Chapter 23 (Siya)

502 7 0
                                    

Naghintay ako hanggang makauwi na ang lahat,syempre curious ako. Alam ko na mali kasi baka masamang tao ang nagtext pero kaya ko naman sarili ko ehh kaya go lang!

Pagkatingin ko sa labas,may nakita akong roses,naka spread sila sa floor.

"Huh? Umuulan ba?" tange kathryn! bakit ko pa naisip yun? HAHA

"Hi!"

"Ayy kabayo!" nagulat ako,pero tinignan ko ng maayos ang mukha ng nanggulat sa akin, "Hoy! erick bakit hindi ka pumasok? wait,ikaw ba yan?"

"HAHA,oo ako toh,bakit? di ko ba kamukha ang sarili ko? ehh may sakit ako"

"Bakit ka pa pumunta dito kung may sakit ka? Ehh namumutla ka kasi tapos itsura mo parang ang hina mo" napa sad face ako bigla

"Okay lang ako!"

"Promise?"

"Promise!" sabi niya

"May papa advice pala ako erick!"

"ano yun?"

"kasi nasabi ko na lahat kay daniel,lahat lahat! Pero parang no effect"

"Alam ko nararamdaman mo!"

"Weh?"

"OO! Yung nagpapanggap ka na masaya ka kahit na wala na siya, tapos pag may nagtanong kung okay ka ssbhin mo "OO" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman talaga. Para ano? para di ka magmukang tanga at naghahabol sa wala naman? o para makipagk

umpetensya sa taong nang-iwan sayo na kaya mo din na wala siya? Kung tutuusin, parehas naman na tama ang nagiging kamalian lang e minsan sumosobra naman na, in short, OA na. Kung bukal sa loob mo ang kagustuhan nya, malamang hindi naman magiging ganun kasakit e. Pero sino ba naman ang taong ganun diba? Kaya sige, umiyak ka lang, isipin mo siya hanggang sa magsawa ka, pero wag na wag kang magmamakaawa na bumalik siya, dahil kung mahal ka nya tlga, hndi na nya hahayaan limusin mo ang pagmamahal niya. Oo ngayon umiiyak at broken hearted ka, pero as time goes by, lahat ng sakit mawawala na yan, at ikaw ay magsisimulang umibig na ulit. Hindi mahalaga kung ilang beses kang nasaktan dahil pag nakilala mo na ang TAONG MAKAKASAMA MO HABANGBUHAY, All the pain will be WORTH IT."

"bakit mo naman alam yan lahat?"

"Let's say i'm in love with this girl,who doesn't love me"

"Nakoo,then ang blind niya!"

"I know,but I still love her"

"gumaganun ka na ah!"

Sabay na kami nagtawanan,hinatid niya ako pauwi. Sana nga okay lang siya. Nagpromise naman siya ehh. Well,worth it ang advice ni erick,tama siya sobra! Ang tanong,paano ko ba mapipigilan ang pag beat ng heart ko para kay daniel? :(

---

The next day,pagkapasok ko. Wala nanaman si Erick. May sakit pa rin ba?

Edi tinanong ko nanaman si ma'am

"Ma'am bakit wala pa po si erick?"

"sit down,i have some news"

Mukhang bad news ata. Ano ba yan! Kung kailan patapos na ang year. 4 days na lang ohh!

"Our very own erick is still sick and is rushed to the hospital"

Nung narinig ko na nirush siya sa ospital,nagreact ako bigla "Huh? Ano ma'am?"

"Paulit-ulit Ms. Kathryn?"

"Ayy,hindi po ma'am"

Nakoo,saang hospital kaya si erick? Kailangan ko namang bisitahin siya!

Hindi ko pa rin naman nakakausap si daniel,nilalayuan ata ako?

Dapat nga ako yung lumalayo eh,ako yung nasaktan dito.

Paano kung hindi talaga siya ang para sa akin,kasi ilang beses na ako nasasaktan o baka bad boy talaga siya.

May pusong bato siya!

--

"Ma'am ang sakit po ng tiyan ko!" sabi ko

"Oh bakit?"

"Hindi ko po alam ma'am,sumakit na lang bigla! ARAY!"

"Ehh meron ka ba ngayon?"

"Opo,ang lakas po."

"Nakoo,uwi ka na lang."

"Sige po"

Fake! Hindi naman talagang masakit ang tiyan ko,ayoko lang talagang magklase. Gusto kong makapagisip sa bahay. Parang may kulang kasi talaga!

Pagkauwi ko,binuksan ko ang computer,fb na lang! HAHA

pero pagkabukas ko ng FB..

"Why are you online?" tanong ng isa kong teacher! Lagot,nakalimutan kong may fb rin pala siya

edi nag chat offline na lang ako,kunwari online lang talaga ako sa phone.

"Pagkatapos ng mga nangyari, madalas kasi, wala ka na talagang choice kundi magpakatatag. Kundi bumangon ulit at matutunan ang mga lessons sa buhay mo na hindi mo maharap noon kasi natatakot ka sa mga kalalabasan nito, pero kung iisipin mo,

ikaw din naman kasi mismo ang gumawa ng mga choices mo na yun. Pero hindi porket nahihirapan ka ngayon e habang buhay ka mahihirapan, malalagpasan mo din yang mga yan, wag ka lang mawawalan ng pag-asa. :)"

nabasa ko sa fb,parang natamaan ata ako? O sige na,ako na tanga!

Pero masisisi nyo ba ako? Tao lang,nagmamahal rin.

Humiga na muna ako sa kama,naisip kong isulat lahat ng gusto ko sa isang lalaki sa papel tapos icheck ko kung may ganung ugali ba si daniel.

Pero instead na si daniel ang naisip ko,si erick. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki nasa kanya.

Ngayon ko lang ata napansin. Andyan sa lagi,kahit na puro daniel ang lumalabas sa bunganga ko. Tanga ko talaga!

Bakit kasi ang bad boy pa ang hinabol ko?

Kailangan kong tawagan si erick!

nag ring! "Hello?" tanong ko

"Hello,sino toh?" babae ang sumagot.

A/N: Hii! lapit na 4,000 reads :"> mahal ko talaga kayo! Marami pang chapters to come! <3 salamat and keep on supporting! :*

&quot;The Bad Boy Met Me&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon