3

401 19 4
                                    

Nakausap na namin yung Teddy Bear, este Teddy Park pala.

Sinamahan kami ng bigbang sa company nila.

Sabi nung Yang Goon na may-ari ng YG ENT. slash may-ari ng school na pinapasukan kong school, we can start recording our songs na daw bukas.

Kanina kasi pinasample kami, as I was expecting, naelibs naman sila saken.

Top's POV

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na si Bom sa Korea.

Nung nakita ko sya kanina, nawala yung Top na pinapakita ko sa publiko. Yung Top na cold walang ekspresyong pinapahiwating yung mata, kinakatakutan ng marami, laging napapaaway, alam nyo yun? Parang she's always bringing out the best in me.

And hey, member na sila ng YG. Di kami magkakahiwalay nitooooo :D Raknaitu XD

⇨CL's POV⇦

Annyeong, chingus.

My name is Lee Chae Rin :)

Sapat na yan para makilala moko.

Grabe, di parin ako makapaniwalang member na kami ng YG. \m/ Thanks to Bom, di kami nagkamaling kinaibigan namin sya. Di namam sa ginagamit namin sya for fame.

Kasi ganitooooo,

Flashback, nung first day of school kahapon.

"Dara!" tawag ko kay Dara.

"Ow?" sagot nya.

"Oy Minzy, Dara! Tignan nyo yung girl oh. Ang ganda nya. Diba?" sabi ko sakanila. Si Bom ang tinutukoy ko.

"Kyaaaah!~ Ang cute nyaaaa. I wanna be her frieeeend ^_____^ tara lapitan nateeeen!" sabi ni minzy.

"Oo, tara. Mukhang bigo e. Haha! Hinahanap ata ang GC, wala pa syang ID e." sabi ni Dara.

End of flashback.

So ayun nga, nilapitan na namin si Bom nun. At natawa kami sa ekspresyon nya.

When Dara asked her kung sya si Bomeng ni Top. Alam ko sya yun kasi nagpakita si Top saken ng picture nila ni Bomeng.

Ang ikinatataka ko, bakit sinabi ni Dars na hindi kami gaano ka close sa BB eh magkakaibigan kami since 1st year. Pero hayaan na natin.

So ayun nga, kutob ko na sya na nga yun.

Flashback (almost 2 years ago. 2nd year high school kami.)

"Top, bakit ang sungit sungit mo?" tanong ko kay Top, nag'glare lang sya sakin. "Top naman tinatanong ng maayos e!" dagdag ko.

Tumingin sya ng seryoso saken at nagpakita ng picture.

"Ako yan, kasama ang mahal ko. 5 years old kami nyan. Ang ganda nya diba? Yan si Bomeng. She's Park Bom. Iniwan nya ko, umuwi sya ng pilipinas. Pero sya parin ang mahal ko. Hindi ko hinangad na magkaroon ng girlfriend kasi alam kong babalik sya dito. Sabi nya saglit lang sya dun. Nangako sya. Alam mo kung bakit ko sinasabi sayo 'to?," tanong nya at umoo ako. "Kasi gusto ko kapag nakita nyo sya gusto kong maging kaibigan nyo sya. Alam ko pag nakita nyo sya, pati kayo magagandahan sakanya. Di naman sa pagmamayabang ha? Alam mo ba CL, sya lang nakakaintindi sa ugali kong to. Kaibigan ng parents ko ang parents nya. Gusto nya ko maging kaibigan nun kasi napapansin nyang hindi ako palakaibigan. Kahit nirereject ko sya kinukulit parin nya ako at ayun naging kaibigan kami. As time goes by, nagkakacrush ako sakanya nun bata pa kami. Tapos ngayon, mahal ko na sya." sabi nya.

The YG Entertainment.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon