Ang pagtatanggol ni Xianmei sa kaniyang sarili (7)

3 3 0
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 7:
Ang Pagtatanggol ni Xianmei sa kaniyang sarili

Pumasok na si Majery sa Bahay ni manong Josh

Siya ay namangha dahil Ang Dami Ng mga kagamitan na ginagamit ni Manong Josh sa pag ri ritwal

"Umupo ka iha.." wika ni Manong Josh habang kumukuha Ng upuan galing sa kaniyang kwarto

Umupo si Majery

"Manong Josh, bakit po ba Ang Dami mong mga kagamitan?" Tanong ni Majery

"Dahil Marami na akong naranasan na kakaiba. At Marami na akong natutunan galing dito" sagot ni Manong Josh

"Ah.." wika ni Majery

Kumuha si manong Josh Ng Isa pang upuan galing sa kaniyang kwarto at umupo. tinignan Niya si Majery

"Ano nga ulit Ang iyong pakay, iha?" Tanong ni Manong Josh

"May Tanong lang po Kasi.." Sagot ni Majery

**Bagong eksena**

"Inaabuso?" Biglang tumawa si Lindsay

"Ang Dami mong sinasabi, mas mabuti kung tumahimik ka!" Sigaw ni Lindsay

Sasampalin Niya si Xianmei, ngunit Hindi Niya ito nagawa dahil nasalo ni Xianmei Ang kaniyang kamay. Hinigpitan ni Xianmei Ang hawak sa kamay ni Lindsay

"Aray! Tama na!" Sinigaw at pinakiusap ni Lindsay

Tinapon Niya Ang kamay ni Lindsay at Tinulak si Lindsay.

Nahulog si Lindsay sa putik

" 'wag na 'wag mong ubusin Ang pasensya ko!" Sigaw ni Xianmei, tumalikod Siya at dahan dahang naglakad.

"Ang damit ko.. ano pang tini tingin tingin niyo Dyan?! Sugurin niyo Siya!" Sigaw ni Lindsay

Tumakbo Sina Chelah papunta Kay Xianmei

Biglang pinulot ni Xianmei Ang Isang malaking galing sa lupa.

"Anong gagawin ninyo saakin, ha?" Wika ni Xianmei

Biglang nag tinginan Sina Chelah

"I... Ibaba mo Yan!... Kung.. kung Hindi... i-isusumbong ka namin sa Gobernador Heneral!" Sinigaw ni Chelah

Biglang tinuro ni Xianmei si Chelah habang hawak hawak Ang bato

"Edi Gawin mo!" Sinigaw ni Xianmei

"Bakit? Kaya ko Naman kayo patayin ngayon para Hindi na kayo makapag sumbong, Hindi ba?" Wika ni Xianmei, tinatakot Niya Sina Chelah

Biglang umatras Sina Chelah

"Susugurin nyo ako, Diba? Bilis, Gawin nyo!" Wika ni Xianmei habang tinatakot Sina Chelah gamit Ang batong hawak Niya

"... Pag nawala talaga Yung pasensya ko sainyo, baka Hindi kong mapigilan na PATAYIN kayo at ibalandra Ang INYONG mga katawan sa HARAP NG MGA TAO!" Sinigaw si Xianmei

Nag sitakbuhan Sina Chelah papunta Kay Lindsay

" 'di niyo Naman pala kaya eh!" Sinigaw ni Xianmei

Naglakad Siya papunta sa Bahay Niya. Pumunta Siya sa kwarto Ng kaniyang Ina na si Aling Eva.

"Patawad po, 'nay. patawad po dahil tinakot ko Sila.. Sila po Kasi.. gusto nila akong Magalit..." Sinabi ni Xianmei sa kaniyang natutulog na Ina

**Habang Sina Lindsay**

Nakita ni Lindsay na nagsisitakbuhan Ang kaniyang mga kaibigan.

"Anong nangyari?" Tanong ni Lindsay

"Si Xianmei, tinakot kami gamit Ang Isang malaking bato!" Wika ni Chelah habang humihinga Ng malalim

"Mga duwag! Para Isang bato! Ano kayo, mga indio?!" Sinigaw ni Lindsay

"Kung Ikaw ba Naman masabihan Ng Isang tao, na papatayin ka!" Sinigaw ni Chelah

"Indio! Hindi Niya yun kaya!" Sinigaw ni Lindsay

"Kung Hindi ka natatakot, bakit Hindi Ikaw Ang humarap Kay Xianmei, matapang ka, 'diba?!" Sinigaw ni Chelah

"Tama na! Tapusin na natin Ang pagkakaibigan natin!" Sinigaw ni Lindsay

"Edi mabuti! Wala Naman akong pake Sayo eh!" Sinigaw ni Chelah at naglakad Ng malayo.

**Bagong eksena**

"Paano po ba kami makakakuha Ng Ravendium na pang lunas sa sakit ni Aling Eva?.." Tanong ni Majery

"Malabo 'yang hinihingi mo, iha.." wika ni Manong Josh

"Bakit po?" Tanong ni Majery

"Dahil ubos na Ang mga ravendium sa buong Mundo... Dahil dun, kailangan Kong pumunta sa nakaraan para makakuha Ng isa" Wika ni Manong Josh

"Sinasabi niyo po bang Hindi na maggagamot Ang nanay Ng kaibigan ko?.." wika ni Majery

"Oo... Ngunit may Isa pang paraan para makakuha Ng ravendium na Hindi ko pa saiyo nasasabi.." wika ni Manong Josh...

Ipagpapatuloy!...

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now