Chapter 31

254 8 3
                                    

One week later...

Nakaupo ako sa may kama ko sa aking kwarto, kamay nasa noo at yung isa,hawak ang isang papel. Gulong gulo na ako! Nag-investigate ako. 

Nalaman kong, galing si Daniel sa school ko, ka-year ko pa at says here na CLASSMATE KO. So paano na hindi ko siya kilala pero super familiar ang mukha? Hindi naman ito coincidence noh? 

Ibinaba ko ang papel.. Ano na ba ang susunod kong gagawin? 

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG

Kinuha ko yung phone ko sa side tabel, text message. Galing kay Marco.

Sama ka please later, SM tayo. :-)

Nagreply naman ako..

Sige.

Pick up kita later, mga 5!

Binaba ko na yung phone.. 3 pa lang ng hapon. BOREDOM! 

Sino ba muna pwedeng makasamang tumambay? Gusto ko sanang tawagan yung EX-BESTFRIEND ko, nalimutan na niya ako nung nag 7 months na sila ng boyfriend niya. Okay lang sana kung dahil sa Amnesia ehhh, kaso hindi. Sinasadya. 

Nag scroll ako sa phone ko..

Mama

Marco

Papa

Peter

Sarah

Bea

Daniel

Nakita ko name niya. DANIEL. Itext ko kaya? O wag na? Baka awkward kasi ehh. 

Bago pa naman ako makaisip ng maayos. Tinext ko na siya.

PST. 

Yup?

Hi Daniel. Uhmm, pwede ka now? Until 5 lang naman. :)

Sure,sure. Be there in 10 minutes.

OKAY.OKAY, okay daw sa kanya. WAIT! Paano niya naman nalaman kung saan ako nakatira? Sinabi rin kaya ni Marco o yung ewan na naiiisip ko. Aghh! Ang gulo lang talaga. 

10 minutes na ang lumipas. Andito na siya. 

Nag-ayos ako at lumabas ng bahay, andoon siya. 

"Hi Daniel" sabi ko habang palabas

"Hi Kathryn"

Ang gwapo pala niya lalo na sa malapitan.. Hindi ko matanggal sa isip ko lahat ng nakita or nararamdaman ko na mali. 

"Hoy!" sabi ni daniel habang ako'y nakatulala na pala.

Nagsimula na akong maglakad papuntang park,sumunod naman si Daniel. Para mawala ang awkwardness na silence sa amin. Nagsalita na ako,

"Paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira?"

"ahhh. Nasabi sa akin ni Marco noon."

"okaay. Uhm, ehh-"

"ehh ano?" sabi ni Daniel.

"Wag na, baka nainis ka lang ehh." habang naglakad ako ng mas mabilis

"Ano nga!" Natawa si Daniel.

"Bakit ka tumatawa?"

"Ang cute mo eh. HAHA"

"Ano kasi, bakit classmates tayo noon pero hindi kita maalala." sabi ko, hindi ako makatingin sa kanya.

Ang tagal bago makasagot si Daniel.

"Uhm, hindi kasi tayo close noon. Lagi ko kasi kasama mga tropa ko."

"Ahh,okay."

Napatingin ako sa watch ko, malapit na pala mag 5!

"Sige, Daniel. Uwi na muna ako. May pupuntahan pa mamaya ehh." Hindi ko na hinintay sumagot si Daniel,umalis na ako.

Pagkadating ko sa bahay, si Marco nasa may pinto na.

"Oh,Marco bakit andito ka na?"

"Kamusta naman ang pag hang out kay Daniel?" Tanong niya na parang nainis o selos. 

"Date? Di noh. Kinausap ko lang." sabi ko naman habang palapit siya sa akin.

"Ano,alis na tayo?"

Change topic talaga si Marco.. "Sige"

 Author's Note

UPDATED FINALLY! Super sorry talaga sa mga naghintay pa ng matagal. :( about 4 chapters na lang, ending na nito :( may mga suggestions kayo for a new story? message me! :) love you guys! Thanks sa walang sawang pagbabasa :') alam ko kasing hindi ako ganoon kagaling. HAHA. READ.VOTE.SHARE.FOLLOW and talk to me! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon