Chapter 11 (Suprise)

688 12 0
                                    

Naglakad ako palabas ng bahay,buti na lang at tulog sila mama,hindi na ako nag ayos ng damit

suot ko pa rin yung pajamas,color blue na pang taas at pang baba.

Malapit lang naman ang bahay ni best eh.

pagkadating ko naman sa bahay nila,walang tao.

"Best" sigaw ako ng sigaw sa labas kaya tumatahol yung aso nila,

may nagtext bigla. Chineck ko phone ko,si best

"Meet me sa park please :(" ganyan yung text niya

bakit sa park pa?ang layo layo eh. Pinakapalakad pa niya ako.

--------------

Pagkadating ko naman sa park,ang daming ilaw parang may party.

"Goodmorning ma'am" sabi ng isang lalaki na naka pang waiter na damit.

"Sorry po,hinahanap ko po yung kaibigan ko"

"Yung lalaki po,andyan po hinihintay ka"

"Lalaki?" napaisip ako,baka yung ex ni best,gusto magsorry

"Ahh,sige"

inescort ako ng lalaki sa isang table sa gitna ng park,maraming flowers/roses

tapos may nagpla-play ng violin.

May nakita akong lalaki,pero nakatalikod siya.

"Thank you po" sabi ko sa nag escort sa akin

Tinignan ko na lang yung guy na nakatalikod, "hello?"

Pagkaharap niya,may hawak siyang teddy bear at isang red rose.

"Daniel ano toh?"

"Date?" sabi niya

Biglang may nagtext, "Enjoy ka dyan friend ;)" sabi ni best

"Plano niyo toh?"

Ngumiti siya "galing pala umarte ng best friend mo eh"

"Loko loko talaga kayo! tignan mo suot ko,tapos 3 ng umaga."

"Eh nung tumawag kasi ako sayo,binaba mo agad yung phone eh"

May point siya dun,pero may pasok kasi bukas eh!

"Kain lang tayo okay?" sabi ko

"Sayaw pwede?"

"Kailangan pa ba nun?"

"Sayang naman kasi yung effort ko!"

Umupo na lang ako. Tinignan niya ako,tapos umupo na lang din siya.

"Thank you" sabi ko

"Bakit?"

"Para dito,bakit mo ba toh ginawa?"

Kinuha niya yung kamay ko,tapos tinignan ako sa mata.

"Mahal kita Kathryn" Linayo ko kamay ko,kasi uncomfortable ako.

"Niloloko mo ba ako?"

"Bakit naman kita lolokohin?"

"Ewan"

"Matagal na kitang gusto kathryn,ikaw yung napapanaginipan ko everyday,pag gising ko

ikaw ang gusto kong makita,pag kasama kita,gusto kitang yakapin ng mahigpit. Pag hindi kita kasama,gusto kitang puntahan kahit a thousand miles lalakarin ko

makasama lang kita,kahit 5 minutes lang yun."

Speechless ako nun, "B-bakit ako,sa dinami dami dyan"

"Bakit ikaw? siguro kasi alam ng puso ko na sayo lang dapat ako mapunta,sa dinami dami man dyan

eh iisa ka lang naman,wala akong mahahanap na katulad mo"

"Kaya itatanong ko na sayo ito ngayon,baka kasi mawala ka pa sa akin, kathryn will you be my girlfriend?"

Ano isasagot ko? alam kong crush ko siya,pero handa na ba ako?

Author's Note: 300+ readers na! Wohoo. salamat. :) comment kayo kung isasagot na ba niya o wag pa?

350 readers pls? :) THANK YOU!

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon