Ang dalawa pang pagsubok(13)

3 1 0
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 13:
Ang dalawa pang pagsubok

"Isa...dalawa...Tatlo! Takbo na!" Sinigaw Ng Bathalumang Joi habang binubuksan Ang makina

Tumakbo si Majery Ng napakabilis.

"Ate Kai, matatamaan ka!" Sinigaw ni Xianmei

Mas lalong binilisan ni Majery Ang pagtakbo habang iniiwasan Ang mga Pana na binabaril sa kaniya Ng makina

Sinalo Niya ang Isang Pana at tumakbo patungo sa makina. Sinira Niya ito gamit Ang Pana

"Mahusay, Majery! Binabati Kita!" Wika ng Bathalumang Joi

"Nalagpasan mo ang pagsubok, ate Kai!" Wika ni Xianmei at yinakap Niya si Majery

Ngumiti Ang dalawa sa Isa't Isa, natutuwa dahil ligtas ni Majery na nalagpasan Ang pagsubok

"Gusto niyo bang dalhin ko na kayo sa huling pagsubok?" Tanong ng Bathalumang Joi

"Sige po" Sagot ni Xianmei

Pinalakpak Ng Bathaluman Ang kaniyang mga kamay Ng Isang beses at lumaho Sila. Lumitaw Sila sa Isang Lugar na puno Ng mga buto. Nagulat Sina Xianmei at Majery

"A-..ano po ito?.." wika ni Xianmei

"Ito Ang huling pagsubok, Ang lahat na nakapasa sa una at ikalawang pagsubok ay namamatay rito, KUNG Hindi nila ito malalagpasan" wika ng Bathaluman

"Bakit.. bakit ganun?... Ano po ba Ang pagsubok?.." Tanong ni Majery

"Ang huling pagsubok ay: kailangan ninyong talunin Ang halimaw" wika Ng Bathalumang Joi

Gumawa Siya Ng Isang halimaw na NAPAKA panget Ng wangis. Meron ito Ng matatalim na mga ngipin at mahahaba na mga kuko

"Ito Ang iyong kakalabanin, Meron Siya Ng ⅛ Ng aking kapangyarihan. Sa pagsubok na ito, kailangan niyon Ng lakas, tapang, liksi at diskarte. Kaya maghanda kayo, sapagkat malakas Siya" wika Ng Bathalumang Joi

Biglang naglaho ang Bathalumang Joi at Sila Xianmei lamang At ang halimaw Ang natira roon.

"Handa ka na ba, Xianmei?" Tanong ni Majery habang hinuhugot Niya Ang kaniyang espada

"Oo, simulan na natin to para makuha na natin Ang mahiwagang Orasan!" Sagot ni Xianmei at hinugot Rin Niya Ang kaniyang espada

Ipinikit ni Majery Ang kaniyang mga mata, ngunit bago pa Niya ito Maimulat, tumakbo na patungo sa kaniya Ang halimaw

"Ate Kai, Ang halimaw!" Sinigaw ni Xianmei

Sinubukan niyang saksakin Ang halimaw, ngunit bigla itong naglaho

Iminulat na ni Majery Ang kaniyang mga mata, at ito ay naging kulay itim, mas maitim pa kaysa dati.

Aatakihin Ng halimaw si Xianmei sa likod

"Xianmei, sa likod mo!" Sinigaw ni Majery

Tumakbo Siya Ng napakabilis papunta sa likod ni Xianmei at tinigilan Ang halimaw, muntik na Niya itong masaksak ngunit naglaho ito. Lumitaw ito sa harap ni Xianmei.

"Ah!" Sinigaw ni Xianmei

"Xianmei, duko!" Sinigaw ni Majery

Dumuko si Xianmei, nag tagumpay si Majery na hiwain Ang Isang kamay Ng halimaw

Naglaho muli Ang halimaw at lumitaw sa likuran ni Majery, sinugatan Ng halimaw si Majery gamit Ang mga kuko nito

"Aray!!" Sinigaw ni Majery, natumba siya.

Lumingon si Xianmei Kay Majery at nagulat Siya

"Ate Kai, ano pong nangyari?!" Sinigaw ni Xianmei

" 'wag mo akong intindihin, bilis, kalabanin mo na Ang halimaw!" Sinigaw ni Majery

Hinanap ni Xianmei Ang halimaw, lumingon Siya sa iba't iBang direksyon

"Xianmei, sa likod mo!" Sinigaw ni Majery

Bago pa si Xianmei makalingon, sinuntok Siya Ng halimaw at tumalsik Siya

"Xianmei!" Sinigaw ni Majery

Tumayo si Majery at kinalaban Ang halimaw

"Peste Kang halimaw ka!!" Sinigaw ni Majery

Sinubukan niyang hiwain Ang Ulo Ng halimaw gamit Ang kaniyang matalim na espada

Habang naglalaban Ang dalawa, biglang nagkamalay na si Xianmei

"Xianmei, bilis! Atakihin mo na siya!" Sinigaw ni Majery habang kinakalaban Ang halimaw

Tumalon si Majery paatras at inatake ni Xianmei ang halimaw. Kinuha ni Xianmei Ang kaniyang punyal at ginamit ito upang sugatan Ang halimaw.

"Bakit.. ba.. Ang.. bilis... Mo!" Sinigaw ni Xianmei habang inaatake Ang halimaw

Nahiwa ni Xianmei Ang Isang Paa Ng halimaw

Biglang sinuntok ulit Ng halimaw si Xianmei at tumalsik ulit Siya

"Halimaw! Ako Ang harapin mo!" Sinigaw ni Majery at sinugod Ang halimaw

Nag laban Sila Ng napakabilis ngunit walang niisang sugat na napala Ang Isa't Isa Hanggang sa kinalmot Ng halimaw Ang likod ni Majery gamit Ang kaniyang napaka tulis na mga kuko

"Aray!" Sinigaw ni Majery at Siya ay napa dapa sa lupa

Biglang nagka Malay ulit si Xianmei at Siya ay tumayo, tumayo na Rin si Majery.

"Ate Kai? Nasugatan ka ba Niya?" Tinanong ni Xianmei

"Oo.. lubha siyang malakas!" Sinigaw ni Majery

Biglang lumitaw Ang halimaw sa likod ni Majery at kinalmot Siya ulit, natumba si Majery

"Aray!! P3ste ka!" Sinigaw ni Majery at tinutok Ang kaniyang espada sa halimaw

Tumakbo Naman Ang halimaw papunta Kay Xianmei at aatakihin Siya nito, ngunit biglang tumakbo Ng napakabilis si Majery at hinila Ang halimaw at pinatalsik ito habang tinitiis Ang kaniyang malubha na sugat.

Tumakbo Siya papunta Kay Xianmei

"Xianmei, ayos ka lang ba?" Tanong ni Majery

"Oo, ate Kai.. malubha po ba Ang iyong sugat?" Tanong ni Xianmei

"Oo, ngunit tinitiis ko lamang ito.. Meron ka bang Plano upang matalo Ang halimaw?" Sagot at Tanong ni Majery

"May naiisip ako.. kalabanin kaya natin Ang halimaw Ng sabay.." Sagot ni Xianmei

"Sige.." wika ni Majery

Biglang lumitaw Ang halimaw sa harapan nila at kinalaban nila ito.

Naglaban Sila Ng napakatagal, at nasugatan nila Ang halimaw Ng matindi. Nasa gitna nila Ang halimaw at sasaksakin na ito ni Xianmei, ngunit bigla itong naglaho...

Ipagpapatuloy...

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now