Chapter Four
"Now, who told you to go out without my permission?"
Hindi ako sumagot sa tinanong niya na iyon at nanatiling tahimik. Masyadong apektado pa rin ako sa nangyari sa akin kanina lamang. Idagdag pa 'yung nakakakaba niya na presensya, lalo akong hindi maka-function ng ayos.
She exasperatedly sighs, raking her fingers through her hair in frustration., "Didn't I tell you not to go without me? Did you forget about it already?! I told you all the rules last night before I drove you home!"
With a sudden bang, she slammed her hand against the steering wheel, na nagpatalon sa akin sa kinauupuan. I felt my heart race, the combination of her fury and my emotions making it hard to breathe. Tears brimmed in my eyes, spilling over as the trauma I thought I had pushed away resurfaced like an unwelcome tide.
"I–I texted you p-pero hindi ka nagre-reply kaya—" She scoffed, making me stop what I was going to say.
"So, you're saying it's my fault now?!" Sigaw nito na nagpatalon ulit sa akin sa kaba bago ako tuluyang humarap sa kaniya.
"Can you stop screaming?!" Umiiyak kong singhal. My voice was shaking as tears continued to fall. The overwhelming fear and frustration had finally boiled over, and I couldn't hold it in any longer. "I'm not even blaming you!"
Saglit na lumaki ang mata nito bago iyon mapalitan ng walang emosyon ang kaniyang mukha. Umiwas ito ng tingin before inhaling sharply, her jaw tightened and her gripped on the steering wheel.
After a few seconds para pakalmahin ang sarili niya, padabog siyang nagsimula na magmaneho. Katahimikan muli ang namayani sa amin. Hindi na rin ako nagsalita dahil hindi pa rin kumakalma ang kalooban ko dahil sa nangyari kanina.
Parang bumalik lahat ng masasamang nangyari sa akin noon, na naging dahilan din kung bakit nawalan kami ng nanay. It was too much to bear. Parang bumalik lahat ng sakit at takot na akala ko ay matagal ko nang naiwan. Yung kaba na naramdaman ko kanina—yung helplessness—parang ganito rin yung naramdaman ko nung araw na nawala si Mommy. Ang bilis ng tibok ng puso ko, I can't breathe. Ayoko nang maramdaman ulit 'to, pero eto na naman ako, in the middle of a situation where I can't control.
Lumingon ako sa kasama ko and saw that she's just quiet while driving, pero kita ko ang tensyon sa mukha niya. Her jaw was still clenched, pero wala na siyang sinasabi. Parang pareho kaming pilit na pinapakalma ang sarili namin sa gitna ng nararamdaman.
Hanggang sa nakarating kami sa mansion ay walang nagsasalita sa amin. Pinagmasdan ko ang pagpasok ng kotse nito matapos na pagbuksan ito ng gate ng mga guard na nandoon. Nang makaparada ito doon ay hindi ko na inantay ito na makababa para pagbuksan ako. Ako na ang nagbukas ng pinto nitong kotse after niya iyon i-unlock.
"Felicity—"
Hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa akin noong nasa loob pa siya ng kotse dahil agad ko rin sinarado iyon. Gusto ko na magpahinga sa dami ng nangyari ngayon. Kulang na kulang din ako sa tulog dahil sa aga ng pag alis namin kaninang umaga.
I just wanted to rest.
Nang makarating ako sa main door ng mansion ay nabungaran ko kaagad doon si Kuya, who's with his friends na nagawa ng project nila. He immediately take a look at my appearance bago nag aalalang in-excuse ang sarili sa mga kasama.
YOU ARE READING
Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)
RomanceEastwood University Series #4: Felicity Bryn Tuazon Felicity, a quiet and reserved student develops an unexpected bond with her austere but surprisingly humorous professor. However, as lectures unfold, so does a charming, witty side of th...