Chapter 9

561 33 20
                                    





Chapter Nine







It was Sunday afternoon at kasalukuyan akong nasa balkonahe ng aking kwarto. Nakaupo ako ngayon sa couch na nandito habang may hawak na libro. Nasa coffee table naman ang fruits na ni-request ko kay Manang kanina before ako pumunta dito para makapag chill after ng napakahaba na gabi kagabi. Halos 12am na ata nakauwi sila Dad habang ako ay 10pm pa lang ay nagpahatid na sa driver ni Dad. Hindi ko na kasi nakayanan ang antok at pagkabore sa kinauupuan namin kaya I sneakily went home.

Hindi na rin ako nakapag paalam sa professor na bodyguard ko kagabi dahil wala naman ito doon sa table namin nung dumating ang dalawa niyang kaibigan hanggang sa lumalim ang gabi. She's wandering around, talking to all business people here kahit na kita sa mata niya na hindi siya interesado.

FYI. I'm not watching her throughout the night. Napunta lang talaga 'yung mata ko sa kaniya dahil every turn, she's there. Kaya nga laking inis ko na lang ulit when I saw her talking to that woman again in her exquisite red dress that hugged her curves while smiling.

Tch.

Bigla na lang naman sumagi sa aking isipan kung may nagawa na ba akong activities na ipapasa bukas. As far as I am concerned, isa lang naman ata ang papasukan ko bukas which is sa ubod ng lamig, akala mo nakatira lagi sa freezer, na professor. Hindi muna kasi magtuturo 'yung remaining two sa hapon dahil next week namin na gagawin sa kanila ay prelims na.

Minor subjects lang naman sila so there's really no need to study this early since magagaling naman talaga ang magturo 'yung mga professors doon kaya naman naiintindihan ko lahat ng sinasabi nila at hindi lagi nagpapabigay ng activites na gagawin sa bahay.

Minor subject is minoring. Sana kayo din.

Anyways, wala ngayon dito si Dad since sinabi niya nga sa akin last time that he's taking time off from work. Nasa Puerto Galera ito ngayon to relax and hindi ko alam kung kailan siya babalik. Aside kasi from the fact that I want this house all by myself, he also deserves to be away muna to clear his mind. Being a lawyer and a doctor at the same time is not for the weak, I'm telling you. I was there when he got stressed after our mother died and the way it changed him, lalo na 'yung pakikitungo niya sa amin ni Kuya Ty. It hurts to see that as her daughter.

Si Kuya naman, he has his own condo unit sa Makati dahil ongoing na 'yung pinapatayo nitong bahay sa Dasmariñas. It started to be built last year pa and I think soon naman ay matatapos na iyon. It made me so proud of him dahil 'yung binibigay pala na pera ni Dad sa kaniya ay inipon niya to have his own house. Kasi ako, pinangbibili ko lang ng necessities tapos 'yung iba din naman ay naiipon ko din kaso agad din nauubos.

Magastos kasi ako lalo na pag kasama ko sila Marcus.

While reading the book na nasa library ni Mommy, na matagal na akong binigyan ng access ni Dad simula nung nalaman niyang I like to read books on my free time, nakarinig ako ng lagitnit ng sasakyan sa ibaba na ikinalingon ko doon.

I saw the familiar Lexus, making its way just in front of my room sa labas na ikinataka ko before manlaki ang mata.

"Hi, princess!" Malawak na ngiti ni Marcus na kakalabas lang galing sa passenger seat kasunod ni Kane na may maliit na ngiti sa labi.

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now