Chapter 7

41 3 0
                                    

Jake Lheo's POV

Kahit naman nasaktan ako sa pagpapaalis sa akin ni Taly, naiitindihan ko rin naman ang galit niya. Ang duwag ko rin dahil hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

Pero kahit ganoon, hindi parin mawala ang nararamdaman ko kay Taly. Simula nung hinalikan niya ako, I confirmed it in myself that I like her more than just a friend.

Hindi lang din spur of the moment iyong nangyari sa amin. I want her kaya hindi ko rin napigilan ang sarili ko para maangkin siya. Lahat ata ng pagmamahal na iwinaksi ko noong mga bata pa kami ay naipon kaya di ko maiwasan maging masaya noong makita ko siya. She looks beautiful always in my eyes.

Gumigising ako ng maaga para makadaan pa kami sa Hospital na pinagtatrabahuan ni Taly. Magkaiba kasi ang direksiyon noon sa pagdedeliveran namin ni Ley ng mga harvest sa bukid, kaya kailangan pa namin mag biyahe ng dalawang oras papunta sa hospital.

Pagdating naman sa paggagamot, kapag bakante ako, may pumupunta naman doon sa amin. ANg ginawa ko din ay ang mga bata sa amin, tinuturuan ko ng basic first aid at mga kaalaman na maari nilang magamit. Natutuwa pa ang mga magulang ng mga bata dahil umuuwing may bagong kaalaman ang mga bata.

Natutuwa pa kami ni Nanay Rosa dahil puro pag dodoktor na ang pangarap ng mga bata dito sa amin.

Laking pasalamat ko rin sa kinakapatid kong si Ley dahil kahit pusong babae ito, sobrang maaasahan ito sa pagmamaneho.

Napapagod rin kasi ako kaya naaawa na sa akin si Ley at sumasama na. Ako rin kasi nagbubuhat ng mga harvest namin.

Masaya rin ako nung nasabi ng isang nurse na nagugustuhan ni Taly ang regalo ko daw.

Kaso nung nakita ko si Taly sa labas ng hospital na kasama si Dom, binalot ako kaagad ng lungkot, selos, at insecurity.

Sobrang bagay kasi nila lalo na sa magagarang nilang suot. Nakita ko pa na may magagandang regalo si Dom para kay Taly.

Nahihiya ako sa dala kong sunflower pot. Pero kahit simple lang iyon, puno naman ito ng pagmamahal kay Taly. I planted and careed for it on my own.

Agad na rin akong umalis noong tinanggap ni Taly ang regalo ko. Nagseselos kasi ako sa breakfast date nila ni Dom.

----

Bukid

"Doc Lheo!"

Tuwing hapon, sinasalubong talaga ako ng mga bata na galing sa eskwelahan nila at niyayakap ako.

"Kumusta ang pag-aaral niyo?"

"Okay naman po. Tinanong kami kung ano gusto namin paglaki. Ang sabi namin, maging doctor tulad niyo po."

"Eh..hindi naman ako doctor eh."

"Okay lang po. Kapag naging doctor kami, tulad po ninyo ang gagayahin namin na tumutulong sa kapwa."

Natuwa naman ako sa sinabi nila.

"Alam mo Doc Lheo, sabi ng teacher namin, mayroon daw medical mission dito sa Sitio natin sa susunod na mga buwan. "

"Talaga? Aba, maayos yan."

"Opo, maraming doctor daw po galing sa malalaking hospital ang pupunta dito sa atin. Magtatagal nga raw po sila dito."

"Kaya magbehave kayo ha, at mag observe kayo kung ano ang ginagawa ng doctor para may matutunan kayo." Saad ko.

-----

Tuwing weekends naman, bumababa ako sa bundok para pumunta sa bayan – to see Taly. Umabot ito ng dalawang buwan.

Kapag hindi ko siya nakikita ng Sabado, bumabalik ako ng linggo. Kahit nakakapagod umakyat at bumaba ng bundok, okay lang, titiisin ko makita lang siya.

Let me Heal YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon