Chapter 10 (September)

687 12 0
                                    

September na,bilis ng panahon noh? Mas naging close pa kami ni Daniel. Parang magkapatid lang.

Eh kasi naman si Tifanny,nagka bf na nga at kinalimutan na ako,pero masaya naman ako para sa kanya kasi may serious relationship na siya.

2 months pa lang sila pero happy naman,at mabait naman yung lalaki eh.

Si daniel naman, masaya. Minsan dun ako sa bahay nila,hang out lang kasama ng kapatid niya.

"Pwede bang i-invite mo naman ako sa bahay nyo!" Sabi niya

"Bakit naman?"

"Andito ka lagi sa amin pero hindi pa ako nakapunta sa inyo"

"Nakapunta ka na kaya! Nung sinundo mo ako?" biro ko

"Hindi,yung loob kasi"

"Ahh,o sige"

"Talaga ha?"

"Mamaya"

Lumipas naman ang oras, 7 na ng gabi.

"Ma! May bisita po ako"

"Sino yun?"

"Si Daniel po" nasa kitchen si mama,nagluluto siguro.

"Si papa asaan?" tanong ko

"Pauwi na yun"

Pinaupo ko na muna si Daniel,para makatulong naman ako kay mama.

Biglang may narinig ako sa may pinto,si papa siguro

"Good evening po sir" sabi ni daniel

si papa naman,mukhang confused,isa lang iniisip niyan,kung BF ko ba si daniel.

Hindi sumagot si papa kay daniel,diretso kitchen na lang siya.

"Kainan na!" sabi ni mama

nilapitan ko si daniel,para hindi siya papasok ng kitchen mag isa.

pinaupo ko siya sa tabi ko.

Bigla ang tahimik naman,walang nagsasalita. dapat may sasabihin na ako ng biglang nagsalita

si papa.

"Isang tanong,isang sagot" sabi ni papa,nakatingin siya kay daniel

"Nililigawan mo ba anak ko?"

"Pa naman"

"Wag ka maingay kathryn,gusto ko siya ang sumagot"

"Hindi po sir,kaibigan lang po"

Hindi na umimik si papa,kumain na lang siya.

Pagkatapos naman nun,pinauwi ko na si Daniel.

"Ingat ka ha" sabi ko

"Pwedeng hug?" tanong ni daniel

"May nakatingin eh"

Tumingin si daniel sa left side niya,tapos sa right.

"Wala naman ah" sabi niya

"Tingin sa taas" sabi ko. Tinignan niya yung window ng room nila papa. Andun si papa at mama,naka spy. Yun naman lagi nilang ginagawa pag may pinapakilala akong lalaki eh.

kumaway si Daniel sa kanila tapos napatawa ako.

"Strict kasi parents ko" sabi ko

"Oh,sige bye na lang"

Nung paalis na siya,tumigil naman siya ulit.

"Flying kiss pwede?" Tanong niya

"Che!umuwi ka na!"

Wala siyang nagawa kundi umuwi. Pumasok na rin ako.

Pagkapasok ko naman,si mama nakatingin sa akin na parang kinikilig,si papa naman seryoso.

"Kayo ba?" Tanong ni mama ng nakasmile

"Kayo ba?" Tanong rin ni papa,pero galit

"Ma,pa.. Wala po akong BF"

"Goodnight na po" sabi ko habang paakyat sa 2nd floor.

2 am

*RRRRIIIIIINNGGGGG*

Ano ba yan,may tumatawag ng ganitong oras,may pasok na bukas eh.

"Hello?" Tanong ko habang unti unti na ako ulit nakakatulog.

"Goodnight" sabi ng isang lalaki

"Daniel?"

"Yup"

" Aga aga,tumatawag ka pa"

"Gusto ko lang mag goodnight sayo" sabi niya

"Goodnight rin,sige tulog na ako ulit" binabaan ko na siya

syempre,antok na antok pa ako noh!

*RRRRRIIIIINNGGGGGGG*

ang kulit ni Daniel! ano nanaman ba gusto nun sabihin!

sinagot ko yung phone,

"Daniel,matulog ka na!"

"Friend! I need you" si best?

"Bakit ka umiiyak?"

"Basta,pwede kang pumunta dito now?"

"Try ko" tapos binaba na niya

ano nangyari dun? baka dahil sa BF? Lagot talaga yung lalaki na yun sa akin.

******************************

Author's Note: 250 readers whooooo! :) thank you :* sorry late upload,nag enroll ako eh :)

Gawin nating 300? :P HAHAHA. :) thanks sa support ah! :)

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon