Chapter 22 (March)

513 8 2
                                    

(Kapag nakita mong nakikipaglandian ang mahal mo sa iba,sabihin mo 'toh : "Ano ka ba? Malaki ka na naglalaro ka pa rin ng basura.")

HAHAHA,wala lang. Natawa ako ehh. Bakit? Kasi ganyan ang nangyayari sa akin </3

Oo,nakikipaglandian siya! Eh baka break na kasi sila ng GF niya? hindi ko na lang itatanong kasi baka sabihin pa ng mga tao, 'STALKER' much ako..

Malapit na mag end ang school year :( :) 1 week na lang recognition day na namin. Nasa top 7 lang ako ng class this year,okay lang naman pero syempre mas maganda pag mas mataas kasi proud ang parents mo..

Si erick naman naka third honorable mention,galing talaga ni espren! (bestfriend)

Si best naman (tifanny),wala sa top! ano ba naman kasi,lalaki inatupag. nakoo! di joke. masaya naman siya eh,so i'm happy for her. :)

Si daniel naman naka top 10 pa. yun lang masasabi ko. BITTER! HAHAHA

--

Si best nag gm.

Hi,good morning people! Otw to school na :D

"The best feeling in the world is knowing that you actually

mean something to someone"

patama sa isa diyan ;) joke!

sige na,babush! :*

G.M.

alam kong ako nanaman ang tinatamaan nito! edi nagreply ako, "BITTER na kung BITTER! oo na,forever alone ako!"

"joke lang friend! ;) mahahanap mo rin siya!" text naman niya

"sana! :( :)"

Ayun yung gusto ko sa bestfriend ko ehh,magkatampuhan man kami okay na lahat sa isang text :)

sige na nga punta na ako sa school :)

pero tinext ko muna si erick, "HOY! espren,ballpen ko ah :)"

Dinala ko na yung phone ko kasi pwede naman daw eh. Practice lang daw kami para sa program. Can you believe it? Senior na ako next year!

Pinaka ayaw ko sa junior life ko eh yung GEOMETRY,kunyari "what is the length of a square if it's width is 10 times it's height. The perimeter is 52"

NAKOO! Sabog ulo ko diyan :(

--

Pagkapasok ko naman ng school,nilapitan ako ni daniel. "Hi. I miss you"

"Ahh,o sige"

"Sabi ko,i miss you!" naka pout na siya ahh.

"oo nga!" napasigaw ako. Tumingin ako sa may likuran ko,lahat sila nakatitig na sa akin.

"bakit ka ganyan?" tanong niya

"Ano ba daniel! Lagi mo na lang tinatanong kung ano problema ko,ang manhid mo naman!

Sa lahat ng araw na nakatingin lang ako sayo,sa lahat ng oras na inuubos ko sa kakadrawing sa pangalan mo,sa lahat ng minuto na ikaw lang ang nasa isip ko. tapos makikipag PBB teens ka sa ibang girls? Bakit hindi ako na lang? Bakit hindi tayo na lang? Mahirap ba yun? Pero hindi,ganun talaga ang fate. MANHID!"

Tapos lumayo na ako. It feels good na masabi lahat yun,pero hindi pa ata dapat ito yung oras eh,mali ata timing ko.

Marami sa atin ang nagsasabi na ang crush ay paghanga lang (isa ako dun). Tama rin naman kasi na paghanga lang ito, ngunit may isa pa itong meaning anu nga ba ito? at yun ang tinatawag na Love. Sabi nga ng iba (hindi ako sila) Crush ang nagpapakilig sa mga single. Meron pa, ang babae kahit ilang ulit nilang sibihin na ayaw nila mag boyfriend ... lusaw ang salitang ayaw pag si crush ang nanligaw. Harot nu? anyway, sa paaralan madalas nagsisimula yan. Sa totoo lang ang karamihan sa mga crush crush na yan nagsisimula dahil sa isang simple pero may impact na asar na nauuwi sa pagkakaroon ng pagibig. Sasabihin nila "oy oy oy! crush ni ano si ano!" sabay banat ng "AYIEEEE!" kilig kilig ka naman, kulang lang sa ligo yan kaya ka kinikilig. Yung iba naman nakikiuso lang. Marinig lang nila yung mga katagang Crush, love, pagibig, at iba pa, gagayahin na nila kaagad. Okay lang ang crush, pero hindi okay yung magkakaroon ka na ng

responsibilidad. Nakakahiya kaya yung sasabihin na nakabuntis si ganito ganun ganun. Kaya kung medyo bata ka pa crush lang muna, wag yung nakikipagtalbugan ka na sa iba dyan. Wag din malandi, andaming nasisirang pamilya dahil sa sobrang pagpaparamdam ng damdamin. May good and bad effects din ang pagkakaroon ng puppy love, good dahil naiinspire ka at nagpu-pursigi ka sa isang bagay tulad ng pag aaral. Bad dahil nagkakasala ka na, pinag hirapan mo yung assignment tapos sinabihan ka lang ni crush na pakopya, pinakopya muna. Syempre dapat ilagay din natin sa lugar, hindi ba?

Nakakabuti ang pagkakaroon ng crush, pero dapat din natin itong ilagay sa lugar para hindi tayo nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Nalaman mo na crush ka niya, at crush mo rin siya anu na? kayo na! yung isa na ang tanga. Tanga dahil umiiyak at nasasaktan dahil hindi siya napansin ng kanyang mahal.

Gusto ko makausap si erick,ang galing nun pagdating sa advice.

Pero pagdating ko naman sa classroom,wala siya.. Absent nanaman? Napansin ko na halos everyday siya absent.

"Ma'am asaan po si erick?"

"May sakit daw ehh"

"Ahh"

wawa naman si erick. Puntahan ko kaya?

May natanggap akong text bigla.

"paiwan ka mamya sa school,hintayin mo ako sa may gym"

from: UNKOWN NUMBER

----

SORRY talaga! ang tagal kong hindi nakapag update :( well eto na! busy kasi sobra :) kamusta NCAE ng mga third years? :D

sana nagustuhan niyo! tsaka salamat pala sa maraming readers :"> na miss ko toh!!! :>

&quot;The Bad Boy Met Me&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon