Habang pinapakain ko si Lilyana, napansin kong tahimik ang buong bahay. Usually kasi maingay si Lilyana habang kumakain, pero ngayon ay tahimik syang nakatingin sa akin.Sa gilid ng table, nakita kong umilaw ang phone ko. May bagong message. Dali-dali kong kinuha at nakita ang pangalan ni Rose Santos. Who is she?
Kinakabahan akong buksan ang message.
@rose_santos
Ate, anak ako ni Nanay Bella, ate... wala na po si Nanay.Hindi pwede...
Pakiramdam ko'y tumigil ang oras. Hindi ko alam kung paano na huminga. Ilang beses kong binasa ang message, umaasang mali lang ang nakita ko pero hindi.
Ang kamay ko, na kanina'y malakas na may hawak na kutsara ay bigla na lang nanginig. Hindi ko kayang itago ang sakit.
Lilyana noticed my shaking and she looked up at me with her big curious eyes. Pinilit kong ngumiti, kahit na ang puso ko ay parang binibiyak.
"O-Okay lang si Mommy, baby," mahina kong sabi habang sinusubuan sya ng kaunting pagkain.
Pagkatapos kong pakainin si Lily, sinubukan kong mag-focus sa dapat gawin kahit na parang mababaliw na ako sa pag-overthink. Agad akong nag-impake ng mga damit naming dalawa.
Hindi ako sigurado kung gaano katagal kami mags-stay sa Bohol, pero alam kong kailangan kong pumunta.
Napatigil ako saglit sa pag-iimpake dahil sunod-sunod na tumutulo ang luha ko sa mga damit at bigla nalang akong nanghina, kaya napahawak ako sa maletang nasa harapan ko.
Kailangan kong maging malakas kahit sa harapan nalang muna ni Lily, dahil pakiramdam ko'y alam nya ang nararamdaman ko ngayon.
I took Lilyana's black dress from the closet and my white polo shirt as well as my black trousers. Ngayon ko pa lang sinuotan ng kulay itim na dress sa isang taon nya na dito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga salitang binigay ni Rose.
Kinuha ko din ang black strap heels ko sa shoe storage at ang sandals ni Lilyana na regalo sa kanya ni Rick.
Kinuha ko na si Lilyana pagkatapos bihisan at dinala sya sa kotse.
Mabilis na ang mga sumunod na oras—nag-book ng ticket, nagpunta sa airport, at naghintay ng flight. Tahimik si Lilyana, pero paminsan-minsan ay bumubulong sya ng "Mama" o "Dada," na lalo lang nagpabigat sa pakiramdam ko.
Gusto kong itext si Rick pero alam kong hindi ko kayang sabihin ang lahat ng ito sa chat lang. Masakit pa rin para sa akin.
Nang makarating kami sa Bohol, agad akong nakaramdam ng bigat sa dibdib.
Hindi ko kilala si Rose pero mukhang sya na yata ang nakatayo sa waiting area, dahil nakikita ko sa kanya si Nanay Bella— she's like a teenage version of Nanay Bella.
"Rose?" lumapit ako sa kanya at tama ako ng hinala.
"Ate," hinila ko sya sa isang yakap upang pakalmahin kahit ako ay nahihirapan na din. "w-wala na si Nanay... hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Shh, it's okay. You're not alone, I'm here, Nanay Bella never left me when I was alone and I will make you feel that you're not alone either."
Kumalas sya sa yakap para puntahan na si Nanay Bella, habang palapit ng papalapit ang byahe ay lalong sumisikip ang dibdib ko na hindi ko man lang kayang mailabas ang sakit nito.
Tahimik si Lilyana habang nakatitig sa paligid naming mga nagbubulungan tungkol sa'min.
May mga compliment akong narinig, mga tungkol sa'min ni Nanay Bella, madalas nya siguro akong ikwento sa kanila, pero hindi ko sila kayang pansinin, ang puso ko'y puno ng takot, kaba, at sakit.
When I saw Nanay Bella, she was lying down, peaceful but very quiet. My steps towards her coffin were heavy, Rose took Lilyana from me first. My daughter seemed to know what was going on.
"Nanay Bella,"mahina kong sabi at bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko nang makalapit ako sa kanya. "Nandito ako, oh... s-sabi mo... sabi mo, hindi mo ako iiwan. Nanay Bella, angdaya mo..."
"Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan dahil hindi magandang dulot yan para sa baby mo. Wag mo ng isipin yon, nandito naman ang Nanay Bella. Kakampi mo ako palagi."
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at sinusubukang hindi tumulo yon sa salamin nya.
"Hindi ka pumunta nung nanganak ako kay Lilyana... she's here and you're not. Nagsinungaling ka sa'kin... you said you were just there and you... you lied," basag na ang boses ko pero pinipilit ko pa ding ituloy ang mga sasabihin ko. "Nanay Bella, I... I need you... we need you."
Napatingin ako sa sahig, hirap na hirap na akong magsalita, anghirap na bigkasin ng mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.
Isa sa mga kapitbahay ni Nanay Bella ay lumapit sa'kin, umiiyak rin pero mas piniling patahanin ako. Pinaharap ako sa kanya at hinaplos nya ang aking likod nang yakapin nya ako.
Hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod kong mga hikbi, halos mabasa na ang damit ng kasing-edad ko lang sigurong babaeng nakayakap sa'kin dahil sa mga luha ko.
"Why?... w-why her? Why?" paulit-ulit kong sambit.
Ilang oras ang lumipas ay tumahan na ako at naupo sa tabi ni Rose, habang tulala na nakatingin sa malaking frame ni Nanay Bella.
Nakasandal ang ulo ko kay Rose, nakatulog na si Lilyana sa mga bisig ko at ang mga mata ko'y namumugto pa rin.
"Nag-uusap pa kami ni Nanay nung nakaraang gabi... tinanong nya pa ako kung kaya kong mabuhay ng wala sya at sinabi kong hindi ko kayang wala sya. Akala ko maayos lang ang kalagayan nya dahil malakas naman sya," kwento nya sa'kin. Mahina lang ang boses nya, sakto na para marinig ko. "Walang nakakaaalam na may Niemann-Pick disease si Nanay... tinago nya sa'kin... sa lahat."
Nakinig lang ako sa kanya dahil gusto kong marinig ang tungkol kay Nanay Bella nung wala ako.
"Bago sya matulog, sinabi nya sa'kin na gusto nya ng magpahinga, inaantok na sya, at pagod na sya... hinayaan ko syang matulog kasi akala ko matutulog lang talaga sya," tumawa sya, tawang nasasaktan. "s-sana pala hindi ko na muna sya pinayagang matulog... hindi ko alam na yon na ang huling maririnig ko ang boses ni Nanay," nabasag ang boses nya, niyakap ko sya at hinaplos ang kanyang likod. "kasalanan ko kung bakit nawala si Nanay, ate."
"It's not your fault, Rose... don't blame yourself, thank you... thank you dahil nandyan ka sa tabi ni Nanay Bella noong wala ako, noong kailangan nya ng makakausap."
My phone rang because Rick was calling so I pulled away from the hug but instead of answering it I turned off my phone. I want to stay here with Lily and Rose.
Just the three of us.
Minsan ko lang makasama ang nag-iisang anak ni Nanay Bella kaya susulitin ko na.
Pinunasan na ni Rose ang mga luha nya at kinuha nya muna sa'kin si Lilyana dahil gising na ito. Angbilis nyang makuha ang loob ni Lilyana dahil hindi ko na sya kailangan pang pilitin na sumama kay Rose.
Tumitig akong muli sa frame ni Nanay Bella at umalis na ang lahat kaya ako nalang ang natira.
"Lei..." isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod.
YOU ARE READING
A Safe Haven
Teen FictionIn a world where love is often overshadowed by neglect, Leilani Faith Ortega, a resilient teenager, grapples with the pain of growing up without parental care. Abandoned by those who were supposed to protect her, she navigates the harsh realities of...