Jake Lheo's POV
"Nanay Rosa, nahihiya ho ako sa mga tao sa labas. Hindi naman ho ako doctor po eh. Kaso inaabangan po ako ng ibang tao magpapagamot daw. Wala naman akong ibang gamit dito maliban sa mga herbal plants na pananim natin at needles at pang first aid lang."
"Anak, gawin mo lang ang makakaya mo. Hindi naman sila magrereklamo lalo na at hindi ka naman tumatanggap ng bayad. Isa pa, alam ko sa puso mo, na gusto mo silang gamutin. Pangarap mo kaya iyon dahil sabi mo noong bata kapa, magiging doctor ka dahil sa ginamot mong bata doon. Sino nga uli iyon iho?"
"Ahh...eh...si Lhea po ata iyon, Nay."
"Ay oo, ang batang iyon na lagi mong kasama noon. Naku, sobrang bagay talaga kayo."
"Nay, naman. Nag momoveon na nga po ako sa kanya eh." Napatawa nalang kami dahil nakwento ko na rin kay Nanay Rosa noon kung anong nangyari.
Malungkot si Nanay Rosa para sa akin pero parati ako nitong binibigyan ng advice. Sinabi niya ng ana balang araw, mahihilom din daw ang sugat sa puso ko, lalo na at alam niya na mahal na mahal ko parin ang mga magulang ko, ang kambal kong si Jordan, at si Lhea.
----
"Doc Lheo, maraming salamat po ha, dahil binibigyan niyo po kami ng oras ng tatay ko. Masakit daw po kasi ang likod ni Itay ilang buwan na , wala rin kaming pangbayad sa hospital."
"Okay lang iyon Marie, basta bakante ako, tutulungan ko ang nangangalaingan. Tsaka, Kuya Lheo nalang, wag nag doc, hindi naman ako doctor eh."
"Ganun na rin po iyon Doc Lheo, nanggagamot po kayo. Pinagkakalat nga ni Aling Marites kahit sa bayan, na may manggagamot na dito sa Sitio Santiago."
Napahawak nalang ako sa sentido dahil sa narinig. Kahit kailan talaga si Aling Marites, ay nagmamarites talaga.
Tay Pael, may ipe-pressure lang ho ako sa inyong likod.
One...two...three...
Nakarinig kami ng mahinang tunog ng buto at dahil doon makikita sa muka ni Tay Pael ang kaginhawaan.
"Aba, paano mo iyon ginawa Doc Lheo, ang gaan na ng pakiramdam ko. Hindi na rin sumasakit ang likod."
"Binalik ko lang ko sa estado ang inyong mga buto sa likod."
May kaalaman at karanasan rin kasi ako sa chiropractic, kaya marunong rin ako pagdating sa mga bagay na ito.
"Doc Lheo, ito po, tanggapan niyo po sana."
Nakita ko naman na binigyan ako ng isang native na manok, puso ng saging, at may kasama pang isang tali ng sibuyas at bawang.
"Ang dami naman po nito, Tay Pael at Marie."
"Kulang pa ho yan sa paggamot sa tatay ko. Sobrang salamat po talaga Doc Lheo!"
Nagpaalam na rin sila at sa wakas makakapag pahinga na ako, dahil sila ang huli kong pasyente ngayon hapon.
Inaabot kasi ng lima hanngang sampu ang pasyente ko sa isang araw. Minsan, umaabot din ng labinglima at higit pa.
Third Person's POV
Doon sa bayan, naging usap-usapan ng mga tao ang "Doc Lheo" ng Sitio Santiago. Libre lang daw kasi ang pag papagamot at naabot na rin ang hospital sa bayan.
Nag-uusap na rin ang mga nurse tungkol dito dahil kumalat din daw na sobrang pogi ang Doc Lheo na iyon. Makinis daw ito, may beard, at sobrang hot.
May ilan nga na nagpaplano na ring bumisita para lang makita ang doc lheo na iyon.
BINABASA MO ANG
Let me Heal You
RomanceA story of childhood friends who later became medical students and doctors. But the twist of fate brought complications when the twins Jake Lheo Razon and Jordan Lheo Razon fell in love with the same girl, who happened to be one of their childhood f...