Chapter 2 (First Day High!)

1.3K 16 1
                                    

"Gising na kathryn" Nagising ako na blur pa ang paningin pero noong luminaw na,nagulat ako at may katabi ako.

"Ayy daga" syempre nagulat ako eh,sino ba namang hindi. Best friend ko kasi excited lagi pumasok sa first day! Baka daw kasi may gwapo.

Yan tuloy nahulog pa ako sa kama.

"Who are you calling daga,eh ang ganda ko"

"Friend,hindi ka ba magugulat kung may gumising na lang sayo bigla na pasigaw pa?"

"Magugulat syempre,enough of this. Let's get ready na" Bestfriend ko talaga.. Name nya pala Tiffany,

bonggang name noh? Half american kasi sya kaya minsan english speaker sya. Mayaman sila at dapat nakatira sa America pero pinili ni Tiffany ang magstay sa Pinas para sa akin. Sweet eh noh.

Tumayo ako galing kama at humarap sa salamin. Wow ang gulo talaga ng buhok ko.

"Ligo lang ako" sabi ko.

"Okay" habang nakaupo si best sa dulo ng kama ko

Grabe lamig ng tubig,ayun ang ayaw ko pag umaga eh. Malamig na tubig tapos sleepy ka pa,good thing

nagpapagising ang cold water kaya pagbagsak ng isag tabo ng malamig na tubig sa ulo ko,yun gising na

ako.

Excited din naman ako pumasok,syempre gusto ko makatapos sa pag-aaral,para naman mapasaya

ko sila mama. Sa ngayon 3rd year high school na kami,juniors na! Sa MMPNS (Madre Maria Pia Notari School) kami nag-aaral. Hindi masyadong kilala pero maganda ang turo at masayang school.

"Finish" pagkalabas ko naman ng banyo, wala na si best. Saan nanaman yun lumipad?

siguro kumakain lang.

Nagbihis na muna ako. Simple lang naman,jeans at yung fave kong

batman t-shirt,tapos sneakers. Sinuklay ko na rin yung buhok ko at kinuha ang bag ko sa gilid ng kama. Inayos ang mga notebooks, okay ready na ako.

Bumaba na ako para kumain,habang sinusuklay pa rin yung buhok ko. Sabi na nga ba

nasa baba si best eh.

"Alam mo best,kahit ang dami mong kinakain,ang payat mo pa rin." sabi ko kay best habang tumabi sa kanya.

"Ganun talaga friend,wait is that what you're wearing?"

"Oo naman,bakit?"

"Parang boyish ang suot mo ehh"

"So? Okay na toh best. comfortable naman eh."

"Okay,if you say so"

Inaamin ko, hindi ako katulad ng ibang babae. Hindi ako ang girly type,gusto ko simple lang naman.

"Wait lang,lagay lang ako lipgloss"

nako si Tiffany,ang kulit. Ganda na nga,lipgloss pa?

"Mommy,daddy alis na po kami!" sigaw ko, inaakalang gising na sila pero tulog pa siguro sila kaya ni- lock ko na lang yung bahay. Hindi naman masyadong malayo

ang school sa bahay namin kaya pwedeng lakarin.

Hindi pa kami nakakalayo ni Tiffany "Ouch,ang sakit"

"Yan,nag heels ka pa kasi,oh ano masakit?"

"Yes it hurts"

"Mag paa ka na lng muna,pagkadating doon tsaka mo na yan suotin."

"Ehh yung ground ohh,madumi"

"Oh sige bahala ka best" At nauna na ako. Ilang minuto sumunod na si best

"Sige na nga" Makikinig rin pala sya eh.

"Much better noh?" suggest ko.

"Yup friend"

Finally nakarating na kami sa school. Sinuot muna ni Tifanny yung sandals nya,

wow maganda na yung school ah.

"Halika Tifanny, tignan na natin yung board para sa classrooms natin"

Grabe daming tao,siksikan as usual pero okay lang naman,nalaman namin na magclassmates kami ni Tifanny.

Since grade 4 pa kami magclassmates eh,tsaka wala naman kaming iba na kaclose masyado dito.

"Oh let's go,boy hunting na!"

"First day na first day,boy hunting agad?"

"Syempre noh,upo tayo dun para kita natin lahat"

Wala akong magawa kundi sumunod,pero dala ko naman book ko kaya okay lang,sya na lang

mag boy hunting,magbabasa na lang ako.

"Look oh!gwapo noh?"

"Huh?ay..panget" Wala naman talaga akong pake eh,di nga man lang ako tumitingin.

"Cute yung naka batman shirt"

Narealize ko eh naka batman shirt ako kaya jinoke ko si best,"syempre ako pa"

Tinignan nya ako tapos kinuha yung book ko.

"Hindi ikaw,yun oh!"

Tinignan ko kung saan nakaturo ang daliri ni best,oo nga noh naka batman shirt din sya.

gwapo rin,madedeny ko ba? eh totoo naman.

"Oh ano,nga-nga si friend!"

naka nga-nga ba tlaga ako?

"Hoy,tumigil ka nga,hindi noh!"

Tinignan ko ulit yung guy,aba palapit na sya. "Best,tingin"

"Huh?oh si batman guy papunta dito." sabi ni best.

"Uhm,Hi uhm alam nyo ba kung saan yung room na toh?" Tanong nya,

"Why,hello there. Yes we know" eto naman si best sagot agad,nakaupo lang ako sa tabi niya.

"Uhm pwede pakituro naman?"

Tinignan ako ni best na parang may bad plan sya,ano ba yan. Ano nanaman ba ang iniisip nya?

"Actually may pupuntahan ako eh,pero etong best friend ko alam"

HUH?ANO?

hinila ko sya palapit sa akin,"ano nanaman ba toh best?"

"Trust me" sabi nya.

Ayun lumayo na si best,wala naman syang pupuntahan eh. Tinignan ko yung guy tapos

ngumiti na lang,ano ba toh.

"Uhm,anong room po ba ang hinahanap nyo?" tinanong ko para masira na ang awkwardness.

"Room 6"

Aba,classmate namin?

"Ituturo ko yung daan,sundan mo na lang ako"

Author's Note: okay ba? :) sana nagustuhan nyo. :D Read!! Thanks :)

"The Bad Boy Met Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon