Dong Wook's POV
"Dong Wook!" sigaw ng lalaki sakin. Nilingon ko at yung doctor ko lang pala sa ospital.
"Wag mo ko papangunahan sa gusto kong gawin." panguna ko.
"Amytal Sodium is the one injecting to a person who's lying."
"Mukha ba'kong nagsisinungaling?!"
"Molla. (I don't know) Let us try."
Napapilit nya 'ko, dinala nya 'ko sa condo nya, pinahiga.
"Tuturukan na kita.." panimula nya, naramdaman ko ng tumusok sa katawan ko yung syringe.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Many years have passed. Laging minamaltrato ni papa si mama. Hanggang sa isang araw, hindi ko kinaya yung pamamaltrato ni papa dahil pati si Seung Hyun dinadamay na rin. Naisipan kong labanan sya.."
Flashback
"Bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ni mama.
Nakita kong inaawat na din sya ni Seung Hyun nang bigla nya itong sinuntok kaya't dumugo ang ilong nito't napatumba.
Hindi kinaya ng konsensya ko na panoorin lang sila kaya inawat ko si papa.
Sanay na 'kong ginaganito kami ni papa simula ng namatay kasi yung totoong tatay namin, nahulog sa iba si mama at sa maling tao.
Mayaman kami. Kami ang pinakamayaman sa lugar namin.
Pero yung yaman na yun, inabuso. Kaya unti unting nawala, parang bula.
Yung pinaghirapan ng totoo naming tatay, naglaho sa isang kurap dahil sa sugal.
Habang hinahayaan kong ako ang saktan ni papa, naisip ko kailangan kong lumaban.
Tinulak ko si papa, napatumba sya kay Seung Hyun at dun ko nalaman na may hawak pala syang kutsilyo.
Dugo.
Nakita ni mama yun.
"Pag may nagpuntang pulis, sabihin mo ako ang pumatay. I'll spare my 2 years of life in prison." aakuin ko na 'to. "Eto. May finger print si Seung Hyun d'yan. Itago mo yan."
"Run." malumanay na sabi ni mama pero gulat parin ang mukha nya. "Sabi ko alis na!!"
Pinasan ko sa likod ko si Seung Hyun at tumakbo.
Ibinaba ko sya at tinadyak-tadyakan. "Hindi ka ba marunong lumaban ha? Kita mo na?"sabi ko habang patuloy syang pinagtatadyakan.
End of flashback.
"Pero yung inakala kong dalawang taon sa kulungan, inabot ng sunod sunod. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ng mga pulis, patong patong na daw yung kaso ko at mismong si mama ang nagsampa." habang sinasabi ko yung tumutulo pa rin yung luha ko. Tumayo ako. "Mauna na 'ko." sabi ko. Hinayaan nya nalang ako.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap kay Top nang may nasaksihan akong insidente.
Lumiko bigla yung sasakyan tapos nahagip sya ng malaking truck. Lalapitan ko sana nang nakita kong bumukas yung pintuan nung kotse, kotseng may pamilyar na plaka. Nagulat ako nang makita ko si Seung Hyun na bumagsak sa lupa. May tinuturo sya na parang gusto nyang hawakan. Maya maya dumating na yung rescue.
BINABASA MO ANG
The YG Entertainment.
FanfictionFriendship or love? What do I choose? What may I lose?