~|• Chapter 7 •|~

15 10 0
                                    

|• Move on nalang kaya? •|
Cyphaine

I dont know what to think dahil sa sinabi ni Lerouice na may sasabihin raw sya saamin ni Phein bukas. Tungkol kaya saan iyon? Im getting nervous right now even though dapat na wala nakong paki.

Maya-maya pa, while im scrolling on my phone i notice a notification kaya tinignan ko ito. I was shocked ng makita kong galing ito kay Eddiel.
Chat box:
Eddiel: Hi! Free ba kayo ni Phein bukas?

Me: Why?

Eddiel: Gusto ko kasing bumawi sainyo for the past year na wala ako, kaya ililibre ko kayo bukas. I just want to bring the past us, yung close? It feels awkward kasi and it makes me feel sad...

Me: Ahh, okii i think we're free naman bukas sasabihan ko nalang si Phein. Btw, you dont need to do such things para lang maging close ulit tayong tatlo ni Phein, we're always here for u! Kung may problem ka, may good news, nandito kami syempre we used to be close and its my pleasure to continue the closeness we have over the past years hehe.

Eddiel: Asahan ko kayo bukas!

Me: Sure!

And with that i said yes, what the hell? I cant bring my feelings for Eddiel again! Di pa nga ako nakaka-move-on kay Lerouice tapos si Eddiel naman?! No freaking way! I cant handle too much pain kaya, im just a human!

(Kinabukasan)

It's the same day as always, boring lesson, boring recess, then finally yung pinaka masaya sa araw na ito! Sa lunchbreak ay kinausap na kami ni Lerouice tungkol 'dun sa goodnews. Excited ako syempre dahil hindi ko pa alam.

"Hi, guys!" Masayang bati nito saamin.

"Ano ba kasi yung goodnews nayan? Nasasabik nako HAHAHA" sabi naman ni Phein.

"Maupo muna kayo!" Masayang sabi ni Lerouice. Dahil sa sayang ipinapakita ni Lerouice ay mas lalo akong nasisiyahan sa sasabihin nya.

Umupo kami agad ni Phein. "So, eto na nga... Kagahapon kasi habang nasa kwarto ako, kumatok si mama. Sabi nya may bisita raw ako, so eto naman akong nagtataka kung sino yon. So tinanong ko si mama, sabi nya si Sherman raw ackk!!" Napakasayang sabi nito. Kung sya napakasaya ako naman ng marinig ko ang pangalan ng Sherman na iyon ay nainis ako bigla.

"Teka, sino si Sherman?" Singit naman ni Phein.

"Ay, oo nga pala kay Cyphaine ko lang pala nasabi yon hehe. Si Sherman ay ang ulimate crush ko HAHAHA" paliwanag ni Lerouice kay Phein.

"Ayy, kayo ha may pasekreto-sekreto na kayo saakin!" Sabi ni Phein.

"Balik tayo sa topic, so eto na nga, nung sinabi ni mama na si Sherman yon syempre nag ayos ako bago ko buksan yung pinto ng kwarto then, tumambad saakin si Sherman oh my god!! Tapos sabi ko pasok sya, tumanggi sya kasi sabi nya may ibibigay daw sya sakin and di rin sya magtatagal. Syaka nga ipinakita to ohh (pagpapakita nya saamin nung bracelate na suot nya simula umaga) sabi nya gawa nya raw to, tapos pinakita nya rin saakin yung bracelate na suot nya which is parang ka-couple ng bracelate nato! Shett, as inkinikilig nako ng mga oras nayon lalo na nung sinabi nyang, i know that you liked me, i liked you too. Grabe kilig ko don as in huhuhu. How can a perfect man like Sherman fell in love with me?! Thats impossible!!" Napaka sayang sabi nito.

"Ackkk!!! Grabe kana ghurll" sabi pa ni Phein.

"Baka naman ginagamit kalang niyan" hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko iyon. Hindi ko magawang titigan sa mga mata si Lerouice ng masabi ko iyon. What is wrong with me?!! "I-i mean baka naman may kailangan lang sya sayo kaya bigla ang appearance nya sa buhay mo" paglilinaw ko sa mga sinabi ko.

"Ano bayan, basag happiness ka naman friend" sabi ni Phein saakin.

"Malay mo naman diba" dagdag ko pa. "Btw, inaaya tayo ni Eddiel na sumama sakanya now, lilibre nya raw tayo. Babawi raw kasi sya" sabi ko para ma-change topic na.

"Huyy, bumabawi ba satin o sayo? Ackk!! Kakainis kayo ha! Bakit ako lang walang kaloveteam dito?!" Pabirong sabi ni Phein.

"Gaga, hindi kasi! Ano sasama ka ba?" Tanong ko kay Phein.

"Hindi ako pwede aalis kami mamaya e'. Kayo nalang muna, alam mona... Waaaaa para maging close ulit kayo ayaw mo non?!" Sabi nito na may pagtataas pa ng kilay saakin.

"Weh? Aalis ba talaga kayo? Ayokong mag isa!" Reklamo ko.

"Oo nga teh" sabi ni Phein.

"Pwede namang ako nalang ang sumama sainyo" nakangiting pagpre-presenta ni Lerouice. Muntik ko na ngang makalimutan na nandoon pala sya dahil sa topic namin.

"Oo nga, bat hindi nalang si Lerouice ang isama mo ng mas magkakilala pa sila ni diel? Or double date kayo, si Lerouice at Sherman tapos ikaw at si diel ackk!!" Sabi ni Pheinna parang sira.

"Sira kaba? Tigilan mo na nga ako sa pang aasar mo kainis ka" sabi ko na napipikon na.

"Itatanong ko nalang kay diel kung pwedeng ikaw nalang ang sumama" sabi ko kay Lerouice.

That afternoon rin ay nakasalubong naming tatlo si Eddiel kaya sinabi kona sakanya yung about kay Lerouice and pumayag sya. After school ay sinundo na agad kami ni Eddiel with his driver and his car, yes, mayaman si Eddiel HAHAHA. Dumeretso kami sa isang mall na malapit sa campus namin.

Ng makarating na kami doon ay nagsimula na kaming maglibot-libot. Masaya kaming nagkwe-kwentuhan ni Eddiel habang si Lerouice ay nanatiling tahimik dahil hindi nya alam kung paano sya makiki-pagclose. Dumaan kami sa bookstore at doon nagkwentuhan. After that dumaan kami sa playstore ng mall (we spend almost 1 and a half hour playing) we play basketball, claw machines (nakakuha pa nga si Eddiel ng dalawang stuff stoy e' HAHAHA) and others pa. After that pumunta kami sa Jollibee and nilibre na nga kami ng food ni Eddiel.

Its been the best day ever since na magkita ulit kami ni Eddiel! Hinatid narin kami ni Eddiel sa kanya kanya naming bahay. Nagpasalamat ako at nagpaalam sakanya. Even after ng mga pangyayaring iyon ay di ko maiwasang maalala kung paano ko sya titigan kanina ng naglalaro kami. Parang wala namang nagbago sakanya. I dont know but suddenly all of the feelings i felt for him over the past years suddenly bloomed again! Is he the way for me to move on kay Lerouice? I cant use him, and id rather not to use him. I dont want to be the reason of others para umiyak nohh. At the end of the day friends lang kami yon yun. Same kay Lerouice. I cant change the fact that we cant be together even though were close na.

To be continue...

~|• THE RIBBON IN HER HAIR •|~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon