka? Mag pakita ka!" Sinigaw ni Xianmei
Hinanap Niya Ang halimaw sa paligid ngunit Hindi Niya ito nahanap
"Bakit ba ayaw mong magpakita!?" Sinigaw ni Xianmei at tumakbo patungo sa kagubatan malapit sa kanilang pinag tuusan.
"Pag pakita ka... Para maipag higante ko na Ang aking kaibigan.." maiyak iyak na sinabi ni Xianmei
Biglang lumitaw Ang halimaw sa kaniyang harapan. Sinubukan Niya itong labanan
"Mamatay ka!" Sinigaw ni Xianmei habang sinusubukan na saksakin Ang halimaw paulit-ulit.
Ngunit bigla siyang tinapunan Ng lupa sa mata, Hindi nakakita si Xianmei Ng ilang sandali
Bigla siyang kinalmot Ng halimaw gamit Ang kaniyang mga matutulis na kuko
"Aray!" Sinigaw ni Xianmei at napatumba
Tumayo si Xianmei at kinusot Ang kaniyang mga mata, nakakita na Siya ulit
Kinalaban Niya Ang halimaw Hanggang sa pareho na Silang sugatan
"Mamatay ka!.." sinigaw ni Xianmei bago saksakin na Ang halimaw Ng tuluyan sa tiyan nito
Bumagsak Ang halimaw sa lupa. Hinugot Niya Ang kaniyang espada, huminga Siya Ng malalim upang mabawasan Ang kaniyang pagod.
Pumunta Siya katawan ni Majery.
"Ate Kai.. napaghigante na Kita.." wika ni Xianmei, pagod na pagod sa pakikipaglaban
Biglang lumitaw Ang Bathalumang Joi sa harapan ni Xianmei
"Binabati Kita, natalo mo Ang halimaw" wika Ng Bathalumang Joi
"Ikaw.." tinutok ni Xianmei Ang espada Niya sa Bathaluman
"Kasalanan mo kung bakit namatay si Ate Kai!" Sinigaw ni Xianmei at aatakihin Niya Ang Bathaluman
Biglang nagkapananggala Ang Bathaluman
"Xianmei, 'wag Kang magpadala sa Galit.." wika Ng Bathaluman
"Pano ako Hindi magagalit eh Ikaw Ang may kasalanan kung bakit namatay si Ate Kai!" Sinigaw ni Xianmei at paulit-ulit na pinukpok Ang pananggala gamit Ang kaniyang espada
"Naiintindihan kita.. ngunit kapalaran Niya ito, kailangan mo itong tanggapin.." wika Ng Bathalumang Joi
"Tumahimik ka!..." Sinigaw ni Xianmei at inulit ulit pang pinalo Ang pananggala gamit Ang kaniyang espada.
Biglang napadapa si Xianmei at umiyak
"Bakit ba kailangan pang m@matay si Ate Kai!.." sinigaw ni Xianmei habang umiiyak
Inalis na Ng Bathaluman Ang pananggala at nilapitan si Xianmei
"Tahan na, Xianmei.. nais mo bang dalhin na Kita sa Ginintuang Orasan?" Wika Ng Bathaluman
Pinunasan ni Xianmei Ang kaniyang mga luha at tumayo
"Oo na.. ngunit kailanma'y Hindi na Kita maaaring pagkatiwalaan pa!.." wika ni Xianmei
"Paano Ang katawan ni Ate Kai?" Tanong ni Xianmei
"Ililibing ko na lamang ito pakatapos mong makatawid sa Ginintuang Orasan.." Sagot Ng Bathaluman
"Sige na.. tapusin na natin to para magamot ko na Ang aking Ina" wika ni Xianmei at pinunasan Ang kaniyang luha gamit Ang kaniyang kamay
Pinalakpak ng Bathalumang Joi Ang kaniyang mga kamay at naglaho Sila papunta sa Tuktok Ng bundok
"Xianmei, kailangan mo muna mag pahinga, pagod na pagod ka na oh" wika Ng Bathaluman
"Wala akong pake!.. dalhin mo.." wika ni Xianmei, Bigla siyang nahilo
"Ako..roon.." wika ni Xianmei bago Siya nahimatay
"Kaawa-awang nilalang.. dinama ko Rin dati Ang iyong pinagdadaan ngayon.." wika ni Bathalumang Joi
"Mukhang pagod na pagod ka na.." dagdag Ng Bathaluman
Ipagpapatuloy..
YOU ARE READING
Ang Ginintuang Orasan
FantasíaGinintuang Orasan, featuring Xianmei as a binibini from the past that stole the golden hourglass to go to the past cause her mother has an incurable disease. But her travel using the golden hourglass malfunctioned and brought her to the modern day w...