"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 8:
Ang Isa pang Paraan"Ano po 'yon?" Tanong ni Majery
"Ang... Ang Ginintuang Orasan.." sinagot ni Manong Josh
"Ano po yung.. Ginintuang Orasan?..." Tanong ulit ni Majery
"Ang Ginintuang Orasan ay Isang makapangyarihan na bagay. Kaya nitong maglakbay mula sa Isang panahon papunta sa iBang panahon... Ginawa ito Ng mga bathala para gamitin Ng mga tao. ngunit inabuso ito Ng mga tao kaya tinago ito Ng mga bathala sa Isang lihim na Lugar.." Wika ni Manong Josh
"Ah, sige po... Alam niyo po ba kung nasaan ito?" Wika ni Majery
"Hindi.. ngunit may Isang ritwal akong alam na kaya pwedeng makahanap sa Ginintuang Orasan..." Wika ni Manong Josh
"Ngunit kailangan nito Ng Tatlong tao para maisagawa ito.." dagdag ni Manong Josh sa kaniyang
"Teka lang po, pupuntahan ko po si Xianmei sa Bahay nila.." wika ni Majery
Tumayo Siya at tumakbo papunta sa Bahay nila Xianmei. Kumatok Siya sa pinto.
"Sino po 'yan?" Wika ni Xianmei habang binukasan Niya Ang pinto
Nakita Niya si Majery
"Ano pong kailangan mo, ate Kai?" Tanong ni Xianmei
"May nahanap na akong paraan para maggamot si Aling Eva.." Wika ni Majery
Hinawakan Niya Ang kamay ni Xianmei at naglakad patungo sa Bahay ni manong Josh
"Saan Tayo pupunta?" Tanong ni Xianmei
"Sa Bahay ni manong Josh.." Sagot ni Majery
"Ngunit Hindi mo ba naririnig Ang mga sinasabi Ng mga kapitbahay? May pagka baliw si Manong Josh!.." wika ni Xianmei
" 'wag Kang mag alala, Wala namang masama kung susubukan natin Ang mga ritwal Niya, Hindi ba?" Wika ni Majery
"Ngunit ito ay delikado!" Wika ni Xianmei
"Gusto mo bang maggamot nanay mo o hindi?" Wika ni Majery
"Sige na nga.." wika ni Xianmei
Nakarating na sila sa Bahay ni manong Josh at pumasok na sila.
"Manong Josh, nandito po si Xianmei.." wika ni Majery
Tinignan ni Manong Josh si Xianmei
"Ikaw pala si Xianmei.. napakapalad Ng iyong Ina dahil Alam Kong gagawin mo lahat para maggamot lang Siya.." wika ni Manong Josh
"... Ate Kai, bakit mo ako dinala dito?" Tanong si Xianmei Kay Majery
"Dahil-" wika ni Majery
"Dahil kailangan Ng Tatlong tao para ma isagawa Ang ritwal.." wika ni Manong Josh
"Ritwal para saan?" Tanong ni Xianmei
"Majery, isalaysay mo sa kaniya" wika ni Manong Josh
Isinalaysay ni Majery Kay Xianmei na Ang ritwal ay para nahanap Ang Ginintuang Orasan at isinalaysay din Niya kung ano Ang Ginintuang Orasan.
"Ah..sige.." wika ni Xianmei
Kumuha si Manong Josh Ng mga kagamitan sa kaniyang kwarto: Tatlong piraso papel, Tatlong kandila, Isang ordinaryong Orasan, ilang pirasi Ng tunay na ginto at Isang posporo para sa mga kandila.
Inilatag Niya Ang Tatlong papel at umupo Sila sa mga papel. Ang mga kandila Naman ay NASA gitna nila, NASA sentro nito Ang Orasan at ginto Naman ay nakapatong sa Orasan. Kumuha Sila Ng Tatlong piraso Ng posporo at sinindihan ito.
"Handa na ba kayo?" Tanong ni Manong Josh
"Oo, handa na kami." Wika ni Majery at Xianmei
"Pag bilang Kong tatlo, dapat sindihan natin Ang ating mga kandila at kapag nasindihan na Ang mga ito, ipipikit natin Ang ating mga mata. Ngunit Isa lang saatin Ang makakakita sa Lugar kung nasaan Ang Ginintuang Orasan." Wika ni Manong Josh
"Isa.... Dalawa.... Tatlo!.." wika ni Manong Josh
Agad agad nilang sinindihan Ang kanilang mga kandila at pinikit Ang kanilang mga mata.
"May nakikita ba kayo?" Tanong ni Manong Josh
"Wala po.." wika ni Majery
"Ikaw Xianmei, may nakikita ka ba?.." Tanong ni Manong Josh
Hindi nagsalita si Xianmei
"Xianmei?" Wika ni Majery
"Oo, may nakikita ako.." Sagot no Xianmei
"Ano Ang iyong nakikita, Xianmei?" Tanong ni Manong Josh
"Isang... Bundok.. may maliit na babae.. maganda Siya... Kulot Ang kaniyang buhok...at Ang suot Niya ay kulay ginto... Nasa taas... May Isang... May Isang... Orasan na ginto..... At may kuweba sa katabi nito.." Sagot ni Xianmei
"Maaari mo bang ilarawan kung ano Ang mukha ng bundok?.." Tanong ni Manong Josh
"Mukha... Bilog ito.. may syudad sa katabi nito... Ngunit... Ngunit... Ngunit parang Wala nang mga tao sa mga Bahay sa syudad na ito..." Wika ni Xianmei
"Mukhang Ang syudad na ito ay Ang lungsod Ng.." wika ni Manong Josh
Bago Niya matuloy Ang kaniyang sasasabihin, biglang nahimatay si Majery...
Ipagpapatuloy!..
YOU ARE READING
Ang Ginintuang Orasan
FantasyGinintuang Orasan, featuring Xianmei as a binibini from the past that stole the golden hourglass to go to the past cause her mother has an incurable disease. But her travel using the golden hourglass malfunctioned and brought her to the modern day w...