Chapter 8 (Missing You)

793 13 1
                                    

The next day na,the usual naman. Maaga gigising,tapos hihintayin si best. Tsaka may uniform na kami

kaya di na kailangan mamili pa ng damit.

Naglakad na kami ni best papuntang school,

"Hi,wanna ride?" Tanong ng isang gwapong lalaki,matangkad rin

mga 6 footer siguro,itim ang hair,magulo ng unti at brown ang mata niya.

Sino naman kaya toh?

"Sige" sabi ni best. Nagulat ako eh,di naman namin yun kilala.

"Best,kilala mo ba yan?"

"Oo,nakilala ko siya kahapon habang magkasama kayo ni Daniel"

"Ahh,okay" yun naman pala eh,sabi nung guy pwede din daw akong sumabay pero ayaw ko,okay na sa akin ang maglakad. Exercise din toh. Masaya naman maglakad sa umaga,yung simoy ng hangin tapos peaceful pa.

May gumulat sa akin bigla "Boo!" Si daniel nanaman.

"Kung makapag,asaan na pala yung cake?"

"Eto oh,nilagay ko na siya sa box"

"Ahhh"

Naging tahimik ng mga ilang minuto,ano ba kasi pwedeng itopic? Pag kasama ko kasi si best,

kahit anong topic napag uusapan namin eh.

"Sorry pala ah" sabi niya

"Para saan naman?"

"Yung sa kahapon"

Wait,yung kiss ba o tungkol sa ate niya?

"Uhm,ahh okay lang"

"Di mo lang kasi ako maalala" sabi niya

"Huh,ano?" Nalito ako,ano ba pinag sasabi niya?

"Ahh wala,sabi ko buti naalala ko"

Ngek,Hindi naman yun yung sabi niya eh. Change topic na nga lang

"Bakit yung dad mo nasa states?"

"Dun siya naka assign eh,miss na nga nila siya eh"

"Ikaw? Hindi mo miss?"

"Hmm. Hindi kailangan yun." Hindi makatingin sa akin si Daniel pero alam kong nasasaktan siguro siya. Ayaw lang niya ipahalata sa iba.

"Okay lang yun,andyan naman siya lagi sa puso't isipan mo" sabi ko,para mapasaya naman siya.

"Ikaw rin,nasa puso't isipan ko" sabi niya

May isasagot ba ako dun? Nakakatense naman toh,bakit pa kasi niya sinabi yun. Hindi naman ako magaling sa mga ganyan eh.

Buti na lang at andito na kami sa school,

"Sige, mauna na ako ah?" Bigla palayo na ako.

"Totoo lahat yun Kathryn" sabi niya bigla.

Alam ko nagblu-blush na ako,tinatago ko lang,dumiretso na lang ako sa girls bathroom

tinignan ko sarili ko sa salamin.pulang pula. Lagot,paano ba yan mawawala?

Lumabas na lang ako ulit. Dumiretso na sa classroom,baka malate pa ako eh.

-----------

Okay naman daw ang grade namin sa cake, 89% daw. Atleast mataas rin.

The rest of the day was boring,nakikinig naman ako sa klase pero boring lng talaga,gusto ko

na umuwi para gawin ang mga assignments tapos matulog.

*Rrrriiiiinnnggggg*

Uwian na,finally.

"Tiffany,sasabay ka ba sa akin?" Tanong ko

"Hindi na,siya na daw" tinuro niya yung lalaki.

Nawawalan na ata ako ng best friend ah,mukhang magkaka love life nanaman si best.

"Sige bye" sabi ko

pagkatalikod ko, "Ikaw? Gusto mo ng sakay?" Tanong bigla ni daniel

"Wag na,kaya ko naman maglakad eh"

"Sige na please" nagmakaawa siya,yun bang nagpapacute ng mata tapos naka pout pa.

"Sige na nga" sabi ko

edi sumakay na ako sa motor niya,unting unti ko nang naeenjoy ang pagsakay dun,di na ako

masyadong natatakot.

"Sige salamat ah"

"Gust ko kiss" kapal ng mukha niya,naki play along na lang ako

"Kiss ba?pikit ka"

Yun pumikit na siya,linapit ko ang mukha ko tapos sinampal ko siya

"Anong kiss kiss ha?"

"Eto naman,sakit nun ah!"

"Dapat lang,bye na nga"

Pumasok na ako sa bahay,kulit talaga nun. Binaba ko bag ko sa kwarto, bumaba para kumuha ng makakain tapos diretso na sa paggawa ng assignment.

Pero inaantok talaga ako.

"Ma! Tulog po muna ako"

"O sige"

dumiretso na ako sa kwarto tapos BAGSAK. Nakatulog na ako,nagising naman ako nga 7 para

kumain,tapos ginawa ko na assignments ko. Nanuod ng tv tapos natulog na.

Pagkapasok ko the next day,hindi ko pa nakikita si Daniel,so loner ako.

Baka absent? Halos buong araw wala siya eh.

Niyaya ko nman si best na samahan ako pauwi pero susunduin daw siya ng lalaki.

--

BUONG WEEK wala si daniel,galit ba siya sa akin dahil dun sa sampal?

Ano na nangyari dun?

Author's Note: THE BEST talaga kayo! Naka 150+ readers na ang book ko,salamat!!

50+ more? Vote din po kayo :) salamat. Sana nagustuhan niyo! :D

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon