Chapter 8

596 39 4
                                    




Chapter Eight







Today is Tito Homer's birthday.

Kasalukuyan na akong nasa kwarto at inaayusan na nung na-hire ni Daddy na make up artist. Napapailing na nga lang ako kanina dahil talagang nag effort pa siya para sa ayos namin today. Kaya ko naman ayusan ang sarili ko pero dahil mapilit si Daddy at gusto kaming maging star of the night doon sa birthday party ng matanda na 'yon, naghanap pa siya ng make up artist

Dumating sila ng bandang 3pm dito kanina. Kakarating ko lang din noon from my Saturday class kaya inaantok pa ako ngayon. Tinatamad nga akong pumunta ngayon pero sayang naman kasi 'yung dress na hindi naman ako nagbayad.

Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto nang mayroon kumatok doon. The make-up artist stop what he's doing na sinuklian ko ng ngiti, "Come in."

Nakita ko ang pagsilip ng Kuya ko with a small smile on his face when he saw me. "You ready, princess?"

Napairap ako dahil sa tinawag nito bago mapatango. "I'll be downstairs in a minute."

"Okay," sabi nito bago muling isarado ang pinto. Tumingin ako sa nag aayos sa akin at muli nang pumikit para agad ng matapos ang pag aayos nito sa akin. Gusto ko na rin kasi talaga umuwi kahit nandito pa rin ako sa mansion.

After five minutes siguro ng pag aayos nito sa akin ay natapos na din. I quickly grabbed my purse while the stylist adjusted my dress if there were some crumpled parts on it.

Nang matapos sila ay tumingin ako sa full length mirror dito sa aking kwarto to take one last look sa aking ayos today bago tumingin sa aking mga kasama.

"Do I look good?" I said, smiling.

Nag thumbs up naman sila at ayan na naman sila sa mga puri nila na nagpapapula sa aking pisngi. Ayon na lang ata ang naririnig ko simula nung dumating sila dito sa mansion, puro puri nila ang naririnig ko sa kanila.

"Ay, Ma'am, kahit mag suot ka lang ng garbage bag e parang ikaw pa rin pinakamaganda doon," sabi nung nag make up sa akin na ikinatawa ko lang ng mahina.

"Thank you for today, Ricky." I said bago ako makipag beso dito.

Lumabas na ako after noon at bumaba para makapunta na kila Daddy at Kuya. They were conversing while standing doon sa may couch. Pinagmasdan ko silang dalawa at napansin na first time ata na magkaiba sila ng outfit today. Naka-black suit kasi si Kuya habang naka-white tuxedo si Dad. Kung titingnan mo sila ngayon ay para lamang silang kambal. Hindi nagkakalayo ang itsura nila ngayon. Sinasabi nga ng iba na carbon copy ni Dad si Kuya which is really true.

"There she is!" Nakangiting saad ni Dad when he saw me walking down the stairs. Parehas nila akong sinalubong while observing me with admiration in their eyes. "My beautiful youngest."

"You did not compliment me earlier, Dad. Magkamukha kaya tayo," napairap si Kuya na nagpatawa sa amin ni Dad. Tumingin sa akin si Kuya with a small smile on his face, "Gosh, my sister has grown up."

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya at hinampas siya ng mahina sa braso. "Ano ka ba, Kuya. Masyado kang madrama."

"I'm just being honest," he teased back, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa saya. "You look stunning, Felicity. Dad was right to hire the stylist."

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now