Chapter 1

86 2 0
                                    

A story of six childhood friends who later became medical students. But the twist of fate brought complications when twins Jake Lheo Razon and Jordan Lheo Razon fell in love with the same girl, who happened to be one of their childhood friends.

What will happen if one of the twins decides to give up and not pursue his first love? Can he bear the pain of letting the person he loves be with someone else? And what will happen if another girl enters the picture, further complicating the love triangle?

Jake Lheo's POV

"Ma, I have to go. May aasikasuhin pa ako sa klase." I kissed my mom's forehead and she just smiled.

Kaso bago pa ako makaalis ng bahay, narinig ko si Papa.

"Jake, umuwi ka ng maaga ha, ikaw mag aasikaso ng dinner kasama ang family friends natin."

"Pa, clinical years ko ngayon, pupunta pa ako sa naka assign sa akin na baryo kasama ang seniors ko. Malelate siguro ako pa. Si Jordan nalang dahil magkaiba kami ng schedule. Bakante siya ngayon."

"Anak, alam mo naman na bunso natin si Jordan. Sakitin pa ang kapatid mo at nagrereview pa iyon."

Gusto ko sanang sumagot kaso hinawakan na ni Mama ang braso ko. Naiitindihan ko naman sila dahil si Jordan ay simula pa noong mga bata kami, palagi itong nadadapa at nagkakalagnat. Mahal ko din ang kapatid ko, kaya binibigay ko lahat sa kanya.

"Sige na nga. Tatapusin ko nalang ho ng maaga ang trabaho ko. Sige Ma, Pa, mauna na ako."

Third Person's POV

The parents of the twin are happy as their first born, Jake Lheo, always have been obedient to them while they were in their mansion's garden.

"Ang swerte natin mahal, dahil sobrang bait na panganay ni Jake para kay Jordan. Kahit isang minuto lang ang tanda nito, tumayo talaga itong kuya sa magkambal." Saad ng papa ng kambal.

"Oo nga mahal, kaso nalulungkot rin ako dahil palagi nalang si Jake ang nagsasakripisyo. Naalala mo ba noong kailangan ko ng tulong para sa business natin, si Jake ang nagasikaso noon lahat pero ang credits napunta parin kay Jordan, para lang makafocus si Jordan sa exams niya nung highschool pa sila."

"Oo nga mahal. Sana hindi umabot na mag-aaway ang kambal dahil sa isang bagay at lalo na isang tao, ang magustuhan nila."

"Aba, sakit ng ulo talaga iyan. Pero sa tingin ko, magkaiba naman ang tipo nila sa isang babae ngayong malalaki na sila."

"Naku, mahal. Hindi natin alam. Alam mo naman na si Jordan ay sobrang gusto yung anak ng pamilyang Thompson. Napapansin ko rin na magaan ang loob ni Jake doon."

"Hindi naman siguro, mahal. At tsaka, si Ava naman ang pipili sa kambal kung sino ang gusto nito at malalaman na natin ito mamaya."

"Napapansin ko rin mahal na parang nageexpect si Jake na siya ang pipiliin, dahil siya ang gusto din ng bestfriend kong si Pareng Josh, na ama ni Ava, para maging son-in-law."

The mother and father of the twin happily reminisced the times when they had the twins. Jake has been the one who keeps on taking the initiative for the benefit of his twin. They also talked about concerns to situations that might heavily affect the twins.

They even laugh when they remembered that Justin, the father of the twins and his best friend Josh, decided to name their children with Lheo and Lhea. They even have an agreement to let their children marry each other for business.

----

Dinner

Maagang tinapos ni Jake ang trabaho niya para maasikaso ang utos ng mga magulang. Isa kasing advantage ni Jake kaya parating nakadepende sa kanya ang magulang ay dahil likas na itong matalino. Hindi rin ito mayabang at palaging pinagbibigyan ang kapatid.

Let me Heal YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon