Chapter 11

752 39 9
                                    





Chapter Eleven







"Five, six, seven, eight—pause, twist, smile. Now, turn."

I spun on cue, catching myself with a light bounce. For a second, I caught a glimpse of myself at the edge of the stage, and for the first time, I almost looked like I belonged up there, shining and confident.

Nandito kami ngayon sa gymnasium ng university, practicing for our intermission number sa gaganapin na pageant in two weeks for the annual anniversary ng Eastwood. Nagsimula kami mag practice ng bandang 3pm, right after matapos ng aming klase sa PATHFIT and now it's currently 5:30pm. Ang tapos ata namin dito ay 8pm pa.

I'm currently wearing a high heels para masanay 'yung paa ko sa paggamit. It's been a long time since I used high heels so medyo kinakapa ko pa 'yung paggamit. Kahit kasi sa intermission number nakasuot talaga ng ganito or maybe throughout the night of the coronation, I'm wearing high heels.

Kahit nakakapagod, I kept my focus. I could already feel the strain in my calves, pero pinilit ko pa rin dahil ayokong maging dahilan ng pagka-delay ng practice namin. Our choreographer, Sir Daniel, was strict but encouraging, making sure we nailed every step and expression.

"Good, nice form, keep that smile going!" he called out, clapping his hands in rhythm with the music.

Nagpatuloy lang iyon hanggang sa natapos namin ang isang pasada before he tell us to give ourselves a break from practicing. Hinihingal akong pumunta sa bleachers to get my tumbler na katabi lang ng bag ko. Nahihiwalay 'yung bag ko kasi nandoon 'yung sa kanila sa table na mahaba doon para ilagay ang bag nila. Na-late kasi ako ng dating at nung dumating ako ay nag wa-warm up na sila. Hindi ko alam ang gagawin kanina nung dumating ako kaya dali dali kong nilagay ang bag at tumbler sa bleachers.

Pagbukas ko ng aking tumbler ay nagulat na lang ako nang wala ng laman iyon. Nanlulumo akong tiningnan iyon bago mapahagod ng buhok patalikod dahil sa inis at frustration na nararamdaman. Pesteng, Keith. Wala ba silang tubig sa bahay at hindi siya makapagdala ng sarili niyang tubig?

Nakasimangot akong tumingin sa banda ng mga katulad kong kasali sa iba't ibang department. Hihingi sana ako pero hindi ko naman sila ka-close para humingi ako sa kanila. Nakakahiya din dahil mga higher year 'yung nandito, ako lang ata ang nag iisang first year, kami pala ni Linus.

Speaking of that guy, where is he?

Kanina pa kasi nila pahinga dahil kami lang muna ng mga female candidates ang nag practice after nila. Nasa unahan na lahat ng mga kalaban nito kaya hinanap ko siya doon. Nakatayo itong nakikinig kay sa nagtuturo, seryoso naman siya kaya hindi ko mapigilan na mapangisi before lumapit sa stage. May serious moments din pala itong lalaki na 'to kahit minsan.

Nakita nito ang paglapit ko kaya tumaas ang kilay nito, alam siguro na siya ang pakay ko. I mouthed water to him kaya nginuso nito ang bag nitong nasa table. Tumango ako at pumunta doon. Paglapit ko sa table, I found Linus's water bottle, but as I was about to grab it, he suddenly appeared beside me, smirking.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now