~|• Chapter 1 •|~

54 24 2
                                    

|• The first glance •|
Cyphaine

First day of class ngayon, every student in our campus gathers in the court para sa flag ceremony. Kakarating ko lang rin kasabay si Phein, my bestie. We headed to our classroom para ibaba ang bags namin then, syaka kami dumeretso na sa court.

Ng makarating kami sa court ng campus, punong-puno na ito ng mga estudyanteng nakapila na nagpre-prepare na sa pagsisimula ng flag ceremony. Agad naming hinanap ni Phein ang pila namin kung saan nakapila ang mga kaklase namin this year. Ng mahanap nanamin ang pila namin, agad kaming nakipila. Maya-maya pa ay nagsimula na ang flag ceremony.

While the principal of the campus is speaking in the stage, kinalabit ko si Phein. "Phein, dala mo ba yung mini fan mo? It's so hot in here. Punong-puno pa ng mga maasim na estudyante" sabi ko rito. "Oh, shuks, i forgot to bring my mini fan with me e' sorry" sagot naman nito sakin.

Humarap nalang ulit ako ng naiirita. Ayaw na ayaw ko kasi talaga sa init ng araw, allergic nga yata ako sa araw e' bampira ata ako. Dahil wala akong magawa and wala rin naman akong pakialam sa pinagsasabi ng principal sa stage, inilibot ko muna ang mga mata ko sa mga estudyanteng nakapila sa court, until a girl with a pink ribbon caught my eyes as in! Napahinto ako sa paglilibot ng aking mga mata sa dinami-dami ng mga tao dahil sakanya! I dont know why.

"Aine! Saan kaba nakatingin? Nagsisimula na ang flag ceremony oh" sita saakin ng kaibigan kong si Phein. Agad naman akong humarap at nakisabay na sa flag ceremony.

While singing, hindi ko maalis ang itsura ng babaeng nakita ko sa crowd ng mga estudyante kanina. My brain cant get rid of her damn! Like, i swear to god that i was straight. Pero with just a look of her, tiklop ako! Whats happening to me?!

"Girl, are you okay?" Sabi ni Phein na kinakalabit ako. "Wha- why?" Lutang kong sagot. "Kanina kapa tulala, di ka nanga makapag-focus sa flag ceremony oh. Ano ba kasing iniisip mo? Do you have problems ba?" Tanong nito saakin. "A-ah, no, maybe puyat lang to. Puyat kasi ako kagabi hehe" palusot ko, syaka ko muling ibinali ang atensyon ko sa stage.

Ng matapos ang flag ceremony parehas na kaming naglakad pabalik ng room namin ni Phein. Hawak-hawak ni Phein ang braso ko habang naglalakad.

"You sure that you're okay?" Muling tanong nito saakin.

"Afcourse, what made you think na may problema ako?" Sabi ko sakanya.

"Kanina kapa kasi tulala e' weird lang HAHAHA" sabi nito saakin sabay tawa.

"Sira, bilisan mo na ngang maglakad at baka mahuli tayo sa klase natin" sabi ko rito sabay kurot sa tagiliran nito.

Ng makarating kami sa room namin, maya-maya pa ay nagsimula narin ang klase.

"Good morning everyone. This is the first day of classes right? Wala muna tayong lessons for today, bukas pa ang start ng lessons. For now, kikilalanin muna natin ang isa't-isa. Im Ma'am Danica, just call me Ma'am Clavero. Maga-attendance muna tayo, say present if natawag kona ang name nyo. Is that clear?" Our teacher said.

"Yes Ma'am Clavero" my classmates said.

Umupo na si ma'am at nagsimula ng mag-attendance. Maya-maya pa ay natawag na kami ni Phein, syaka nagpatuloy si ma'am.

"Lexia Varro?"

"Present po"

"Lerouice Sairez? Lerouice Sairez? Nandito naba si Lerouice Sairez?" Sabi ni ma'am na nahinto sa paga-attendance dahil sa isang estudyanteng mukhang late ang dating.

Maya-maya pa ay nagulat kami ng magbukas ang pinto at isang babae ang pumasok. My heart beats so fast because its the same girl with the ribbon na nakita ko sa court! She's my classmate?!

"Im sorry Ma'am Clavero if im late" sabi nito na nanatiling nakatayo.

"So, are you Lerouice?" Tanong ni ma'am.

"Yes po" maikling sagot ni Lerouice.

"You may take your sit beside Clara" ma'am said then, nagtuloy na sya sa paga-attendance.

So, her name is Lerouice pala? Great name.

After ng attendance, binigyan kami ni ma'am ng 20 minutes to prepare para sa introducing namin sa harap. Habang nag-iisip tuloy ako di ko maiwasang mapaisip kung ano ang sasabihin ni Lerouice.

"Aine, help me naman oh" sabi ni Phein na dahilan para matigil ako sa pagiging lutang HAHAHA.

"Introducing na ngalang mag-papatulong kapa saakin. Di mo ba kilala sarili mo at saakin mo itatanong 'yan?" Sabi ko rito habang nakataas ang isa kong kilay.

"Aine naman e' please" sabi nito na nag-aarte. "Bahala ka 'dyan" masungit ko namang sabi. "Edi wag! Suplada!" Sumbat nito saakin. "Aba! Ako pa ngayon ang suplada?" Masungit kong sabi.

"Phein and Cyphaine! Wag kayong maingay!" Sabat ng advisor namin saamin.

"Ikaw kasi e!" Naiinis kong sabi.

"Che!" Sagot nito.

To be continue...



~|• THE RIBBON IN HER HAIR •|~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon