Chapter 9 (Visit)

734 12 1
                                    

Iba si daniel ah,tagal niyang hindi pumasok, teka teka,

Bakit ko ba siya hinahanap?bakit gusto ko siyang makita? Crush nanaman ba toh?

Hindi naman ako manhid eh,kaya alam kong parang crush na rin toh.

Hindi pwede,pipigilan ko na lang! Hindi ako pwedeng ma fall ulit kasi alam kong ako nanaman ang masasaktan.

"Hello?" pumunta ako sa bahay nila Daniel,para alam ko naman kung ano na nangyari dun.

May bumukas ng pinto,si Daniel. Okay naman itsura niya,wala namang sakit.

"Miss mo ako agad?" biro niya

"Hindi noh,eto mga assignments oh! Binato ko sa kanya yung mga papel.

"Sige,salamat" sabi niya,biglang may sumingit

"Hello ate" sabi ng kapatid niya

"Hello baby boy" tapos kinarga ko siya.

"Pasok ka po" sabi niya

"Pwede ba daniel?"

"Oo naman"

pagkapasok ko,may nakita akong nakahiga sa may sofa. Nanay niya,mukhang may sakit.

"Ngayon alam mo na kung bakit absent ako" sabi ni Daniel

Binaba ko muna yung kapatid niya tapos nilapitan ko yung nanay niya,pagkakita niya sa akin

napangiti siya.

"Sorry iha,laging absent si Daniel. Gusto niya kasi,siya ang nag aalaga sa akin"

"Okay lang po yun" sabi ko naman,dumiretso ako sa kitchen.

may alam kasi akong recipe na pwede sa mga may fever,mas magiging okay pakiramdam niya.

"Ano ginagawa mo?" Tanong ni Daniel

"Basta"

"Hindi mo toh bahay noh"

"Alam ko" tapos binigay ko sa kanya yung bowl ng recipe

"Ano toh?hindi ako gutom Kathryn"

"Hindi yan para sayo,para sa nanay mo yan" tinignan niya yung pagkain

tapos tinignan ako. Ngumiti siya "thank you" sabi niya.

"No problem"

-----------

"Ma,kainin mo daw toh sabi ni kathryn"

nakita kong kinain ng nanay ni daniel yung gawa ko.

"Okay po ba?" Tanong ko

"Masarap siya iha,tsaka sure ako mas o-okay na pakiramdam ko"

Ngumiti na lang ako.

"Pwede ka nang maging nanay" biro sa akin ng nanay ni Daniel

"Bata bata ko pa po" bigla tumawa kami

"Ehem,basta ako asawa ehem ehem" sabi ni daniel,kala niya di ko maririnig yun?

loko loko talaga siya.

"Sige po,uwi na po ako"

-- Daniel's POV --

Pagkaalis ni kathryn ng bahay,tinignan ako ng mama ko.

"Bakit?"

"Wala lang" sabi ni mama ng naka ngiti

"Nakoo ma,gawa na muna po ako ng assignment" habang kinamot ko yung likod ng ulo ko.

"Daniel"

"Oh?"

"Isip isip rin" sabi ni mama.

ano naman kaya ang meaning nun? si mama talaga.

Umalis na lang ako,para gawin yung assignment ko,baka sa anong topic pa mapunta

usapan namin eh.

-- Kathryn's POV --

alam ko nanam hindi badboy si daniel,mabait siya sa itsura lang niya talaga. Pero gwapo naman siya.

Inisip ko buong gabi kung bakit ayaw ko ba talaga ma fall sa kanya.

Nakahiga ako sa kama,nag-iisip

bigla napatayo ako nung pumasok sa isip ko si 'Dan-dan'

"Si Dan-Dan?" tanong ko sa sarili ko.

******************************

Author's Note: Sino naman kaya si Dan-dan? Salamat sa pag support sa story ko. :)

Halos 200 readers na! :D salamat! gawin nating 250? :P HAHAHA :) keep on supporting! thanks:)

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon