Chapter Seven
Kakatapos lang ng klase namin ngayon kay Miss Gomez sa RIPH. Hindi ko mapigilan na mag unat ng braso habang hawak pa rin ang ballpen na ginamit ko kanina para mag take notes habang nagtuturo siya sa nangyari sa Cavite Mutiny. Seems very intriguing habang nakikinig ako tapos nagsusulat. Everything na na-discuss ni Miss at ng mga kaklase ko ay super interesting. May muntik pa nga mag debate sa kung saan kanina habang ako ay tahimik lang silang pinagmamasdan.
I don't like to be involved in recitations and also debates dahil baka umiyak lang ako pag nagtanong ulit sila or pag sinigawan nila ako. Ayoko din kasi ng tinatanong ako ng ilang beses after kong sabihin 'yung takeaways ko sa lesson. It's tiring.
"Saan ka mag lunch?" Tanong sa akin ni Keith na nakatungo pa rin sa desk niya habang nakapikit. Isa pa 'tong babae na 'to. Hindi man lang nakita ni Miss Gomez na natutulog habang nagtuturo dahil nandito kami ngayon sa pinakalikod. Muntik na kasi kaming ma-late pareho kanina dahil sobrang traffic kanina. May naaksidente kasi doon sa main road kanina na nagpahuli sa amin. Buti na lang talaga ay laging 10 minutes late si Miss Gomez sa amin.
"Canteen lang." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit, "Sabay ka?"
Ngumuso ito, "Ang mahal naman kasi ng pagkain. Kakarampot na carbonara, 120 pesos. Bakit? Gold ba cheese nila?" Reklamo nito na nagpatawa sa akin ng mahina habang inaayos ang mga gamit. "Wala pa naman akong dinala na gawa ni Mama."
My brows raised because of surprise, "Why? Something happened to her?" Concern kong tanong na bigla niyang ikinailing.
"Wala naman. Na-late nga kasi ako ng gising kanina tapos nakalimutan ko pa." Saad nito bago siya muling tumungo sa kaniyang desk. "Dito na lang ako."
"No, you'll be coming with me." sabi ko bago isabit ang bag sa balikat. I looked at her, "Libre ko."
Lumiwanag ang mukha nito kasabay ng biglang pagtayo nito. Akmang magsasalita na siya when Linus butted in with his nerdy face while holding his favorite toy; rubik's cube.
"Sama sa libre." He said at nagtaas baba ang kilay ko bago kami akbayan pareho ni Keith.
Tumaas ang kilay nitong isa, "Nandito ka pala?"
"Yes, Madam," tumingin ulit sa akin si Linus, "Sama ako tapos libre mo din ako."
Inis kong tinanggal ang akbay nito sa akin kaya natira ang pagkakaakbay nito kay Keith na nabibigatan ata sa braso ni Linus. "Hoy, anak ka ng gobernador. Kung mang buraot ka, akala mo may siyam na anak. Ikaw dapat ang manglibre!"
Ngumuso ito, "I don't have my card today. Kinuha ni Dad."
"Doesn't mean na wala kang cash. Tigilan mo kami," irap ko bago ko ayain na si Keith, na nilabas pa ang dila para asarin si Linus.
"Kakabili mo 'yan ng rubik's cube, my dear friend." Asar pa nito habang nagpapatangay sa akin palabas ng aming classroom. Nakangiti lang naman kaming naglalakad tatlo while discussing some things about our next subject which is kay Miss Costales na nga.
May recitation kasi sa kaniya ngayong araw dahil kahapon ay nag make-up classes kami for that day na ni-cancel niya ang klase. May meeting daw kasi ito in their company kaya bigla niyang pina-cancel ang klase last week. Kinakabahan nga ako dahil nakalimutan ko magbasa kagabi kasi late na rin kami nakauwi.
YOU ARE READING
Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)
RomanceEastwood University Series #4: Felicity Bryn Tuazon Felicity, a quiet and reserved student develops an unexpected bond with her austere but surprisingly humorous professor. However, as lectures unfold, so does a charming, witty side of th...