~|• Chapter 17 •|~

1 1 0
                                    

|• Stars in her eyes •|
Jericho

Right now im sitting in a bench near the garden in our campus. Iniisip ko parin yung sinabi ni Eddiel saakin. Di ba pumasok sa isip nya na maaring kasuklaman sya ni Cyphaine once na malaman nito ang plinaplano nya sa mahal nitong babae? Oo alam kong gusto nyang maghiganti, pero sa tamang paraan ba iyon? I dont think so.

Tumayo nalamang ako para bumalik ng room. Maya-maya pa habang naglalakad hawak ang phone ko at nagscro-scroll sa fb ay may nabangga ako.

"Ano bayan! Di kasi tumitingin sa dinaraan e'!" Saad ng babaeng nabangga ko. Ng makita ko ang itsura nito napansin kong si Phein pala ito.

"Nako, pasensya kana Phein i didnt mean to bumped into you" sabi ko, agad naman akong lumuhod para tulungan sya sa pag-aayos ng mga bagay na naihulog nya.

Ng matapos naming ayusin ang mga ito ay tumayo na kami, tinitigan balaman ako ng masama nitong maliit na babaeng ito. "Bulag kasi" mahinang sabi nito syaka nagpatuloy sa paglalakad palayo saakin. Napaharap ako sa direksyon nya, "a-ano?? Narinig ko yon pandak!" Sigaw ko dito.

Mukhang hindi ito natuwa ng tawagin ko itong pandak dahil humarap ito saakin kahit na nasa malayo na ito. Nagulat ako ng ibaba nya ang dala nyang gamit sa bench tapos lumapit saakin. Hinawakan nya ang kwelas ng uniporme ko syaka sinabing, "hoy ikaw mayabang na lalaki ka! Sinasabi ko sayo di mo gugustuhing galitin ako dahil badmood ako araw araw. Huwag mo kong subukan baka makahanap ka ng katapat mo! Naiintindihan mo?!" Duro nito saakin. Doon ko narelize na anlapit pala ng nga mukha naming dalawa...

"Naiintindihan mo ba?!" Muling tanong nito. "Oo, bitiwan mo nga ang kwelas ko" sabi ko, ng bitiwan na nya ito ay inayos ko ang kwelas ng aking uniporme. Nagpatuloy na ito sa paglalakad matapos nitong kuhanin ang mga gamit nya.

Mangha rin naman ako sa tapang ng bansot na iyon. Pinagtataka kolang ay bakit hindi nya na yata madalas na kasama sila Cyphaine? Nagaway kaya sila? Whatever, ayokong masama sa gulo lalo na kung kalaban ko ang war freak na babaeng iyon. Liit-liit pero kung manakit daig pa ang lalaki.

.....

(Recess time)

I was just minding my business ng biglang tabihan ako ng bwisit na pandak na nilalang na ito. Imbes nakakain nako napatigil tuloy ako.

"Ginagawa mo?" Tanong ko rito na parang unbothered pa.

"Kakain" pilosopong sagot nito.

"Thats not what i mean, ang tinatanong ko bakit ka nakaupo sa kinauupuan ko?" Pointing ko sakanya with a confused look.

"Uhmm, kasi di mo own ang upuan at table naito?" Sarkastikong sabi nito.

"Are you for real?"

"Ay hindi, im for fake" pang iinis nito.

"Lumipat ka nalang ng upuan mo marami namang bakante diyan e!" Sabi ko rito.

"Ayoko" maikling sabi nito.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Gusto mong malaman?!" Naiinis na sabi nito.

"Bahala ka nga" dahil doon ay wala nakong nagawa kung hindi ang kumain kasabay ng maliit na creature na ito.

"Ayoko kasing magisang kumain. Di na kasi saakin sumasabay si Aine" mahinang sabi nito pero narinig ko parin.

Nakita ko ang lungkot at walang ganang kumain sa mukha nito.

"Hindi naman sa nangengealam ako pero nag-away ba kayo?" Tanong ko dahil nacucurios din ako.

"Hindi ko alam. Basta bigla nalang syang umiiwas saakin... Nami-miss kona ang bestfriend ko" walang ganang sabi nito.

"Ayos lang yan"

"Anong ayos?! Palibhasa kasi wala kang friend dito" sabi nito sabay irap. Muntik nakong mapikon sa bwisit nato ha!

"Ikaw na nga tong kino-comfort ko iirapan mo pa ko" sabi ko sabay irap rin sakanya.

"Tanga di ganyan umirap" sabi nito syaka nagsimulang pagtawanan ako.

"Whatever, irap is not for me duhh" sabi ko rito. Patuloy parin ang pagtawa nito. Hindi ko alam kung maiinis bako o matutuwa kasi di na sya malungkot.

"Gusto mo turuan kitang umirap?" Pangaasar nito syaka sabay tawa.

"Ang pangit mong tumawa!" Pang aasar ko rito.

"Anong sabi mo?!" Kanina lang tawa sya ng tawa ngayon naman parang sinapian dahil sa inis nito.

"Sabi ko angpangit mong tumawa!" Lakas ko pa ng boses ko sabay tawa ko.

Habang tumatawa ako ibinuhos saakin ni Phein ang pagkaing yogurt na kinakain nya.

"Mas pangit kana ngayon!" Pangaasar nito syaka tumawa na.

"Ah, ganon pala ha?" Sabi ko syaka ko ibinato sakanya ang tinapay ng burger na kakainin ko.

"Ikaw!!" Naiiritang sabi nito, sumunod ay pinagbabato nya na saakin ang mga bagay na nakikita nyang pwedeng ibato, bilang depensa pinagbabato ko rin sya. Nagkakatuwaan na sana kami ng sitahin kami ng mga tindera sa canteen kaya napalabas kami.

Paglabas naming dalawa ay tahimik lang kami at di nagtitinginan.

"Ampangit mo" sabi ko para mabasag ang katahimikan.

"Mas pangit ka" saad naman nito.

Syaka sabay kaming nagsitawanan. Phein looks like may ka-humor HAHAHA. Habang tumatawa nga ako ay diko maiwasang tumingin sa mga mata ni Phein. It was shining like a diamond ewan ko ba HAHAHA pero gayunpaman tuloy lang kami sa pagtawa.

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 11 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

~|• THE RIBBON IN HER HAIR •|~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon